CHAPTER 17

1489 Words
I was unaware of how we got home to the mansion. I was just dumb the whole flight; even when we were walking into the house, I felt like a floating soul. The scene from earlier at school kept going back and forth in my mind. Nakahithit ba sila? "Ano'ng nangyari? Bakit mukha kang lantay gulay, hija?" ani Manang nang salubungin niya kami sa sala. Napaangat ako ng tingin sa kaniya, hindi kumukurap, hindi nagsasalita. Mayamaya pa ay nanlaki ang kaniyang mga mata nang mabilis kong tinahak ang distansya namin at niyakap siya. Malakas akong ngumalngal sa dibdib niya. "Manang . . . s-si Senyorito—" Isang hikbi ang pinakawalan ko. "—mas lalo po siyang nabaliw," saad ko. "Ano?" rinig kong anas niya habang hindi maintindihan kung yayakap sa akin pabalik o hindi. Hindi rin nakatakas sa tainga ko ang impit na halaklak ni Miro. Masama ko siyang tiningnan. Nakahawak siya sa kaniyang dibdib na para bang nasasaktan sa bawat tawa niya. Iniwasan kong matuon kay Cleon ang aking atensyon dahil kumikirot ang dibdib ko sa pag-iisip na mas lumala pa ang sitwasyon niya. "Do you agree to that, brother? Your maid just made fun of you. s**t!" Miro's laughter echoed again. "Shut up," tipid na ani Cleon. Lumayo naman ako kay Manang at pinunasan ang mga luha ko. Sisinghot-singhot akong ngumuso sa harapan niya. Naghahanda sa pagsusumbong. "In-announce po ni Senyorito sa school na bawal akong hawakan. Ano ako? May nakahahawang sakit?" saad ko. Magkasabay kong narinig na nagmura sina Miro at Senyorito. Mas masarap lang pakinggan ang boses ni Cleon. Tunog itik kasi ang kay Miro. Hindi ko na sila pinansin at kay Manang lang pinanatili ang atensyon. "Fvck. I can't take this anymore. Aalis na ako baka lalo lang magdugo ang sugat ko." Napairap naman ako nang lingunin ko si Miro na walang-pasabi kaming tinalikuran at lumakad palabas ng mansyon. "That's not what I meant earlier, Faraiah, and for your information, I am sane right now." Ilang beses akong napakurap nang magsalita si Cleon. Tuluyan nang natuon sa kaniya ang atensyon ko. Walang bakas ng emosyon ang boses niya pero nakababaliw dahil nagawa niyong palundagin ang dibdib ko. Our eyes remained to each other for a moment. Ako na ang kusang nag-iwas nang maramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi. Nakita ko ang tipid na pagngiti ni Manang sa akin bago kami iniwan ni Senyorito sa sala. Nakagat ko ang aking ibabang labi. "I know . . ." bulong na saad ko. "T-in-agalog ko lang po nang literal," dagdag ko pa. Pagkatapos ng mga nangyari sa pagitan naming dalawa, sino ba naman ang makakapag-isip nang maayos? Hindi ko alam kung nagha-hallucinate ba ako kapag iniisip kong pinoprotektahan niya ako o nababaliw dahil binibigyan ko ng kahulugan ang ginawa niya. Punyeta kasing mate 'yan. Edi sana hindi ako umaasang kailangan niya ako. I saw his side lip rise. "You're nervous," he said. "I noticed that you tend to act and think like that whenever you feel unsure." Natigilan naman ako at wala sa sariling napabalik sa paninitig sa kaniya. Mabibilang ko ang oras na maayos siya. Na nakokontrol niya ang sarili niya. How has he noticed that in such a short span of time? I swallowed unconsciously. "S-sadya po akong ganito," ani ko. "Sumosobra lang talaga kapag . . . ayon nga . . . kabado, takot, o hindi ko alam kung paano mag-iisip." Pero kapag ikaw . . . madalas seryoso ako. Hindi naman siya umimik at tumitig lang sa akin. Na-conscious naman ako bigla kaya napaiwas ulit ako ng tingin. Ayon na naman ang dibdib kong nagwawala dahil sa lakas ng t***k ng puso ko. "Cleon," aniya. Kumunot naman ang noo ko sa tipid niyang sambit habang wala pa ring mabakas na emosyon sa kaniyang mukha. "Always call me by my name. Kahit saan, kahit kailan. It's an order," patuloy niya na ikinaawang ng labi ko. Seryoso siya sa binitiwan niyang salita. Saglit pang nag-igting ang kaniyang panga habang nakatingin sa akin, tila naiinip sa sagot ko. "H-Hindi po p'wede," nauutal na sambit ko. Bahagyang tumagilid ang ulo ni Senyorito habang nakaangat nang kaunti ang isa niyang kilay. Tila hinahamon ako sa sarili kong sagot. Maingat akong humigit ng malalim na hininga. "Magpapahinga na muna po ulit ako, Senyorito," ani ko. Binalewala ko ang sinabi niya. Ni hindi ko na siya hinintay pa na makapagsalita at basta ko na lang siyang tinalikuran. Ramdam ko ang pagbigat ng dibdib ko habang lumalayo ang distansya ko sa kaniya. Maski ang mga paa ko ay tila dumidikit sa nilalakaran ko at gano'n na lang iyon kahirap igalaw. Ayaw kong umasa. Ayaw kong magpaasa. Ayaw kong magpadalos-dalos. Ayaw kong magkamali. Oo, inaamin kong attracted ako kay Senyorito, pero sapat ba iyon para tuluyan akong pumasok sa mga buhay nila? Alam kong umaasa sina Miro na tatanggapin ko si Senyorito sakaling totoo na ako ang sunod na itinadhana sa kaniya, pero kaya ko ba? Magagawa ko bang gampanan iyon? Magagawa ko bang tanggapin iyon nang bukal sa loob ko? Tao ako. Iba ang mundo nila. Iba ang buhay nila. Iba sila. Handa ba akong mabago ang buhay ko para sa katulad niya? I heaved a deep breath when I reached my room. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid at mapait na ngumiti. Nagpunta ako rito para magtrabaho, para may maipangtustos sa sarili ko. Nakaayos na ang mga plano ko sa buhay. Kung paano ako magtatapos, kung paano ako magtatrabaho, kung paano ako mag-iipon, at kung paano pagagandahin ang buhay ko. Mahirap man ngunit may daan akong nakahandang tahakin. Sandali kong naisip si Senyorito. Hindi ko alam kung ano ang plano niya, kung ano ang nararamdaman niya, kung seryoso ba siya. Ang hirap niyang intindihin. Napailing na lamang ako at pilit inalis ang mga bagay na gumugulo sa aking isip. Naglakad ako patungo sa aking kama at ibinagsak ang sarili roon. Tulala na naman akong napatitig sa kisame habang pinakikiramdaman ang kumikirot kong katawan. Bakit niya ginawa iyon? Kahit bali-baliktarin ko ang utak ko ay wala akong makuhang sagot sa aksyon na ginawa niya kanina. Hindi naman ako gano'n katanga para hindi malaman na may racism din sa kanila. Tao ako; hindi nila ako gusto. Tulad nga ng sabi ni Miro noon, isa akong mababang uri ng nilalang para sa kanila. Wala sa sarili kong nahilot ang aking sentido. Nakatatawang isipin na sa mga oras na ito ay si Cleon pa rin ang inaalala ko—na baka madamay ang kredibilidad niya bilang lider ng pangkat nila. Nababaliw na nga 'ata ako. Napabaling ang atensyon ko sa pintuan nang makarinig ng tatlong magkakasunod na katok. Sunod niyon ay ang pagpasok ni Miro kaya naman marahan akong bumangon habang nagtataka siyang tiningnan. "Ano'ng ginagawa mo rito? May kailangan ka? Bakit may dala kang bulak?" kunot-noo kong usisa. He just shrugged his shoulders then sat on the edge of my bed. "Gamutin mo 'ko," aniya na ikinalaglag ng panga ko. "Nababaliw ka ba? Mukha ba akong nurse?" singhal ko. "Saka maayos pa naman ang benda mo, ah?" dugtong ko pa. Kababalot nga lang niyon sa kaniya ngayong araw, kakalasin niya agad. Hay nako! Iyan ang mga pasensyenteng ayaw ng mga doktor, ang mga makukulit. "Just treat me, woman," nauubusan ng pasensya niyang saad. "Hoy, Miro! Kapatid ka lang ni Senyorito, hindi pa rin ikaw ang amo ko rito. Makautos ka, ah?" Inirapan ko siya. "Alpha did this to me." Natigilan ako. Ilang sandali ay marahan na bumaba ang aking paningin sa nakabenda niyang dibdib. Natago man ang kaniyang mga sugat ay alam kong may kalaliman iyon. "N-Nawala ba siya ulit sa sarili niya kanina?" anas ko saka kinuha ang bulak na hawak niya. Nagkibit-balikat siya. "Yes? No? Maybe?" sagot niya na ikinisama ang tingin ko. He chuckled. "You've been hurt. He got mad, that's why," simple niyang saad saka kusang inasikaso ang pag-aalis ng benda sa kaniyang katawan. "Ano?" naguguluhan kong ani. Miro heaved a deep breath and then looked at me. "It's my duty to protect you, and I failed on that." Napaawang ang mga labi ko nang mapagtanto ang mga sinabi niya. "P-pero hindi ko pa naman siya tinatanggap. Ni hindi nga kami magkarelasyon o magkaibigan," ani ko. "Well, that doesn't matter. Right now, you're under the Alpha's protection. I bet everyone is thinking now that you're his mate." Napasinghap ako. Hindi ko alam kung dahil sa sinabi niya o dahil sa bumungad sa aking sugat niya. By just looking at it, I know that it was from Cleon's nails. Ang bigla ko ay unti-unting napalitan ng pagiging seryoso nang matitigan ang mga sugat ni Miro. It looked familiar. Parehong-pareho sa nakita ko noon. "Are you okay?" Nanginginig kong nabitiwan ang hawak kong bulak. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang imahe ng sugat nina Mommy habang nakatingin sa dibdib ni Miro. It can't be, right? Did my parents get murdered by a . . . werewolf?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD