GIO
Sa isang private lounge na madalas naming tambayan ako dumiretso. Nandito na sina Johan, Nikko at Shaun nang dumating ako.
Naglalaro sa gaming console ang kambal habang nag-bi-billiards naman si Johan. Masyado pang maaga kaya walang babae rito pero madalas na may dala ang kambal. Minsan nagdadala rin ako but those are just flings, nothing serious.
"f**k!" ngiwi ko habang inilalagay ko ang ice cubes sa ice bag na hiniram ko sa staff.
Nagkaro'n yata ng pasa ang balikat ko dahil sa lakas ng impact nang pagkakabangga ko kanina. Mabuti na lang at suot ko ang seatbelt ko.
"Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Johan.
"Wala 'to, dude. Sa balikat lang," tipid kong sagot. Bumalik naman ang atensyon niya sa pool table at hindi na nagtanong pa.
Sanay na ako sa malamig na pakikitungo ni Johan, sanay na kami ng mga kapatid niyang sina Nikko at Shaun. An accident that happened almost three years ago changed him. It left him scarred emotionally.
Huminto sa paglalaro ang kambal bago sila bumaling sa akin. Sabay pang kumunot ang mga noo nila.
"What happened to your right shoulder?" tanong ni Nikko.
"Nabangga ang kotse ko sa puno. Malakas impact kaya nadali ang balikat ko," paliwanag ko.
"Oh, paano ka nakarating dito? Nasa'n sasakyan mo?" tanong naman ni Shaun.
"Nasira lang naman 'yong bumper sa harap," sagot ko. "This is that stupid caller's fault. Muntik pa ngang may mabangga, mabuti na lang naiwasan ko agad. Pero ipapaayos ko pa ang bumper ko. Damn!"
Habang nag-da-drive ako, ilang beses nag-ring ang phone ko. Paulit-ulit kaya naisip kong importante siguro ang sasabihin. Hinanap ko pa tuloy ang phone ko sa loob ng sasakyan kaya ako nabangga.
"Wala naman sigurong kasalanan ang tumatawag kasi hindi naman siya ang nag-da-drive?" nag-a-alangang sabi ni Nikko.
"Bakit hindi mo tignan sa phone mo kung sino 'yong tumawag, dude?" sabi naman ni Shaun at agad siyang sinamaan ng tingin ni Nikko.
"Mas makakapag-drive sana ako ng maayos kung hindi paulit-ulit na nag-ring ang phone ko. Hindi ko pa nga natitignan kung sino, eh. Uunahin ko pa ba 'yon, naaksidente na ako."
Biglang tumawa si Shaun habang sinisiko ang kambal niya. Tumingin pa siya sa aming dalawa ni Nikko at lalo siyang natawa.
"Kung ako sa'yo, dude? Hindi ko na titignan," sabi niya pa.
"Bakit?" nalilitong tanong ko pero ilang segundo lang, nakuha ko rin ang gustong iparating ni Shaun.
Tumingin agad ako kay Nikko habang paulit-ulit siyang napamura. Sumenyas si Shaun sa kanya ng, 'you're dead' at napamura naman ako.
"Hoy, gago! Bakit hindi mo agad sinabi?!" iritado kong sabi. Nasa harap ko na pala ang may kasalanan, hindi pa nagsabi.
"Hindi ko naman kasalanan! Hindi ko alam na nagda-drive ka!" depensa niya at inamba ko naman ang kamao ko.
Agad niyang itinakip sa mukha niya ang magkabila niyang braso at kami naman ni Shaun, nagpipigil ng tawa.
"Tatanggapin ko lahat ng suntok mo pero 'wag sa mukha! Tang ina Gio, 'wag sa mukha ko!" sabi niya pa. "Sinasabihan na kita, ha! Gaganti talaga ako 'pag tinamaan ako sa mukha!" banta niya sa akin habang hinaharangan niya pa rin ang mukha niya.
Ayaw na ayaw ng kupal na 'to na magalusan ang mukha niya. Prized-possession niya raw kasi. This idiot and his f*****g vanity.
"Tsk! Ang daming sinasabi!" inip ko namang sagot.
I started to c***k my knuckles and neck. Na para bang handang-handa na ako sa gagawin kong pambubugbog sa kanya.
This asshole! May kasalanan din naman siya kahit wala siyang idea na nagmamaneho ako kanina. Tawag niya pa rin ang puno't dulo ng lahat. Malay ko ba kung urgent ang sasabihin niya o gagaguhin lang niya ako kasama si Shaun. Lagi akong trip ng kambal na 'to, eh.
"Chill, dude!"
Pumagitna sa amin ni Nikko si Shaun sabay hampas sa balikat ko. Saktong-sakto ro'n sa masakit na parte.
"Aray! Pucha!" reklamo ko at agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Tang ina! Shaun! D'yan nga masakit!"
"Paano para kayong bata ni Kuya Nikko," iling niya at sabay pa namin siyang binato ng throw pillow ni Nikko.
"Look who's talking!"
"Tama na nga. Tama na 'yan," saway sa amin ni Johan kaya lang kami tumigil. "Nikko, apologize," utos niya pa sa kapatid niya.
"Fine," Nikko sighed defeatedly. "I'm sorry, okay? Urgent talaga ang sasabihin ko sa'yo kanina kaya kinukulit kita."
"Tungkol ba saan? Sasapakin talaga kita kapag nalaman kong trip niyo lang ako nitong si Shaun," banta ko.
"Calm down, dude. Si Nikko naman daw sasagot ng bagong bumper mo," sabi pa ni Shaun at nanlaki agad ang mga mata ni Nikko dahil sa narinig niya.
"What?! Pare-pareho naman tayong may kailangan kay Gio!" reklamo niya at siniko naman siya ni Shaun. "Puñeta! Oo na, oo na. I'll pay for the damages!"
"Good, good! Madali naman palang kausap 'tong si Nikko," satisfied kong sabi habang nakangiti. "Ikaw na bahala, ha? I'll send you the receipt," dagdag ko pa habang tinatapik ko ang balikat niya.
"Well, now that it's settled..." panimula ni Shaun at tumabi pa siya sa akin para umakbay.
Napangiwi naman ako at agad ko siyang siniko dahil tinamaan na naman niya ang balikat ko. Hindi man lang natinag ang gago at malaki pa rin ang ngisi sa mukha niya.
"Let's get down to business, Gio. We need you. You're the only person who can do the job and the only person we can trust," dagdag ni Johan sa sasabihin ni Shaun.
Sabay-sabay pa silang tumingin sa akin at tumango. Napailing na lang ako dahil hindi ko gusto ang seryosong atmosphere at ang mga tingin nila.
Damn! What have I gotten myself into!?