"Magandang umaga po Ma’am." In fairness ha, ang gagalang ng staffs nila rito. Friendly pa lahat. Maaga akong nagising talaga kasi balak ko panoorin ang pagtaas ng araw. Tulog pa silang lahat maliban kay Brianna na may katawagan sa phone habang nakakunot pa ang noo. Sino kayang kausap niya? Imposibleng boyfriend dahil wala naman siya no’n. Nag-serve sila ng coffee sa harapan ko at ilang piraso ng tuna sandwich. Sarap! "Aga mong nagising, ate." Bumeso si Brianna sa akin at umupo sa tabi ko. Mukhang okay na siya ngayon huh. Natawa pa ako ng mag-ate siya sa akin gayong sabi niya ay hindi na niya ako a-ate-hin pero madalas siyang napapasabay kay Eiza sa akin sa pag-ate. "I usually wake up early. Ikaw? Sinong kausap mo?" Mula sa maayos na mukha niya ay napalitan ng pagka-irita at inis. Se