C6-Ruined Date

1601 Words
Nakagayak na siya at hinihintay na lamang si Mayor Zandro sa mansion. Nakasimpleng outfit lamang siya, as usual ay hindi naman siya sanay na magsuot ng mga dresses.Minsan lamang kapag may ocassion ay nagsusuot siya ng casual attire. Bahala na si Mayor Zandro kung ano ang magiging reaksyon nito, wala naman siyang pakialam kung ano ang impression nito sa itsura niya ngayon. Nakaternong polo blouse at shorts lamang siya na pinarisan niya ng simpleng sandals.Nilugay lamang niya ang mahabang buhok.Ni hindi siya naglagay ng anumang pulbos o kolorete sa mukha.She don't even wear any accessories sa katawan para magmukhang sosyal sa iba.Hahit anak ng isang billionaire ay hindi niya ugaling mag show-off. " Aray!" saad niya nang makaramdam nang kirot sa kan'yang balakang. Kasalanan talaga ito ni Dos. She was caught off guard pagkatapos siya nitong posasan.Napakawalang hiya talaga ng lalekeng 'yon porke't nakauna sa kan'ya ay parang tuluyan na siyang inangkin. Akala sigurio ng binata ay hindi niya alam na playboy ito. She remebered last time in the hotel noong kasama niya si Mayor Zandro ay may kasama rin itong magandang babae 'di ba?At ngayon kung makaangkin sa kan'ya eh parang seryoso ito? Duh, sinong niloko nito? Mabuti na lamang kaninang umaga ay mabilis na nakatago ang binata sa loob ng aparador niya dahil kung hindi ay naabutan na ito ng mga magulang niya . Pasaway talaga! Natatawa siya sa itsura nito kanina dahil ayaw talaga nitong magtago pero ilang beses niya itong sinipa hanggang sa wala na itong choice kundi ang magtago. " Ma'am nand'yan na po ang sundo ninyo." wika ni Aling Lydia , ang mayordoma ng mansion. Tumayo siya at nagtungo na sa labas at nakitang papalapit si Mayor sa kan'ya. He is a bit taller than her, malakas ang s*x appeal nito ngunit ewan niya kung bakit siya talaga ang nililigawan nito. Napakabait na tao ni Mayor Zandro, siguro kung wala lang talaga siyang ibang gusto ay bibigyan niya ito ng chance.Ngunit sa ngayon ay naghahanap siya ng tiyenpo para sabihin rito na pagkakaibigan lamang ang kaya niyang ibigay sa lalake. Ayaw niyang bastusin kaagad ang lalake lalo na't hindi naman siya binastos, sa halip ay nirespeto siya nito .Isa pa, kaibigan ito ng daddy niya kaya ayaw niyang magkakalamat ang pagkakaibigan ng dalawa nang dahil sa kan'ya.She will turn him down in a nice way . Siguro naman ay maiintindihan siya ni Mayor Zandro. " Good evening my lady, " masayang wika nito nang sinundo siya't hinatid sa kotse nito. Pinagbuksan siya nito ng pinto at napaupo siya sa tabi nito. Ito ang nagmamaneho ng sariling sasakyan pero may dalawa pang kotse na nasa likuran ng kotse nito. Hindi naman pwedeng walang bodyguards si Mayor . Ngiti lamang ang naging sukli niya kay Mayor. After ten minutes from the mansion ay narating na nila ang hotel . Mayor assisted her as they walked towards the hotel's receiving area. Everyone greeted the Mayor as they saw him approaching. " M-Mayor....I am so sorry to tell you that reserved na ang restaurant. May exclusive event po ngayon , sa katunayan nga po ay nagsisimula na sila. Nauna pala sila sa inyo Mayor, sorry po talaga nakalimutan ko pong tawagan ang sekretarya ninyo ..." The supervisor said apologetically. He looks so disgusted when he heard the news. " Mayor, its okay...." she told him bago pa nito murahin ang mga hotel staff." Marami pa namang ibang restaurants na may vacant pa, c'mon!" she reassured him. He felt devastated siguro dahil napahiya ito sa kan'ya ngunit gusto niyang ipahiwatig rito na okay lang iyon at hindi naman 'yun malaking bagay para sa kan'ya. " T-Teka Lyka, tatawagin ko ang Sapphire Hotel ha? I'm so sorry ,hindi ko ito inaasahan .You must me so hungry right now." pagpapaunmanhin nito. " I told you it's okay to me. No, I'm not yet hungry..." nakangiti niyang sambit rito. " Oh, is that so?" Dinig niyang sambit ni Mayor sa kausap nito sa cellphone.Malungkot ang tinig nito, maybe he heard another negative news . Tumingin ito sa kan'ya na tipong humihingi ng paunmanhin.naintindihan niya kaagad kung ano ang ibig sabihin nito. " What might be happening to the hotels na malapit sa 'tin? Parang fully booked ang lahat ng restaurants nila. Naka reserved na raw lahat eh, oh dam* I ruined this night Lyka.Nakakahiya talaga!" muling saad nito. " Maghanap na lang tayo ng pinakamalapit na restaurant? Tara na...Baka mamaya, magugutom na tuloy tayo..matagal pa namang magserved ng foods sa mga resto.C'mon Mayor, huwag kang mag-alala, okay lang ako." Hinila niya ang isang braso nito upang umalis na sila sa lugar na iyon. " Sige, much better nga. I just want to bring you into the most luxurious and classy hotel that's why i was really devastated