Naririto pala muli ang kanilang Boss na si Sir Harry na matalik na kaibigan ng kanyang Kuya Bricks at Ama ng kanyang Kambal. Naalala niya naman ang kambal na nagtatanong na naman sa kanilang Ama. Actually hindi na iba sa kanya iyon dahil madalas naman magtanung ang mga ito kahit nakagisnan na nila na maging Papa ay si Kuya Bricks. Pero kahit ganoon ay hindi namin tinatago na hindi talaga nila tunay na Ama ang Papa Bricks nila. Wala naman sa kanila iyon, mahalaga ay may natatawag silang Papa, maliban sa kanya ay Mama Bea rin sila. Kaya masayang masaya na rin ang kambal na malaman na kahit wala pa rin ang Ama ay okay lang sa kanila. Sabi ko kasi nuon ay nasa malayong lugar ang kanilang Daddy. Sabi ko nasa America ito at nagtatrabaho. Ligid sa alam ni Bea na tinungo ko ang dating bahay n