"Dito ba talaga?" "Wala namang katao-tao dito, girl. Sarado yata." Tinignan kong muli ang address na sinend ni Brianna. Tama naman ah? "Magtanong nalang tayo." Lumapit kami sa nakabantay doon. Pero bago pa kami makapagtanong ay pinagbuksan niya na kami ng gate. Nagkatinginan kaming tatlo... "Sabi sayo bukas ito eh!" Nagpasalamat kami sa lalaki at agad ipinasok ang sasakyan sa loob. Bumungad sa amin ang malawak na hardin. Iba-ibang klase at kulay ng bulaklak ang nagkalat doon. May ilang cottage style na bahay. Hindi kalakihan. Sapat lang para pagpahingaan ng ilang araw. "Wow. Ngayon ko lang nalaman na mayroon palang ganito rito sa Maynila?" ani Rick. Binatukan ito ni Paris. "Malamang. Ngayon lang naman tayo makakapagliwaliw dito." Inilingan ko nalang sila. Itunutok ko ang paningi