"Hmmm, this is really delicious! Favorite ko na kaagad ang luto mo...." bulong ni Dos sa kan'ya habang kumakain sila ng tanghalian sa mansion. Sinipa niya ang isang paa nito dahil masyadong malapit na ang mukha nito sa pisngi niya habang bumubulong ito sa kan'yang teynga. Nakita kasi niya ang daddy niya na nakatitig sa kanila ni Dos at tila inoobserbahan lamang nito ang bawat galaw nila. Naroon din ang mommy niya na pasimple lamang ngumingiti sa kanila at si Raven Cross na seryoso habang nakatutok sa cellphone nito. "Tumahimik ka nga riyan, Apollo!" Mahina niyang bulong habang tinatapakan pa rin ang isang paa nito. Pansin niyang pulang pula ang mukha ng binata. Pinipigilan nitong sumigaw sa sandaling 'yon dahil nakatapak siya sa paa nito. "Isa' yan sa mga specialty ni Lyka. Every su