Chapter 1

1505 Words
Aries POV Ako si Aries Villaflor (Mondragon) isa akong bastardo ng ama ni Greg Euan Mondragon. Ang sabi ng mga tambay sa amin gwapo daw ako habulin ng mga babae??? Oo pero di ako babaero. May dalawa akong kapatid na babae kaya ayokong manloko ng babae dahil baka sa kanila bumalik ang karma kapag ginawa ko yun. Sa taas na 5'8, may kasingkitan ang mata ko akala nga nila Koreano ako pero wala akong lahing ganun. Mukha lang akong K-pop, matangos din naman ang ilong ko at likas na mapula naman ang aking labi pero kayumangi ang balat ko. Bago pumanaw ang aking ina ay pinagtapat nya sa akin ang lihim ng pagkatao ko. Na anak ako ng isang George Mondragon isa sa pinakamayaman dito sa bansa. Kaya pagkatapos ilibing ang aking ina ay hinanap ko sya. Doon ko nalaman na meron rin syang anak na lalaki yun ay si Greg Euan Mondragon. Kinamumuhian ko ang aking ama, matapos nyang paibigin ang aking ina ay saka nya iniwan dahil magpapakasal na sya sa nabuntis nya ring koreana na ina ni Greg. Halos buwan lang ang tanda ni Greg sa akin. Gusto kong maghiganti kaya ng yayain akong sumanib sa isang Gang ay hindi na ako nagdalawang isip pa. Mas magkakaroon ako ng lakas kapag may mga makakasama akong gaganti sa walang hiya kong ama. Maraming pagsubok ang dinanas ko sa gang na iyon at sa lahat ng hirap nun ay masasabi ko namang napagtagumpayan ko. Marami na akong pinatay na tao lalo na kapag mga kalaban o kakompetensya ng boss ko sa negosyo kaya ngayon ay ako na ang kanang kamay ng bagong Mafia Lord, ang panganay na anak ng dati kong boss. Binigyan nila ako ng sariling negosyo na legal at na palago ko naman ito. Dito ako kumukuha ng pang gastos sa pangangailangan ng mga kapatid ko. Baby pa lang si Letlet ng mawala ang aming ina. Naunang mawala ang kanilang ama. Napasama sa nagrarambulan. Umawat pero sya pa ang sinaksak. Napuruhan kaya natuluyan. Dakilang kagawad kasi ang itinuring kong ama. Napakabait kaya maagang kinuha ni Lord. Yun ang alam ko nung una pero nalaman kong hindi pala simpleng rambulan lang kung hindi isa syang bayani na nagligtas ng isang batang babae na anak ng isang Bilyonaryo. Sa madalas kong pag mamatiyag sa mga galaw nila ay dun ko nakilala ang kasintahan ni Greg. Hindi ako naakit sa kanya pero pwede ko syang gamitin para saktan ang legal na anak ni George Mondragon. Kaya ng minsang napagkamalan nya akong si Greg ay nagpanggap na rin ako. Madilim ang bar kaya di nya agad makikita ang pagkakaiba namin. Ang halik na inumpisahan nya ay nauwi sa mainit na tagpo. Nakakapagtaka dahil ako ang nakauna sa kanya. Wala pang nangyayari sa kanila ni Greg. Ang swerte nga naman... Cindy POV Ako si Cindy De Lico isang ulilang lubos, bata pa lang ako ay ang tiyahin ko na ang kasa kasama ko. Yung bahay namin ay sa mga magulang ko. Pero ng mawala sila dahil sa isang aksidente ay si Tiya Polly na ang nakasama ko. Wala naman syang pamilya dahil hindi naman sya nag asawa kaya dalawa lang kaming magkasamang namumuhay. Nang makatapos ako ng Highschool ay pinili kong lumuwas ng Maynila. Mahirap ang buhay sa probinsya kaya kinailangan kong makipag sapalaran para makapag college ako. Bata pa lang kasi ako ay pangarap ko ng maging guro. Natutuwa ako sa mga bata. Mabuti nalang din at may kapitbahay kaming naghahanap ng makakasama sa pinagtatrabahuhan nya. Sanay naman ako sa gawaing bahay kaya di na ako mahihirapan pa. " Cindy pinatatawag ka ni Madam." Tawag sa akin ni Rhea. Isa rin syang kasambahay dito sa Mansyon na pinapasukan ko. Ramdam ko ang inis nya sa akin alam kong hindi nya ako gusto. Pero ayos lang di nya naman ako inaaway. Isang buwan na rin ako dito ngayon, isang taon lang tiyak na makakaipon na ako ng pang college ko. Malaki ang pasahod dito. Mabilis akong makakaipon. " Sige Rhea salamat." " Tssskkkk.... Papansin." bulong nya pa pero rinig ko naman. Napailing nalang ako sa ginawa nyang pag irap. " Good morning po ma'am. Pinatatawag nyo daw po ako?" Nandito kasi sya sa garden at may kausap na lalaki na mas matanda lang siguro ng ilang taon sa akin. " Yes come here iha." Tawag nya pa sa akin para mas lumapit ako. " Ilang taon ka na nga ulit Cindy?" tanong ng amo kong babae. " 16 na po ako." sagot ko naman. Alam kong menor de edad pa ako pero kailangan kong kumayod para sa pangarap ko. " Marco sya yung sinasabi kong bagong kasambahay dito. Sinabi sa akin ni Milet na gustong mag-aral kaya namasukan dito. Hindi pa may scholarship sa school nyo? Pa aaplyin ko sya. Samahan mo bukas." Kausap na ngayon niya si Marco. " Cindy sya nga pala si Marco pamangkin ko." Pagpapakilala pa nya sa pamangkin nya. Inabot naman ni Marco ang kamay nya. " Kuya Marco nalang ang itawag mo sa akin. Kapag nakapasa ka sa exam magiging school mate tayo." Sabi nya pa. Inabot ko rin ang kanyang kamay. " Nice to meet you po kuya Marco." Mas matanda lang sya sa akin ng tatlong taon. Na excite ako. Ang swerte nga naman. Kapag nakapasa ako makaka pag college na ako tapos may trabaho pa ako dito. Mapapadalhan ko rin ng pera ang Tiya ko sa probinsya. --------------------------------------------- " Ready ka na???" si kuya Marco. Sya na rin kasi ang kasama ko ngayon sa school para mag take ng entrance exam. " Opo kuya." Ang gaan ng ko kay kuya Marco parang may nakatatandang kapatid na talaga ako sa katauhan nya. Ilang Linggo lang a, lumabas na ang resulta at nakapasa ako. " Wow naman matalino ka pala? Perfect ang exam mo... Congratulations." Sabi pa ni kuya Marco ng minsang dalawin nya ako dito sa Mansyon. " Salamat po kuya. Kumain ka na po ba? Ipaghahanda kita. Ako ang naka toka sa kusina taga pamalengke ng mga kailangan sa kusina kaya kapag nandito sya ay ako na rin ang nagaasikaso sa kanya. May kasama naman ako si nanay Peyna. Napaka bait nya rin. Sya ang nagturo ng mga gagawin ko dito sa Mansyon. Si ate Melda naman ang taga luto at ako ang assistant nya. Nasa ibang bansa ngayon ang kaisa isa anak ng mga amo ko doon kasi sya nag-aaral. Hindi ko pa sya nakikita pero sa mga kwento ng mga kasamahan ko ay mabait rin naman daw. Nang malapit na ang pasukan ay binalita ko kay Tiya Polly na makakapag-aral na ako. Sobrang tuwa nya daw dahil di na ako maguihintay pa ng taon para makapag college ulit. Basta ang laging bilin nya sa akin ay wag munang mag bo-boyfriend. Saka na lamang daw yun kapag nakatapos na ako. Bumili ako ng mga gamit ko pang school. Malaki ang pasasalamat ko sa amo kong babae dahil binigyan nya ako ng pambili ng mga gamit maliban pa sa sweldo ko. --------------------------------------------- " Hi ako nga pala si Mica anong pangalan mo?." Katabi ko sya sa upuan. Maganda si Mica, maputi, singkit ang mata at mapupula ang labi. Mas matangkad din sya sa akin. " Cindy." sabay ngiti ko sa kanya. " May kasama ka ba mamaya sa lunch?" tanong nya ulit sa akin. " Wala pa bago lang kasi ako dito." sagot ko sa kanya. " Ay talaga ba???? Pwede tayo nalang ang magkasama wala rin akong kaibigan pa dito eh." Sabi nya pa. Tumango naman ako. Dumating na kasi yung unang Professor namin. " Wow Cindy ang talino mo pala. First quiz natin perfect ka?" si Mica ulit. Narito kami ngayon sa canteen. Hawak nya pa yung papel ko. " Hindi naman, nag-aaral lang ako palagi." sagot ko naman sa kanya. " Kain na tayo." Aya nya sa akin Ang dami nya kasing binili. Samantalang ako isang putahe lang ng ulam at isang kanin ang binili ko. " Para sa atin tong dalawa. Mula ngayon mag best friend na tayo ah." Sabi nya pa. Nakakapagtaka mukha naman syang mayaman pero pinili nyang dito sa canteen kumain kasama ko. Malapit na kaming matapos ng may tumawag sa kanya. " Hey Mica why are you here. Ang tigas talaga ng ulo mo bakit ka dito sa canteen kumakain?" Sabi ng isang lalaki na ubos ng gwapo. Magkamukha sila ni Mica mas matangkad lang ito. " Patapos na ako oh di mo ba nakikita." inis na sagot nya dito. " Let's go magagalit si mommy kapag nalaman nyang kung saan saan ka na naman kumakain." Hinila nya pa patayo si Mica. " I hate you Mocky." sabay irap nya sa lalaki. " Cindy I'm sorry mauna na ako magkita nalang tayo sa classroom." sumama na rin sya sa lalaki. Naiwan naman ako mag-isa sa canteen. Binilisan ko na lang para makabalik na sa classroom namin. Natapos ang unang araw ko na puro pagpapakilala ang gawa. Naghihintay na ako ng masasakyan kong tricycle ng may makita akong lalaki.... Ang gwapo....

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD