“ Sir Harry " tawag ni Elise sa pangalan ng lalakeng kanyang kasama. Nasa loob na sila ng Unit nito ng mga sandaling iyon. Tinatampal tampal niya sa mukha ito. Ngunit hindi magising si Harry. Napakataas ng lagnat nito. Halos mapaso si Elise ng salatin ang nuo ni Harry sobrang init talaga nuon. Hindi na siya mapakali sa kanyang gagawin. Kumuha agad siya ng malamig na tubig at pinunasan ito. Subalit kailangan niyang mahubaran ito upang mapalitan ng damit na suot. Natitiyak kasi ni Elise na hindi ito kumportable sa suot na long sleeves at pants na siyang suot nito kangina ng pumasok sa Opisina. Papaano ba gagawin ko? tinapik tapik pa muli niya sa magkabilang pisngi Ito upang magbaka sakali na magising oras na gawin nito iyon. Pero bigo si Elise na magising ito. Ni dumilat ng mata hin