"Huy Dos ano ba? Tatayo ka ba d'yan or iiwan na lang kita dito sa kotse?" tinapik niya ang magkabilang binti ng binata. Kanina pa niya ito ginigising ngunit tila tulog na tulog na ito. Kahit anong sigaw o tapik niya ay hindi pa rin ito gumagalaw. O baka naman patay na ito? Napa sign of the cross siya nang maisip ang bagay na iyon. Huwag naman sana.Pumasok na talaga siya sa loob ng kotse at muli itong ginising. Ang laking tao ni Dos, may lahi 'atang bakulaw ang lalake pagdating sa katangkaran at kalapad ng katawan. "Alam mo ang hirap gisingin ang taong nagkukunwaring tulog! Nyemas ka Apollo! Tumayo ka nga riyan!" bulyaw niya sa binata nang masilip ang nakadapang mukha nito na may sumirit na bahagyang ngiti sa mga labi. " You're busted!" napahawak siya sa kan'yang dibdib nang bigla itong