Chapter 20

1576 Words
Wade Pagpasok ko sa loob ng opisina ko, nadatnan ko si Akiro na prenteng naka-upo sa sofa. Ngiting-ngiti siya sa akin kaya tinanong ko siya kaagad. "What do you mean that I'll get what I want?" I'm curious as he even said I'm his bread and butter this year. "Can't you just offer me tea before answering your question?" Ubos ang pasensya kong tinignan siya, "Sagutin mo ako. Ano na naman ang ginawa mo?" "Ano pa ba, edi siyempre ibigay ang gusto mo." Naningkit ang mga mata ko, "I know that it's for your own interest."saad ko. Umiling naman siya, "It's for your own interest also. I'll have the money and you'll have your woman." Mas uminit ang ulo ko sa tinuran niya. "Ano ba talaga ang sinasabi mo?" "I will not say until you'll serve me a tea. For some reason, I love to drink a tea today." Natigil ako sa sinaad niya. Nag-isang linya ang labi ko, hindi kaya alam niya na ang tungkol sa kondisyon ko? Ako, si professor, at si Hazel lang naman ang nakaka-alam nito. "Wade?"untag niya sa akin. "Wait, I'll brew your tea."wika ko. Tinungo ko ang mesa sa gilid at sinimulan kong magtimpla ng tsaa. Pero habang ginagawa ko ito, kinuha ko ang cellphone ko. Mabilis kong tinipa ang pangalan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa kong na-launch na ang magazine ko. The Gentlemen's Groom of the Year: Wade Maximillian Fabro I scrolled it up right away. Nangunot ang noo ko sa nabasa ko. "Well, we made this magazine to officially announce the betrothment of one of the gentlemen of High Society. Honestly, it's my first time to have a member getting married since I took over our family business so I thought why not make his magazine like this. "said by Akiro Hamada, the CEO of High Society. Kumukulo ang dugo ko habang binabasa ko ang kabuuan ng article. "Mr. Fabro was not able to attend his magazine launch as he was preparing his wedding with his fiancée." Naibagsak ko ang cellphone ko sa mesa at hinarap si Akiro. "Tapos na ba ang tsaa ko." "You made a decision without my consent."nagpupuyos kong saad. "What are you talking about?" Linapitan ko siya, "You launched my magazine. And even saying that I'm getting married. Sinong pakakasalan ko iyong operating room? Ha?!" Naikuyom ko ang kamay ko nang matawa pa siya, "Gago ka, ba't mo naman pakakasalan iyong operating room, siyempre si Hazel ang pakakasalan mo."natatawa pa niyang turan. "Anong sabi mo?Sinong pakakasalan ko?"gulat kong tanong. "Oh you're getting excited."ngisi niyang saad. Naghahalo na ang galit at kaba sa sinasabi ngayon ni Akiro. "Hindi ako nakikipaglokohan sayo."wika ko. "Si Hazel nga, iyong girlfriend mo-" "Hindi ko siya girlfriend-" "Fiancée mo." "Akiro."nagbabanta ko ng sabi sa kanya. "Liwanagin mo ang sinasabi mo ngayon."sabi ko at umupo na ako sa sofa. "Oh well, ako rin ay nagulat." "Ang dami mo pang sinasabi."sikmat mo. "Ganito nga kasi iyon, tumawag si Grandma sa akin noong isang araw, at pinapunta niya ako sa mansion. And then, nadatnan ko si Hazel." "Tapos?"tanong ko. Matagal akong tinignan ni Akiro. "Tapos....Iyong tsaa ko, hindi mo pa binibigay sa akin." "Tsaa ka ng tsaa, tarantado ka-" "Bahala ka, hindi ko ipagpapatuloy ang kwento ko." Tumayo na ako at kinuha ang tsaa niya at binigay sa kanya. Minura ko siya ng tumatawa siyang tinanggap ito. "Sarap pala ng tsaa."sabi niya. Tinignan ko lang naman siya, "Narinig ko na gumagawa pala ng tsaa si Hazel." Parang may bumara sa lalamunan ko nang sabihin ito ni Akiro. Hindi kaya sinabi ni Hazel ang kondisyon ko- Grabe ang babaeng iyon- "Nagkakilala pala kayo sa herbal clinic ng professor mo." Lumuwag ang paghinga ko, "Yeah, estudyante siya ni professor. Siya ang tumutulong sa herbal clinic nito."wika ko. "At kaya ka bumibisita kahit gabi na dahil sa kanya?" "No."mabilis kong sabi. Kumunot ang noo niya, "Kung hindi, bakit bumisita ka dun kahit hatinggabi na?" "I went there for some reason, not because of Hazel." "Anong dahilan mo nga?" Bumuga ako ng hangin. "It's not important. Sabihin mo na sa akin kung bakit pinapunta ka ni Grandma sa mansion at kung bakit nandoon si Hazel."sabi ko, "Ikaw ide-deny mo pa talaga. Eh ikakasal na nga kayo Hazel." Napapikit ako at napabuga ulit ng hangin. "Bakit nga kami ikakasal?" "Malay ko, iyon ang sinabi ni grandma pati narin si Hazel." Napamulat ako. "Kaya siyempre, since hindi kita matawagan, umayon na ako sa lahat ng sinabi ni Grandma. Pinalitan ko iyong magazine mo, ginawa kong ikakasal ka patin narin love story niyo ni Hazel, inilagay ko. "Love story?" "Si Hazel ang nagkwento sa akin." Kinuyom ko ang kamay ko, anong pumasok sa utak ng babaeng iyon!? "Nasaan