Nakakainis talaga, nakakabadtrip siya. Anong klase na boss na pinahiya niya pa rin ako sa mga tao rito. “ME, ayos ka lang? Bakit tila mainit ang ulo mo at kangina ka pa bulong-bulong diyan? Kita mo sila? Ikaw yung pinag-uusapan nila ng dahil sa kangina ka pa raw salita ng salita riyan. Umayos ka nga, nilapitan mo lang si Boss Pogi, nagkaganyan ka na." “Tigilan mo ako kung ayaw mong kalbuhin ko ng tuluyan iyang buhok mo." pananakot na sabi ko sa kanya at natahimik na rin ito. Nakakainis at dumadagdag pa sa inis ko sa nararamdaman ko na nga ay para nais na sumabog. “Sige na, diyan ka na nga. Pero tigilan mo na ang kabubulong mo riyan ng di ka nila mga napag-uusapan. Ikaw naman kasi, pinatulan mo pa yung boss pogi. Pero alam mo, kangina pa siya nakatingin sayo. Kaya nga lang, di mo napapa