"Tsssk, pambihira ka naman Dos! Ang laki mong tao tas sa balot ka lang mahihimatay!" malakas niyang sambit habang panay tawa sa binata. Kanina, humingi na lamang siya ng tulong sa mga lalake para buhatin ang si Dos patungo sa loob ng kotse nito. Binuhay niya ang makina upang hindu maiinitan ang binata at nagpabili siya ng menthol rub sa malapit na botika upang ipahid sa binata.Hinayaan na muna niya itong matulog, nahimatay la g naman ito kanina at alam naman niya kung paano ang tamang first aid na ibibigay rito. " S-sorry baby," "Okay lang, I'm sorry rin dahil pinilit kita kahit alam kong nandidiri ka na dahil hindi ka nga sanay." Umupo ito at inayos ang lumukot na damit. " Ouch, ambigat ng ulo ko, C-can you please take me to my place now? Lalagnatin siguro ako!" nakayakap ang binata