siya?"tanong ko na nagtitimpi. "Nasa mansion nga ni Grandma. Hinihintay ang iyong pagbisita." "Pupunta tayo dun."wika ko at tinungo ko na ang washroom ko. Nang matapos kong magpalit, lumabas ako kaagad sa opisina. Sinundan naman ako ni Akiro. "Bakit Wade?"tanong niya sa akin. "She's lying. We don't have a relationship. Not even that f*cking love story."sagot ko at tuloy-tuloy ang paglalakad ko. Naglalagablab ang damdamin ko dahil sa nangyayaring ito. How can she lied?! This is so absurd. "What? I mean, I can even say that you like her-" Hinarap ko si Akiro, "I don't like her." "O come on, Wade. Your actions speak louder than your words." Lumapit ako sa kanya, "Hindi ko siya gusto. I will never like that ungrateful and shameless woman." "Then tell me, bakit ka nagpupunta sa herbal clinic na iyon?" Hindi ko siya sinagot at pumasok na ako sa elevator. "You can't lie to me, Wade."sunod niya sa akin. Hinarap niya ako, "Alam ko ng wala ang professor mo ng gabing iyon. He's on a project. At si Hazel talaga ang dahilan mo sa pagpunta mo sa clinic na iyon." Tinignan ko siya, "Ano magsisinungaling ka pa?" "She's...brewing my tea."nasabi ko at iniwas ko na ang tingin ko. "What?"kunot noong tanong ni Akiro. "I have a severe insomnia, and I need her to brew my tea for my condition." I revealed at last for I know I cannot keep this a secret any longer. "Tea for your condition? Seriously, Wade, inaasa mo ang kondisyon mo sa tsaa? Medicine is the most effective treatment for that." "I can't take medicine tablets." "Bakit naman hindi-" Tinignan ko siya. Natigil din si Akiro at hindi na naka-imik nang mapagtanto niya ang sinasabi ko. Kapagkuwan, nagsalita rin siya pagkatapos ng mahabang katahimikan. "That woman lied to me. And I'll make her pay for that."wika niya. Hindi na ako umimik. Kailangan ko siyang maka-usap. Gusto kong malaman kung bakit niya ito ginawa. Sinalubong kami ng mga katulong ng marating namin ni Akiro ang mansion. "Nasaan ang babaeng iyon?"kaagad na tanong ni Akiro nang makapasok na kami sa salas. "Akiro, hindi nakaka-ayang pakinggan na tawagin mo sa ganyang paraan ang mapapangasawa ng pinsan mo."pasok ni Grandma sa salas. "At isa pa, gabi na, binulabog niyo ang tulog ng lahat." "Grandma-" Pinigilan ko si Akiro. Napabuga siya at linapitan na lang niya si Grandma at nagmano rito. Sumunod ako at nagmano rin kay Grandma. "She's in your room."wika ni Grandma sa akin. Unang umakyat si Akiro sa ikalawang palapag. "Boys, you don't have any word for this matter anymore." Tumigil si Akiro at hinarap si Grandma. Lumapit naman na ako sa kanya at tinulak ko siya paakyat sa hagdan. Nang marating namin ang dati kong kwarto, binuksan kaagad ni Akiro ang pinto. Pareho kaming natahimik ni Akiro nang madatnan namin si Hazel na natutulog sa kama. I can see her through the dim light of the lampshade. Her body is covered with a blanket. Tahimik kaming humakbang palapit sa kama. "The hell, how can she sleep soundly when she's been lying all along?" Hindi ako umimik at napatitig lang ako kay Hazel. Pagak na tumawa si Akiro, "Can't deny it, she's really beautiful." Napabaling ako kay Akiro na pinagmamasdan na ngayon si Hazel. "Get out."saad ko. "No, kakausapin ko siya. Your magazine is been distributed and been sold, containing the lies of this woman." Naningkit ang mga mata ko sa kanya, "Lumabas ka na. Ako ang kakausap sa kanya." "No. I'm going to solve this problem. I'll take responsibility of this woman." Nagpanting ang taenga ko sa tinuran pa niya. "I said, get out." Sinulyapan pa niya si Hazel kaya nagdilim na ang paningin ko sa kanya. "What's your deal?"kunot noo niyang tanong- Natahimik kami kaagad ni Akiro nang marinig namin ang paggalaw ni Hazel. Tinulak ko na si Akiro palabas. "Teka nga, bakit ba?" "Lumabas ka na."tulak ko parin sa kanya. "Wade?" Nahigit ko ang hininga ko ng marinig ko na ang boses ni Hazel. "Gising na siya, kakausapin ko na siya,"wika ni Akiro pero pwersahan ko na siyang tinulak palabas sa kwarto at sinara ko kaagad ang pinto. Hinarap ko naman na si Hazel. At para bang may bumara na naman sa paghinga ko nang mapagmasdan ko ulit siya. She has already gotten up and is also looking at me. Her long, wavy hair cascaded gently into the thin fabric of her sleepwear dress. The soft, dim light highlighted the delicate curves of her silhouette. I felt a profound sense of mesmerization and longing, as I had not seen her for three days. The distance had only deepened my yearning to be near her, and in this quiet moment, my confusion over her lies seemed to fade away.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD