Kabanata 3

2661 Words
“O, BAKIT hindi ka pa bihis? Wala kang work today?” Ang tanong na iyon ni Saren ang bumungad sa akin nang lumabas ako mula sa silid namin ni Migo. I am still in my shirt and pajamas, hindi pa nakakaligo at nakakapag-ayos. Nakasimangot akong naupo sa pahabang upuan na kahoy katapat ng mesa upang kumuha ng isang pirasong pandesal na binili niya sa labas. Nang hindi ko nasagot ang tanong niyang iyon ay dumalo na rin siya sa hapag. “Ayaw kong pumasok, Saren. A-absent ako,” malumbay kong siwalat. Lalo namang nagusot ang mukha ko nang tawanan niya ako. “Seryoso ba ‘yan? Ikaw? A-absent sa trabaho? E, ayaw mo ngang masasayangan ng araw.” “Seryoso nga. Hindi muna ako papasok. Masama ang pakiramdam ko,” dahilan ko. Kumuha ako ng isang mug mula sa cup holder stand na plastic at nagsimulang magtimpla ng kape. I don’t have the plan to go to the RFH now. Pakiramdam ko ay hindi ko kayang magtrabaho ngayon, not because masama ang pakiramdam ko, but because of Joross. He wanted me to be his secretary. Kinausap niya si Sir Paolo. Dahil nga one week ito sa out of town business at hindi naman ako kasama, sa kaniya muna ako magtatrabaho. I will work for him for the whole week, and I don’t think I can do it. Kaya heto, mas pinili ko ang hindi na lang muna magpakita. Muli kong narinig ang mahinang tawa ni Saren matapos kong magkwento. Humigop siya sa kape ko at dalawang beses na hinawi ang bangs niyang napaikli ang gupit kaya’t kaniyang pinagsisisihan. “So, dahil sa husband mo, kaya ka nagkakaganiyan ngayon? Gusto niya pala na maging secretary ka. Maganda nga ‘yon para magkalapit kayo.” “Ayaw kong lumapit sa kaniya,” pagsasabi ko ng totoo. “Masyadong . . . masyadong mabigat ‘yong galit niya sa akin.” “Ah, umiiwas ka. Tumatakas ka, ganoon?” “Saren,” mabagal kong sambit sa pangalan niya. Yes, I want to avoid him. I needed to. Alam ko naman na hindi ko matatakasan ang galit niya, kaya lang ay hindi ko maiwasang matakot. Apat na taon akong hindi nagparamdam sa kaniya, at naduduwag ako sa mga bagay na iisa-isahin niyang isumbat sa akin. Ang totoo niyan, hirap na hirap akong humarap at magpakita sa kaniya. Hiyang hiya ako na parang gusto ko nang ilubog ang sarili ko sa lupa. “E, bakit kasi hindi mo i-try na kausapin siya. Ang sabi mo nga, ikaw ‘yong nang-iwan. Bakit hindi ka mag-sorry at mag-explain? Malay mo, maayos ninyo pa ‘yan,” mahabang suhestiyon ni Saren. Sa sobrang sama ng loob sa akin ni Joross, sure ako na hindi niya magagawang makinig sa akin at lalo na ang tanggapin ang paghingi ko ng tawad. Sino ba ako ngayon sa kaniya? For him, I am the b***h who left him, the w***e he believed cheated on him. Still, hindi ko kayang gawin pa ang suggestion na iyon ni Saren dahil na rin wala akong ideya kung paano ko ba sisimulan ang lahat. Ang totoo, ayaw kong umisip ng paraan kung paano. Baka kasi lalo lang siyang magalit. Maraming beses ko na siyang nabigo, at nasaktan. Hindi ko gugustuhing madagdagan pa iyon. “Malay mo, love ka pa niya,” biro pa niya sa akin na may halong kilig. Itinaas-baba niya pa ang kaniyang mga kilay. Bilang ganti, sinamaan ko siya ng tingin. After what I did to him, imposible na ‘yong sinabi niya. I shook my head. “Mag-change topic na nga tayo. Ayaw ko nang pag-usapan ‘yan. Basta hindi ako papasok ngayon. Final na.” “Ewan ko sa’yo. Kung hindi man kayo magkaayos, at least, he heard your side. Closure ninyo na rin ‘yon! Ang mahalaga, malaman niya ang lahat lalo na ‘yong tungkol sa pregnancy mo noon. Kailangan niyang malaman ‘yong nangyari sa . . .” “Mama, you did not wake me po.” Napalingon kaming pareho ni Saren sa boses ni Migo. Lumabas na siya ng silid namin. Nakayapak ang mga paa at pupungas-pungas pa ang mga mata niya nang makalapit sa akin. “Good morning, big boy ko.” I chuckled, and then I offered my arms to him. Agad naman siyang yumakap sa akin at ginantihan ang paglalambing ko. “Anong big boy? E, iyakin naman ‘yang Baby Migo mo,” biro ni Saren kaya naman tumulis ang bibig niya at pasimpleng nagsumbong sa akin. Umiyak na naman ba siya kahapon? “Kapag inaway ka ulit ng mga kalaro mo, suntukin mo agad sa mata,” dagdag pa ni Saren kaya binigyan ko siya ng masamang tingin. Ilang beses ko nang naririnig sa kaniya na minsan nga raw ay umuuwing umiiyak si Migo galing sa paglalaro. Ang sabi niya, ayaw raw magsalita sa kaniya ng bata kapag tinatanong niya ito about sa nangyari. Ako naman, kapag tinatanong ko si Migo, tanging ang sagot niya palagi sa akin ay natalo siya sa laro nila ng playmates niya. Noong una ay panatag pa ako dahil mga bata lang naman, pero dumadalas naman yata ang pag-iyak ng anak ko. “Baby Migo, tell it to your mama na,” suyo ni Saren. Hinarap ko si Migo sa akin at sinapo ko ang magkabila niyang pisngi upang sana hulihin ang kaniyang bagong gising na mga mata. Nataranta ako nang marinig ko ang mahina niyang paghikbi. Tila dinurog naman ang puso ko nang mapanood ko kung paano unti-unting pumatak ang kaniyang luha. Ano ang problema! “Migo,” sambit ko sa pangalan niya. Umiling siya. Muli siyang yumakap sa akin at inilubog ang mukha sa aking tiyan. “A-ayaw po nila ako isali sa laro, kasi . . . kasi po . . . wala po ako papa.” Napatingin ako kay Saren sapagkat hindi ko maipaliwanag ang dumagok sa aking sakit nang marinig ko iyon. Dumagdag pa roon ang pagkahabag ni Migo. Hinaplos-haplos ko ang likod niya at hinagkan ang buhok. “Tahan na, tahan na. Kakausapin natin ‘yong mga kalaro mo, okay?” “Sabi po, ‘di ako love ng papa ko po.” Bigla akong nanghina. “H-hindi totoo ‘yan.” “Si Papa Jowoss po, gusto ko po siya kita,” mahinang hikbi niya sa akin. The last time he cried to me, itong bagay rin na ito ang dahilan. Noong wala akong maipakilalang ama niya, ang pangalan ni Joross ang nasambit ko sa kaniya. Nakokonsensiya ako. Hindi ko maiwasang malungkot, mainis, at magalit. Sa sobrang pagiging makasarili ko, hindi ko naisip na puwede palang maging ganito. Tinulungan ako ni Saren na patahanin at ulukan si Migo. I am frustrated at myself because I was not aware na ganoon pala ang nararamdaman ng bata. Kung puwede ko nga lang ipakilala sa kaniya ang ama niya, ginawa ko na. I did not go to work today. Tinupad ko ang sinabi kong hindi ako magtatrabaho ngayon sa office. Sa nightclub na lamang ako babawi. I decided to stay at home the whole day with my son. Alam kong marami na akong natanggap na texts at calls mula kay Melon at sa iba ko pang mga kasamahan. But, I chose to ignore them. Wala naman sigurong masama kung inuna ko ngayon ang anak ko. Kinagabihan, bago ako umalis ng bahay upang magtungo sa club ni Madam Barbara ay pinag-dinner ko muna si Migo. After that, ibinilin ko nang muli siya kay Saren. Sinabi kong sasaglit lamang ako at uuwi agad. “Ate Trish, huwag na huwag mo talagang papatulan ‘yong alok sa’yo ni madam,” paalala sa akin ni Viviana habang sabay kaming naglalakad papasok sa club. Sumabay na ako sa kaniya. “Oo nga’t nakakaramdam ng sarap, pero ‘yong pagkatapos naman, sobrang hirap sa sikmura.” “Ayos na ako sa kitchen. Kayo na lang diyan,” pabirong sabi ko. “Oo nga, ‘te. At pati sa ganda mo ba naman, baka mawalan kami ng customer. Kaya na namin ‘to!” Tinawanan ko siya at napailing ako. She’s an entertainer. Makapal ang make-up niya at pulang pula ang mga labi, ladlad ang buhok, malaki ang kaniyang hikaw at suot-suot ng mga paa niya ang mataas na heels. Mayamaya lang ay magbibihis na siya ng manipis at mas maikling saplot. Ang trabaho niya bilang isang entertainer ay hindi ko kayang gawin. Kaya naman kahit minsan ay hindi sumagi sa isip ko ang tanggapin ang inaalok ni Madam Barbara sa akin. Kahit na tinataasan niya ang presyo ng perang ibibigay niya sa akin, humihindi pa rin ako. Kung tatanggapin ko, wala na akong maihaharap na mukha kay Papa, kay Migo, pati na rin kay Joross. Maingay at marami ng tao sa club nang maghiwalay kami ni Viviana. Patungo siya sa dressing room, at ako naman ay sa kitchen. “O, late ka na yatang dumating, Trishia. Napapadalas yata ‘yan. Tandaan mo na may bawas ‘yan sa ipasasahod ko sa’yo, ha?” agap sa akin ni Madam Barbara nang masalubong ko siya. Tangan ng isa niyang kamay ang isang tray na naglalaman ng nakalalasing na inumin, habang ang isa naman ay hawak ang kaniyang umuusok na sigarilyo. Tumango ako sa kaniya. “Hindi ko po nakakalimutan.” “Heto, bago mo gawin ang trabaho mo sa loob, i-serve mo muna ‘to. Nag-iinit ang ulo ko sa mga waitress, ang aarte!” Yamot niyang inabot sa akin ang tray at kinailangan ko pang i-adjust ang sarili ko upang hindi matapon ang mga inumin. Hindi na ako nagpasaway pa dahil ramdam ko ang init ng ulo niya, siguro ay nagkaroon na naman kanina ng problema. Kapag ganitong wala siya sa mood, sinusunod ko na lang ang utos niya. Wala ng rekla-reklamo. Tinungo ko ang table kung saan ise-serve ko ang dala kong beer. Naroon ang dalawang pamilyar na lalaki. Si Sir Waren at si Sir Henric. Regular customer sila ng club. Mukha naman silang disente at kagalang-galang tingnan dahil sa suot nilang pang-opisina, kaya lang ay kabaligtaran no’n ang tunay nilang ugali. “Here’s what you ordered po.” Hindi ko sila nagawang ngitian. Papalit-palit man ang kulay ng lights, malinaw ko pa ring naaninag ang marurumi nilang ngisi habang pinapagala ang paningin sa katawan ko. “Enjoy your drinks, mga sir.” “Magkano ang hipo?” biglang tanong sa akin ni Sir Waren na ngayon ay dinudukot na sa bulsa niya ang kaniyang wallet. “Isang libo? Lima? Presyuhan mo ako, dodoblehin ko.” Nangilabot ako sa lalaki. “I-ilang beses ko na pong sinabi sa inyo na hindi ko po binebenta ang sarili ko, sir.” Humalakhak siya sa akin na para bang ang mga nasabi ko na noon ay hindi niya kailanman pinaniwalaan. Kusang napaatras ang mga paa ko nang tumayo siya. I watched him open his wallet. Naglabas siya ng lilibuhing pera at ibinagsak iyon sa mababang mesa. Tumayo si Sir Henric mula sa bandang likuran niya. Lumapit ito sa kaniya at tila may ibinulong. Ilang sandali lang ay lumapit si Sir Waren sa akin at sapilitang inabot ang aking kamay. Sinubukan kong pumalag ngunit inipit niya lamang ang palapulsuhan ko. “S-sir Waren, ano ba?” “Ang lambot ng kamay mo. Ang sarap dito.” Abot-langit ang pandidiri ko nang mas lalo nitong hinigit ang aking kamay upang idako sa zipper niya. Agad akong nanginig sa takot at ramdam na ramdam ko kung paano tumaas ang aking dugo. Nagpumiglas muli ako at binawi ang aking kamay. Tinawanan lang muli nila ako at parehong nagkibit-balikat, tila wala lang sa kanila iyon. Halos manligid ang aking luha sa takot. Ito ang unang pagkakataon na nabastos ako nang ganito. Pakiramdam ko ay narumihan ako. Tinalikuran ko na sila at hindi ko na binalak pang magtagal doon. Ngunit napatigil ako sa paghakbang nang makasalubong ko ang isang lalaking pamilyar ang pigura sa akin. Nang madastuhan ng maliwanag na lights ang mukha niya ay saka ko siya tuluyang nakilala. Tinitingnan ako ngayon ni Joross. Seryoso siya at walang bakas ng pagngiti ang kaniyang mga labi. Kanina pa ba siya? Nakita niya ba ‘yong nangyari? Nanlambot ang aking mga tuhod, at lalong nanghina ang aking loob. Naghalo-halo ang aking emosyon nang lumapit siya sa akin. Naging tuod ang aking mga paa at hindi man lang ito natinag. I looked down when he finally stood right in front of me. He is still in his office attire, and I smelled his natural fragrance. Agad akong dinalaw ng nerbyos. “W-what are you doing here?” I asked, but he didn’t answer me. Kinuha niya ang kamay ko. Hindi ko inaasahan iyon kaya naman nawala ako sa sarili at pinanood pa kung paano niya minasahe iyon. Tila ba binubura niya ang takot ko at kaninang paghawak sa akin ng ibang lalaki. Dinig na dinig ko ang malakas na pagtatambol ng aking puso. I looked up to him, but I didn't manage to stare into his eyes for long. Masyadong nakakalunod. “Is this the reason kung bakit wala ka sa office kanina?” Maingay man ay nagawa ko pa ring dinggin ang sinabi niyang iyon. Pasimple kong binawi ang kamay ko at umiling. “M-may inasikaso lang ako kanina, Joross. Ipapaalam ko naman kay Sir Paolo.” “Mas gusto mo ang ganitong trabaho, kaysa ang pagiging sekretarya ko?” May kasama ng pang-aamok at panunuya ang tono ng kaniyang tanong kaya naman bahagya akong nagising sa katotohanan. Sa palagay niya ba, mas gusto ko ang trabaho ko rito? Kung ganoon man, tama siya. Mas gugustuhin ko na lang maghugas ng mga baso’t pinggan kaysa ang makasama siya sa iisang opisina. Mas mahirap iyon para sa akin. Hindi ko sinagot ang amok niyang iyon. Nilagpasan ko na siya. Sigurado akong nandito siya para muling insultuhin ako. Sinadya kong bilisan ang aking paglakad upang makalayo sa kaniya ngunit nahigit naman niya ang baraso ko. Sa higpit ng hawak niya, ramdam ko ang pagkapikon niya. “Is this the life you chose over the wealth I provided you, Trishia? Gusto mong binabastos ka ng kung sino sinong lalaki?” Muli ko siyang hinarap. Sinikap kong hindi maging mahina sa paningin niya. “Hindi ko gusto ‘yon. Hindi ko gusto ‘yong nangyari kanina. Hindi ko gustong nababastos ako.” “At gusto mong paniwalaan ko ‘yan?” Napapikit ako. “Ano ba ang gusto mong marinig?” His jaw clenched. Binigyan niya ako ng mas mariing titig. “Kapag hindi kita nakita bukas sa opisina ko, tatanggalan kita ng trabaho.” Isinarado ang aking mga kamay upang pigilan ang sarili kong kontrahin siya. Wala rin naman akong magagawa kundi ang pagsilbihan siya, at sumunod sa plano niya. But at least, anim na araw na lang ang titiisin ko. Pagbalik ni Sir Paolo, magiging panatag na ulit ang trabaho ko. Hindi ko na siya pinansin pa. Muli ay nilagpasan ko siya pero bago pa man ako makalayo ay nakapagsalita na ulit siya. “By the way, I came here to get a woman.” I didn’t look back. “Puwede naman siguro akong mambabae, hindi ba?” Nakagat ko ang aking labi. Tibayan ko man ang aking loob, nakuha niya pa ring halukayin at guluhin ang damdamin ko. Kayang kaya niya pa ring kontrolin ang puso ko. Nakita kong nilapitan niya ang isang babae. Nanligid ang luha ko nang makilala kung sino ‘yong napili niya. Ang tanga ko lang sa part na pinanood ko pa kung paano niya hinawakan sa baywang si Viviana. Inalalayan niya ito at inaya palabas. He’s free to do whatever he wants to do. Wala akong karapatang pagbawalan siya, pero aaminin ko, hindi okay sa akin iyon. Hindi ayos sa akin . . . kasi nasasaktan ako. Sa loob ng kitchen, habang nakababad sa tubig ang mga kamay ko, panay ang hikbi ko. Pigilan ko man, patuloy pa rin sa pagbagsak ang luha ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD