Katatapos lamang ng meeting nila para sa upcoming na pagbisita ng isang politician na taga ibang bansa at sa mismong tapat ng city hall nila mismo ito maghahayag ng isang napaka importante mensahe para sa buong mamamayang Pilipinas. Ang sabi ng general, magtatayo raw ang ito ng isang nuclear plant sa isang lugar ng bansa. At dahil kontrobersial ang ganitong klaseng proposisyon ay kailangan ang kanilang tulog para sa pangmalawakang peace and security. At isa siya sa mga team leader na magiging tagabantay ng national event na iyon. Isang malaking karangalan iyon para sa kan'ya "To serve and protect". Dati pa man, ang puso niya ay para sa mga kababayan na nangangailangan ng tulong niya. Bago siya babalik sa presinto ay naisipan na muna niyang isurpresa ang asawa sa company nito. Bumili siya