Iniwan na muna niya si Dos sa kanilang kwarto dahil gusto raw nitong matulog na muna. Siya naman ay nagpalit ng damit at sinuot ang dala niyang two piece dahil maliligo siya sa pool . Umorder siya ng mango shake at peanuts para may kutkutkunin siya habang naliligo at lumalangoy sa infinity pool. Ang sarap pagmasdan ang view habang nasa swimming pool siya,berde ang kapaligiran at ang sarap ng simoy ng hangin. Natigilan siya nang may isang itim na uwak ang tumayo sa di kalayuan ng pool. She look at it , parang tinitingnan rin siya nito. Ibang klase ang mata ng uwak, nakakatakot dahil sobrang itim nito ni hindi kumikibo habang tinititigan siya. Its so unusal though, ngayon lamang siya nakakita ng uwak na parang may sariling isip.Naalala niya tuloy ang mga napapanood niyang mga movie. May mga