Lyka..." He agained said while he is now riding on his wheels. Naghahanap na sila ng restaurants sa tabi tabi ngunit lahat ay maagang sumara. " Holiday ba ngayon?" tanong niya kay Mayor. Nakakapagtaka naman na lahat ng dinadaanan nila ng mga restaurants at kainan na mapamalaki man o maliit ay sarado. " Restaurants don't closed I think.Kahit sundays nga eh bukas sila!" sagot ng Mayor. Nagugutom na siya as in. Naririnig na niyang nag-iingay na ang kan' yang sikmura. " Wait Mayor, doon na lang tayo sa pastilan oh! Wala na tayong choice gutom na 'ko!" Isa sa mga paborito niyang pagkain ay ang pastil. Empanada ito na may pansit sa loob at nilalagyan ng mainit at maanghang na special sauce.Minemeryenda nila iyon nila ni Daena dati kapag nagpapatrolya sila. " Are you sure?" tanong nito sa kan'ya. " Yes Mayor, masarap 'yan eh.Subukan mo rin tara!"Hindi sigurio sanay si Mayor sa ganitong kubo-kubong tindahan pero hindi naman ito nagpapakikita na hindi ito sanay. He also tries to blend in especially nang batiin siya ng mga taong naroon sa tindahan. Pinaupo niya si Mayor sa mesa na yari sa plywood at monoblock chair.Self service kasi kapag sa ganitong setup. Napangiti naman si Mayor Zandro nang bumalik siya sa mesa na may dala nang dalawang umuusok na bowl na may lamang pastil at sauce.Maasim na maanghang ang sauce pero perfect combination ang lasa kaya gustong gusto talaga niya . Humigop siya ng sabaw at nakita niyang sumunod si mayor sa ginawa niya.Umasim ang mukha nito pagkatapos higupin ang sauce.His face instantly turned red after trying the sauce. " Masarap 'di ba?" tanong niya rito. " Yeah, m-masarap nga . Salamat naman at nasubukan ko ito kung hindi pa nabulilyaso ang dinner date natin ay hindi ko matitikman at malalaman na kaya pala maraming tambay rito dahil masarap pala ang food na'to. What do you call this again?" " Pastil..." she answered. " Ohhhh, I think I need to use the bathroom!" wika nito habang hawak hawak ang tiyan. " Naku Mayor walang CR rito!" Tumayo ito at nilibot ang tingin sa paligi.Hindi siguro kinaya ng tiyan ni Mayor ang asim ng sauce. Nakita niya ang namuuong malalaking pawis sa noo nito.Hindi pa sila tapos kumain ngunit sumakit na ang tiyan ni Mayor. " Lyk, is it okay if maghahanap na muna ako ng CR? Babalikan lang kita rito ha?" " Sige, go ahead mayor.I'll wait right here,just call me and update me if you're fine!" HIndi na talaga natiiis ni Mayor at halos lakad takbo itong bumalik ulit sa kotse nito. Kasalanan niya talaga kung bakit sumakit ang tiyan ng binata. Hindi iyon sanay sa mga streetfoods eh wala siyang choice kundi kumain rito sa kubo-kubong tindahan dahil gutom na gutom na talaga siya. She continued eating. Umorder pa nga siya ulit ng sauce at dinagdagan pa niya ng chicken barbecue sticks.Matagal na rin silang hindi nakakain ng ganito ni Daena dahil naging busy sila. Then suddenly her phone rang. Hindi iyon nakarehistro ngunit sinagot niya nang inakalang si Mayor iyon. " Hello baby, how's your date with Mayor Zandro huh?Is it a perfect night? Nabusog ba kayo?" kahit hindi niya nakikita si Dos ay alam niyang malapad ang ngiti nito ngayon. Sa boses pa lamang nito ay alam niyang may alam ito sa nangyari sa mga hotels and even the other restaurants. "Apollo Dos, may ginawa ka ba?" she asked while holding the softdrink bottle and started sipping the straw. " Huh? Kanina may ginawa ako sa'yo.I mean may ginawa tayo.Bakit,may nangyari ba?" " Huwag ka nang magmaangan pa Dos, kilala kita. 'Yan ganyang klaseng tinig, I know may kalokohan kang ginawa!" she exclaimed. HIndi siya maaring magkakamali.Tila ba, binabantay nito ngayon ang bawat lakad at galaw niya. " Hmmmm okay I admit it baby, pinasara ko ang lahat ng mga restaurants sa tabi at ang mga hotels, binayaran ko rin para hindi na tumanggap pa ng guest.Happy?" Nakakalokong tawa ang narinig niya mula sa kabilang linya. " Walang hiya ka talaga Dos! Pakialamero ka!" " Hmmm, ako pakialamero? Si Mayor ang nangingiala sa atin kaya he deserves it.Sinabi ko na nga sa'yo baby na walang ibang tao ang makakakuha o makakalapit sa'yo si Apollo Dos Coloner lang!" " Buisit ka talaga Coloner, k-kinuha mo na nga ang lahat sa'kin pati ba naman 'yung mga kaibigan ko idadamay mo pa! " " Ang akin ay akin lang Lyka...."huling wika nito bago ibinaba ang tawag. Ano'ng breed ba itong si Dos? Talagang hindi siya nito titigilan. In love ba ito sa kan'ya? O gusto lamang siya nitong sirain at inisin ? Is he just treating her as one of his toys? Ganito ba ito sa mga naging babae nito? First time niyang maka-encounter na katulad ni Dos.Mapang-asar pero possesive .yeah napaka-possesive talaga ng h*nay*pak na Coloner.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD