CHAPTER 16

1272 Words
The coldness was sipping through my skin when I woke up. The surroundings are quiet; I didn't even sense any movement. Slowly, I opened my eyes and saw a white ceiling in front of me. Why am I here at the clinic? Wala sa sarili akong napaungot nang maramdaman ko ang sakit sa buo kong katawan. Nangingimay, namamanhid. Para akong binugbog ng sampung katao. Well, masyado akong OA, mga tatlo lang naman. Dalawa? Ah, basta! Napunta sa pintuan ang atensyon ko nang may pumasok na tao roon. Agad akong natigilan nang magtama ang mga mata namin ni Senyorito, unti-unti ay bumalik ang mga alaala ko kung bakit nakahiga ako ngayon dito sa clinic. Teka, rephrase. Awu-awu pala, hindi tao. Gaunti na akong mapatampal sa aking noo dahil umandar na naman ang pagiging shunga ko sa mga oras na ito. Isang buntonghininga mula sa kaniya ang narinig ko na siyang nakakuha ulit ng aking atensyon. Marahan siyang naglakad patungo sa p'westo ko. "Just rest," aniya nang asta akong babangon. Para tuloy akong tanga na nakatukod ang siko habang bahagyang nakaangat ang katawan ko. Sa huli ay ibinagsak ko na lang ulit ang sarili ko sa higaan at iniiwas ang paningin sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit pero para akong nakukuryente sa mga titig niya—na naman. Hindi ko kayang tagalan; tila hinihigop ako niyon patungong ibang dimensyon. "How are you feeling?" seryosong usisa niya. Napanguso naman ako bago bumaling ng tingin sa kaniya. "Ikaw ba ang nagdala sa akin dito?" balik kong tanong imbes na sagutin siya. "Obviously," simpleng tugon niya na para bang katangahan pa na itinanong ko iyon. "Why didn't you call me?" dagdag niya kapagkuwan. Umangat naman ang kilay ko dahil wala akong ideya sa tanong niya. Gusto niya bang maging callmates kami? Taray naman ng isang 'to, ayaw ng text-text lang, call talaga ang gusto. Sabagay, sa ganda ba naman ng boses ko sinong hindi gugustuhing marinig ako palagi? Tsk! "You should have contacted me or Miro. You shouldn't follow commands from others, especially if doing so could hurt you." Bahagyang umigting ang panga niya sa huling sinabi. Hindi naman ako nakaimik at nanatili lang na nakatingin sa kaniya. He still has this cold demeanor on his face, yet I could feel the warmth in his voice. Nababaliw na 'ata ako. "Malamang susundin ko iyon. Eh, kung kagatin ako niyon sa leeg kapag sinuway ko siya? Tegi na ako, eguls pa." Napahawak siya sa kaniyang sentido at marahan na napailing. Napansin ko pa ang malalim niyang paghinga na tila nafu-frustrate at naiinis. Hindi ko nga lang alam kung para sa akin. Well, sa 'kin siyempre. Wala naman siyang ibang kausap dito sa clinic. 'Di bale na lang kung nakakakita siya ng multo. Wait . . . 'di ba sabi nila nakakakita raw talaga ang mga hayop ng kaluluwa? Bigla naman akong nanlamig at inayos ang comforter na nakabalot sa akin. Bahagya pang naglikot ang paningin ko sa bawat sulok ng clinic. Tabi-tabi po. "What are you doing?" takang tanong ni Senyorito nang magsakrus ako at nagdasal ng Hail Mary. I glared at him and mouthed, "Ssshh . . ." Then continued praying. Mas lalo siyang napahilot sa kaniyang sentido na hindi ko pinansin. Nang matapos ako ay tiningnan ko siya ulit. Prente s'yang nakaupo habang tamad na tamad na nakatingin sa akin. Naalis lang sa kaniya ang atensyon ko nang muling bumukas ang pinto at niluwa naman niyon si Miro. Napakunot ang noo ko nang makita siyang topless habang may benda ang kaniyang dibdib. May mga pulang mantsa pa roon. "You're awake," aniya at bahagyang napangiwi nang maglakad papasok. "Napaano ka naman?" hindi ko naiwasang itanong. Hindi ako concern, chismosa lang. Para siyang walang narinig at dire-diretso lang na naglakad patungo sa kabilang kama na nasa gilid ng akin. Nahiga siya roon na akala mo'y hinang-hina. Mukhang may kalaliman ang sugat niya sa dibdib. Kawawang tuta. "Naihanda mo na ba ang lahat?" baritonong tanong ni Cleon. Umungot naman si Miro. "Damn. Kahihiga ko lang," reklamo niya bago humugot ng hininga. "Nakahanda na ang lahat. Naghihintay na sila sa ground," patuloy niya habang mabagal na bumabangon. Anong mayroon? Napatingin siya sa akin. Kahit saglit lang ay nakita ko ang pagdaan ng pag-aalala sa kaniyang mga mata bago iyon nawala. Napailing siya bago tumayo at naglakad palabas ng clinic. "Can you walk?" Naagaw ni Cleon ang atensyon ko nang magsalita ito. Pinakiramdaman ko naman muna ang aking sarili bago tumango. Masakit pa rin ang katawan ko pero alam kong kaya ko namang tiisin 'yon. Hindi naman ako literal na nasugatan, nabalda lang talaga ang katawang lupa ko. Marahan akong bumangon sa pag-iisip na uuwi na kami. Inayos ko saglit ang sarili ko bago ako tumayo. Wala sa sarili akong napatili nang umangat ako sa sahig, buhat na ako ni Senyorito. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko habang nadarama ang mainit niyang palad sa likod ko. "S-Sir . . ." utal kong sambit. "K-kaya ko pong maglakad." Hindi niya naman akong pinakinggan at nagsimula lang maglakad paalis ng clinic. Wala tuloy akong nagawa kundi ang humawak sa leeg niya at sumubsob sa kaniyang dibdib upang itago ang mukha ko sa ibang estudyante na p'wede naming madaanan. Mamaya magmukha na naman akong malandi nito. Lumakad lang siya nang lumakad habang buhat ako. Hindi ko na alam kung nasaan kaming parte ng esk'welahan. Basta ang napansin ko lang ay ang nakabibinging katahimikan sa paligid na siyang ipinagtataka ko. Sa mga napapanood kong teleserye, kapag ganitong may buhat na babae ang campus crush ay halos maging bubuyog sila kabubulong, taliwas sa nangyayari ngayon sa realidad. Baka nakauwi na silang lahat? Ipinagkibit ko na lang iyon ng balikat at nanatiling nakatago sa dibdib ni Senyorito. Napakagat ako sa ibaba kong labi nang malanghap ang mabangong amoy niya. Nakakaadik. Tumigil si Cleon sa paglalakad. Akala ko ay nasa harapan na kami ng sasakyan pero napakislot ako nang may matinis na umiging sa paligid. Napadistansya ang mukha ko nang bahagya upang silipin kung ano iyon. Nanlaki ang mga mata ko kasabay ang paglaglag ng panga ko nang makita ang mga nakapilang estudyante sa ibaba. Nasa itaas kami ngayon ng isang building. Buhat ako ni Senyorito habang may mikropono na nakalagay sa isang stand sa harapan niya. Sh*t! Hindi ko alam ang gagawin ko. Itatago ko ba ulit ang mukha ko o tatayo na at aalis sa harapan nilang lahat. Alinman sa dalawa ay pareho kong ikapapahamak. Bwakinangshet. Ano ba'ng ginagawa ni Senyorito? Ibabagsak niya ba ako sa mga alaga niya para lapain? Ano ako? Alay, gano'n? Para akong masusuka sa kaba. Hindi ko alam kung paano nanatiling nakatayo nang maayos si Senyorito sa kabila ng pagiging malikot ng aking katawan sa bisig niya. "S-Senyorito . . . ano po . . . wala po kayong makukuha sa akin. Hindi ako malaman, hindi rin ako madugo. Lugi kayo sa akin," ani ko at bahagyang tumawa nang alangan. Hindi niya ako pinansin. Nanatili lang ang tingin niya sa harapan, sa kaniyang mga kalahi. Tila ba gamit ang kaniyang mga mata ay may ipinararating siya sa mga ito. "I will only say this once; everyone who does not comply will be punished," panimula niya. Natulos ako at napatitig kay Cleon. Ramdam na ramdam ko ang awtoridad at kapangyarihan niya. Boses at paninitig niya pa lamang ay manlalambot na ang tuhod ng sinumang kauusapin niya. "Anyone who lays a finger on the woman I am holding now will end up dead in my own hands." He had a clear threat in his tone. "This is my order—" His jaw set. "—the Alpha's command."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD