True to her words, Roxanne slept with lights open, and with the television in full volume. As a result, Seann was the one who didn't get a proper sleep.
He said he could manage— but the truth was, he lied. Because he's used to sleeping in the dark and in a quiet room. Oh well, at least Roxanne didn't snore and fart like what she said. And she didn't dare to take off her clothes. Subukan lang nito at siguradong mapipilitan siyang ibalot ito ng kumot at igapos sa kama.
"We haven't eaten breakfast yet," Roxanne complained that took his attention. Kalalabas lang nito sa banyo ng inupahan nilang hotel room at naka-bihis na. Lihim siyang napa-buntong hininga nang makita kung ano ang suot nito.
Si-sermunan talaga niya ang katulong na naghanda ng mga damit nito! Sinabi na niyang komportableng damit ang ipadala kay Roxanne, hindi pang-halay!
Iritable niyang sinuyod ng tingin ang dalaga— mula sa high cut black Converse shoes nito, sa maiksing itim na tattered jeans na umabot lang sa lugar na dapat takpan, at itim ding fitted tank top. She was looking gothic— minus the black eyeliner and lipstick. Sa kanang balikat nito ay naka-sabit ang isang strap ng backpack, and her face was looking so sleepy... or bored? He couldn't decide.
He woke her up at six in the morning and Roxanne threw a temper tantrum. Ang sabi nito'y hindi ito nagigising ng ganoong oras—at hayaan daw muna niya itong matulog hanggang sa handa na itong bumangon.
Well, sad for her because she's not going to get what she wanted from him. He refused to be her yes-man. Kaya naman niyugyog niya ang higaan nito hanggang sa mainis ito at padagog na bumangon— storming into the bathroom.
Napa-iling siya at hinanap ang safari jacket na nasa loob ng bag niya. Nang mahanap iyon ay kaagad niyang inilabas at inihagis kay Roxanne na nagulat— o nagising—sa ginawa niya.
"Itali mo 'yan sa bewang mo nang hindi ka magmukhang karne na naglalakad sa kalsada mamaya." Niyuko niya ang bag at inisara. "Siguro ay mas makabubuting itago kita sa sasakyan mamaya— we can't walk on the street with the type of clothes you have."
Si Roxanne na sinalo ang hinagis niya at salubong ang mga kilay na sinuri ng tingin ang jacket. "Mainit na nga sa labas, ibabalot mo pa ako. Hindi ako suman!" Inihagis nito pabalik sa kaniya ang jacket na alerto niyang sinalo.
"Kung ayaw mong magkagulo mamaya ang mga lalaki sa lugar na pupuntahan natin, cover your damn legs! Gutom pa naman ang mga tao roon!" He threw it back to her.
"I said no!" she exclaimed before throwing the jacket back to him.
"This is a Muslim majority country, Roxanne. Kapag nakita ka sa siyudad na nakasuot ng ganiyan ay huhulihin ka. So, I need you to put this jacket around your waist or you are not going anywhere," he said in a low but determined voice. Inihagis niya pabalik ang jacket sa dalaga na salubong pa rin ang mga kilay at nag-uumpisa nang mainis.
"Damn it— fine!" Padabog nitong itinali ang magkabilang manggas sa bewang nito— covering her exposed legs. "There, are you f*****g happy now?"
"Watch your mouth," he warned as he pointed his index finger at her.
Umikot paitaas ang mga mata ni Roxanne na lihim niyang ikina-inis. He hated seeing her do that— so childish. Kung may pag-tirik ng mga mata man siyang gustong makita ay hindi sa ganoong paraan o sitwasyon.
Damn it, kung anu-ano ang naiisip ko, kastigo niya sa sarili bago isinukbit ang bag sa balikat. Kinuha niya ang silver-plated key sa ibabaw ng bed side table at akma nang maglalakad patungo sa pinto nang muling nagsalita ang dalaga.
"I need you to feed me, I'm starved."
He furrowed his brows. "Did I hear it right? You are asking for food?" he mocked. "Hindi ba at sanay ka namang walang kinakain?"
"Ventura, baka nakakalimutan mong hindi mo ako pinakain magmula pa kahapon nang dumating tayo rito?"
He shrugged and continued to walk across the room. "You have survived four days without food— you'll be fine. Let's go."
"Well, hindi ako gagalaw rito sa kinatatayuan ko hanggang sa hindi mo ako pinapakain," she declared, putting her bag down on the floor.
Ang akma niyang pagbukas ng pinto ng silid ay nahinto nang marinig ang pagmamatigas ni Roxanne. Bagot niya itong nilingon.
"Sigurado ka? I won't be back here until the third night— kaya mong manatili ritong naka-kulong, walang pag-kain at tubig sa loob ng dalawang gabi? You can think again, Princess."
He saw her gritted her teeth in fury— and he celebrated because he knew he just defeated her.
Oh, how he played his card so well.
Ilang sandali pa'y inis na dinampot ni Roxanne ang bag mula sa sahig at tinapunan siya ng matalim na tingin.
He grinned at her upang lalo itong inisin. "Good girl."
Itinuloy niya ang pagbukas ng pinto, niluwagan iyon, saka nilingon si Roxanne. Sinenyasan niya itong mauna na.
Roxanne did and walked passed him— at nang lampasan siya nito ay narinig pa niya ang pabulong nitong usal na:
"You are probably just distracted by my legs, kaya gusto mong takpan ko. Napaka-daling magsabi ng totoo, bakit idadahilan pa ang ibang mga tao."
Nang makalabas ito ng pinto ay sinapo niya ang ulo sa pagkamangha. Umiiksi ang pisi niya at wala siyang magawa kung hindi magtiis at pahabain pa ang pasensya— extending it to its limit.
God, dalawang araw pa lang at paubos na ang pasensya ko. Please lend me some of Your patience. I need more of that in the next eight days!
***
Hindi alam ni Roxanne kung gaano na sila ka-tagal na naroon sa loob ng owner type jeep at bumibyahe patungo sa lugar na nais puntahan ni Seann. Kasama ang dalawang tour guides na sina Yusuf at Farah, ay binaybay nila ang tuyo at maalikabok na kalsada kung saan wala siyang nakikita ni isa mang puno o halaman sa daan.
Habang kausap ni Seann ang dalawang lokal tungkol sa patubig na ipa-ga-gawa nito sa lugar na pupuntahan, ay nanatili lang siyang nakamasid sa labas ng bintana ng sasakyan at pinagmamasdan kung papaanong halos balutin ng alikabok ang kalsada at kung papaanong halos hindi na niya makita ang kapaligiran sa kapal niyon.
No part of Somalia can be considered safe— as she was told. Not even the capital city Mogadishu. An extreme threat from terrorism throughout Somalia existed, so they had to keep their eye out for any danger they would be facing along the way. She heard Farah talking about terrorist attacks that may occur without warning at any time, anywhere in any city. And those often involve car bombs, multiple explosions, and heavily armed gunmen.
So having Yusuf and Farah guide them to the safest route was a huge help. Without them— their safety in the country would probably be on the line.
"I hope you like exotic foods."
Mula sa pagtanaw sa labas ng bintana ng owner type jeep ay nilingon ni Roxanne si Seann matapos marinig ang sinabi nito. Itinaas niya ang kilay saka sumagot. "I eat anything, Ventura. I used to eat my hair when I was a child— so bring it on," hamon niya bago ibinalik ang pansin sa labas ng bintana.
"Ate your hair?" Seann asked in a horrified voice.
Hindi siya sumagot at pinanatili ang tingin sa labas. Bahagya nang nag-iiba ang daang tinatahak nila. Somehow, she could already see some trees and few brick houses from afar.
"Seryoso ka ba sa sinabi mo?"
She made a face. Hindi pa rin siya nag-abalang sagutin ang tanong nito.
"Were you trying to throw a joke, Roxanne?"
Doon na umikot ang mga mata niya at hinarap ito. "Kailan ba ako naging komedyante, Ventura?" tuya niya. Ang balak niyang pag-suplada rito ay napigil nang makita ang simpatya sa mga mata ni Seann.
Ugh. I hate sympathy. This is why I'd rather look bad to people than miserable.
"Don't stare at me like that!" she snapped as she turned back to the window. Nagsisisi siya kung bakit pa niya sinabi iyon— she must have aroused Seann's curiousity about her past.
Matagal na nanahimik si Seann bago muling nagsalita. "What happened to you when you were just a child?"
I knew it.
Inis siyang nagpakawala ng paghinga at walang kalingun-lingong sinagot ang lalaki, "Hindi pa ba sapat ang pangingialam mo sa buhay ko at pati ang nakaraan ko ay panghihimasukan mo rin, ha, Ventura?"
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "Walang nai-kwento si Kane sa amin tungkol sa naging buhay mo bago mo nahanap ang iyong ama. Wala akong alam sa mga pinagdaanan mo noon bago ka dumating sa mansion ni Damien Madrigal, almost four years ago, pero sa tingin ko ay malaking bahagi ng kabataan mo ang naging dahilan kung bakit ka ganito ngayon."
She was annoyed and spoke quietly through clenched teeth, "I don't want to talk about my childhood, so stop asking me about it."
"Hmmm. Okay. I think I'll just ask Kane."
"Suit yourself. Pero wala sinuman sa mansion ang naka-a-alam ng tungkol sa nakaraan ko. Neither Kane nor Damien Madrigal." She managed to put an apathetic expression on her face before turning to Seann, who was waiting for her to continue her statement. "They both have no idea— dahil kapag nalaman nila ang lahat ng dinanas ko noong bata ako, ay baka iuntog ni Damien ang ulo niya sa pader."
Nagpasalamat si Roxanne nang hindi na sumagot pa si Seann sa sinabi niya. He just stared at her with a frown of confusion on his face, as if he was trying to apprehend the last words she said.
Ibinalik niya ang pansin sa daan kung saan may nakikita na siyang ibang bagay— maliban sa dilaw na buhangin kanina at ilang mga puno. She could already see several trees from afar, makeshift camps na nakikita lang niya sa depressed areas sa Pilipinas, at tambak-tambak na mga basura. It wasn't like the Payatas of the Philippines, pero maraming basura siyang nakikitang naka-kalat sa tuyong mga lupa. At sa gilid ng daan ay may mga tao. Mga babaeng kay bata pa pero may kalung-kalong nang mga anak. Nakasuot ang mga ito ng tradisyonal na damit ng mga Somali habang ang mga anak at hindi niya madesisyunan kung may mga suot o wala dahil nakabalot lang ng tela na naka-sabit sa isang balikat ng mga ina.
Men wearing dirty checkered polo and pants, barefooted as they followed the jeep with curiosity in their eyes.
Doon lang niya napag-tantong bumabagal na ang pagtakbo ng sasakyan, kaya madali niyang napansin kung ano ang mayroon sa paligid.
Hanggang ang owner-type jeep ay huminto— sa gitna ng mga magkakatabing barung-barong na... bahay? She didn't know what to call them—they were between makeshift camp and a tiny house. Bahay na gawa sa pinagtagpi-tagping tela, sako at nangangalawang na bubong.
"Welcome to the Land Of Hope," Seann announced that took her attention.
Nilingon niya ito at nakita ang paghanda ng lalaki sa pagbaba.
Salubong ang kilay na nagtanong siya. "Why are we here?"
"To provide help," he simply answered before opening the door and went out.
Si Farah na naka-upo sa front seat ay nakangiti siyang nilingon. "I hope you don't mind staying here for a while, Miss Roxanne?"
Farah was smiling at her in a friendly manner and she couldn't just give him the attitude. Pinilit niya ang sariling magpakawala ng ngiti rito.
"I... don't mind at all." God! Kailan ka pa natutong ngumiti sa ibang tao? Hindi ka naman dating ganiyan, ah? Irrespective kung mabait ang tao o hindi, you don't just smile at them!
She shook her head to brush off the demon that's whispering behind her ear.
"People here are nice, Miss Roxanne," sabi naman ni Yusuf na nasa driver's seat. Nakangiti rin ito sa kaniya. "I hope you won't find them scary if they approach you and shake your hand."
Hindi siya sumagot. Sa halip ay ibinalik niya ang pansin sa labas at nakita ang unti-unting pagdami ng tao sa paligid nila. Some of them were smiling as they saw Farah and Yusuf's familiar faces. Some were frowning, probably wondering who they were.
"Let's go, Miss Roxanne?" Yusuf invited.
Ibinalik niya ang tingin sa dalawang lalaking nakalingon sa kaniya, at tinanguan.
Naunang bumaba si Farah at sumunod naman si Yusuf. Ang akma niyang pagsunod sa labas ay nahinto nang marinig niya ang tinig ni Seann sa kabilang bahagi ng backseat. Lumingon siya at nakita itong nakatayo pa rin sa gilid ng jeep, naka-patong ang mga braso sa naka-bukas na bintana at nakatitig sa kaniya.
"I need to give you a warning," he started. "Don't you try to be bitchy towards anybody here— they don't deserve such attitude."
Tinaasan niya ito ng kilay at akmang sasagutin nang muling nagsalita si Seaan. "Never show impatience or undue haste. Do not ask direct or personal questions, especially about female family members. Never criticize them directly, if you have something to say about these people, which I'm sure you have, keep it to yourself. You don't want them to lose face and respect for you, do you? Also, do not patronize nor talk down to them even if they don't speak English very well. And last but not the least, do not move away from someone who stands "close" to you during a conversation. It is customary for a Somali to stand about one foot away when they talk to people."
Humalukipkip siya at nakataas ang kilay na sinagot si Seann. "Baka gusto mong itago na lang ako rito sa sasakyan? Baka ipahiya lang kita, kawawa ka naman."
Seann gave her a bored look. "That's another thing— don't you dare mock anybody here nor be sarcastic when speaking. I need you to learn how to treat people with respect— regardless of how you feel."
She tried to answer back, but Seann cut her off again, "Kailangan kitang balaan dahil alam ko ang tabas ng dila mo at sama ng ugaling mayroon ka. Now, haul your ass out of the jeep and follow me." Tuwid itong tumayo at tumalikod na, walking toward Yusuf and Farah who were both waiting nearby.
Naka-busangot na hinablot ni Roxanne ang bag na nakapatong sa tabi saka lumabas ng jeep. She wanted to slam the door but changed her mind when she noticed that the people around them were staring at her.
Damn it. Why do I have to participate in this?
***