CHAPTER 14

1484 Words
Action or words. Alin nga ba ang matimbang sa dalawa? Paano mo paniniwalaan ang mga kilos kung taliwas iyon sa mga sinasabi nila? Paano mo rin paniniwalaan ang mga salita kung hindi iyong tumutugma sa mga kilos nila? At paano ka rin maniniwala sa kilos at salita nila kung may sarili kang pinaniniwalaan? I gave out a deep breath and watched the surroundings we are passing by. Hindi ko maiwasan na maisip ang isang tao na kagabi pang naglalaro sa utak ko. His words, his actions, everything. "You are now unusually silent," Miro interrupted my deep thinking. Nilingon ko siya at inirapan. We are on our way to school, and as usual he's the driver. Ibinalik ko ang aking paningin sa labas ng bintana at pinagpatuloy ang pagmamasid sa paligid. "Kapag nagsasalita ako, pinupuna mo. Ngayong tahimik, prinoproblema mo pa rin. Ugali niyo ba iyang mga awu awu?" I almost rolled my eyes again. "I just want to know what you're thinking. You seem lost," paliwanag niya. My lips curled into a smirk as I remembered my last conversation with their Alpha. Pagkatapos niya akong gamutin kagabi ay iniwan na niya ako sa kusina. Hindi niya rin hinintay pa ang sagot ko sa huling sinabi niya. Sino ba'ng nagsabi na takot ako sa kaniya? "Iniisip ko lang naman kung ano'ng sim card ni Senyorito," bulong ko. "Sim card? You have his number, right?" Hanga na talaga ako sa tainga nito. Napakatalas ng pandinig. Tss! Pairap ko siyang tiningnan."Mixed signal, eh." Mabilis na kumunot ang noo niya. Halatang hindi maintindihan ang isinagot ko. Hindi ko tuloy maiwasan na matawa sa isip ko. Hindi talaga nila kaya ang katalinuhan ng isang mortal na katulad ko, haays. "Anyway, can I ask a question?" He gave me a brief glance before shifting his attention back to the road. Napaupo ako nang maayos sa seryosong tono niya. "Ano iyon? He didn't respond right away, as though he wasn't sure whether to ask further questions. "It's about your parents," he started slowly. "What about them?" I asked with a frown. "You're an orphan, right? May I know how your parents died?" pang-uusisa niya. Hindi ko alam kung bakit curious siya sa magulang ko, pero dahil mukhang seryoso siya ay sasagot na lang ako nang maayos. "Yup, apat na taon na akong ulila. They died in a car accident. I was with them that day actually. Hindi ko alam kung matatawag ba na swerte pero ako lang ang nakaligtas." Mapait akong ngumiti habang inaalala ang mga magulang ko. "So, you are not definitely her reincarnation," I heard him murmured. My brows furrowed. Mayamaya pa ay naisip ko ang tinutukoy niya. The alpha's original mate. Hindi ko tuloy alam kung maiinis ako o matatawa. "Ano'ng tingin mo sa kaniya? Kaluluwang pagala-gala na pwedeng sumanib basta kung kanino? Kaloka ka, ah." "Well, my brother is insisting that you're his mate. Whether you are chosen by him or the Moon Goddess gave him an another mate, there must be something with you," he explained in details. I hummed and moved my head for a nod. "May point, pero hindi talaga ako ang iniisip mo. Bukod sa buhay ako noong namatay ang babaeng itinakda kay Senyorito, wala akong amnesia. Ay, mayroon pala, partial amnesia—TNGNA!" wala sa sarili akong nakapagmura at galit na tiningnan si Miro dahil bigla siyang prumeno. "Hoy! Alam kong awu awu ka kaya may ticket pass ka kay kamatayan pero tao ako, hindi pusa. Isa lang ang buhay ko, hindi siyam. Mag-ingat ka nga!" "You have a partial amnesia?" nanlalaki na matang tanong niya. "Paulit-ulit?" inis kong tugon habang inaayos ang sarili ko. "Gulat na gulat ka, ah? Hindi ba uso iyon sa inyong mga high bree—" My sarcasm was cut off when he gave me a glare. Aba at ikaw pa may ganang tingnan ako nang masama pagkatapos kong mag-fifty-fifty sa kaligtasan. "Tell me about it," he demanded in a serious tone. "Alam mo, kaunti na lang kakaltukan na kita. Mas magulo ka pa sa lider niyo," singhal ko. "Hindi ko alam kung bakit curious ka sa buhay ko, pero oo. May alaala akong hindi maalala at iyon ay ang araw kung kailan namatay ang mga magulang ko." Nagsimulang magsalubong ang mga kilay niya. "I thought you are with them?" Pilit akong ngumiti. "Wala akong kahit anong matandaan kung paano kami naaksidente. Nagising na lang ako na nasa ospital habang may nakakabit na mga aparato sa katawan ko. Wala akong ideya kung may bumangga ba sa sasakyan namin o kung nawalan ba kami ng preno. Sabi ng mga doktor, maaaring dahil daw sa trauma kaya nakalimot ako." "Are the details of the accident not in the police report?" Miro asked. Umiwas naman ako ng tingin at tahimik na pinagmasdan ang labas. "Nando'n naman. Nawalan ng kontrol, bumangga sa puno. Iyon lang." "You sound like there's something wrong with the informations," he mumbled. Mayroon naman talaga. "Is it possible for someone to get killed even though they don't have any enemies?" mahina kong tanong. "What do you mean?" he asked back. Peke na lang akong natawa at umiling bago siya nilingon. "Mahuhuli na ako sa klase." He stared at me for a moment before heaving a deep breath. Itinuon niya ang paningin sa kalsada at muling pinatakbo ang sasakyan. Tahimik ang naging byahe namin hanggang makarating sa school. Alam kong gusto niya pang magtanong pero marahil ay ramdam niyang ayaw ko nang pag-usapan ang tungkol doon ay hindi na siya nagpumilit pang magpatuloy sa pang-uusisa. "Huwag mo na akong ihatid sa room. Mamaya mapagkamalan ka pang boyfriend ko, nakaka-down naman 'yon para sa akin. Masabihan pa akong walang taste," ani ko nang nakababa ng sasakyan. His face automatically looked offended. Napaismid naman ako roon. Mariin siyang pumikit, umiling, at humigit ng isang hininga. "Just go, woman," pagpapaalis niya, halatang nauubusan ng pasensya. Hindi ko na siya sinagot pa at isinara ko na lang ang pinto bago nagsimulang maglakad palayo. Chismosong may ego. Tsk! Habang nakatungong tinatahak ang daan patungo sa silid ay hindi ko maiwasan na isiping muli ang mga magulang ko. It was an accident, they said. But . . . there's something strange. My parents have deep cuts on their body. Mga sugat na imposibleng sa aksidente nangyari. Para iyong gawa nang matulis na bagay pero wala namang na-report ang doktor na may bubog na inalis sa katawan nila. Naiintindihan ko na walang ibang nakalagay sa report dahil wala namang nawalang gamit sa amin, wala ring kaaway ang mga magulang ko. Pero kahit ano'ng lalim nang pag-iisip ko, mayroon talagang mali. Ang alam ko lang . . . my parents were definitely murdered. Sana lang ay maalala ko ang lahat. Isang buntonghininga ang ginawa ko. Pilit kong iwinaksi ang lahat sa isip ko at inayos ang paningin ko sa daan. Mabilis na nangunot ang noo ko nang napansin ang ilang titig sa akin ng mga estudyante na nadaraanan ko. Galit, pandidiri, disgusto. Malinaw na malinaw kong nakikita iyon sa mga mata nila. Teka, hindi ko naman siguro sila natawag na aso habang nag-iisip ako, 'di ba? Nagsimula akong kabahan. Medyo binilisan ko na lang din ang paglalakad ko para makaiwas na sa kanila. Akala ko ay kakalma na ako pagdating sa loob ng silid pero mas lalo akong kinabahan dahil lahat sila ay nakatuon ang atensyon sa akin pagkapasok ko. Shete ka, Faraiah. Baka may nasabi iyang bunganga mo na naka-offend sa kanila. Makakagat tayo nang wala sa oras nito bwakinangshet ka. Maingat kong nilapag ang mga gamit ko sa upuan. Hindi ko sila sinubukang tingnan. Katulad noon ay pumwesto ako malapit sa bintana at nakahanda sa pagtalon sa likod ng isip ko sakaling simulan nila akong sugurin. "Siya ba ang babaeng lumalandi sa Alpha?" "Narinig ko, niyakap niya ang Alpha para akitin." "Kay bago-bago, gumagawa agad ng gulo. Hindi na nahiya." Ilan sa mga bulung-bulungan na narinig ko na nakapagpatigil sa aking hininga. Ilang beses akong napakurap at pilit na sinisiksik sa isip ko ang mga salitang binitiwan nila. Ako ba ang tinutukoy nila? Natigil ang mga bulungan at literal na binalot ng katahimikan ang paligid. Nanatili akong nakayuko at nakatitig sa aking desk kahit pa gustong-gusto kong iangat ang paningin ko. What's happening? Nakagat ko ang ibaba kong labi nang nakarinig ng mga yapak galing sa isang pares ng takong. Palapit iyon nang palapit hanggang sa tumigil iyon sa harapan ko. Mariin akong napalunok sa kaba. "So, you're also here," a familiar voice spoke. Slowly, I tilted my head to look up. Napaawang ang labi ko nang nakita ang babaeng nakasama ni Senyorito sa pagpupulong. Ang babaeng sumampal sa akin kahapon. She's wearing a red fitted dress paired with her three inches silver heels. Halatang may mataas na posisyon base sa kaniyang awra. Kalmado man ang tayo niya ay ramdam na ramdam ko ang galit na nagmumula sa kaniyang mga mata niya. I'm dead.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD