"Ahhhh! Buwisit!" gilalas nang makalabas sa opisina nito. Naalala ang sekretarya nito at nakitang nakatingin sa kaniya at tila may pagtatanong sa mata nito kung bakit buwisit na buwisit siya pero hindi na iyon pinansin. Bagkus ay naglakad at umalis doon. Inis man sa boss pero may kilig na naramdaman dito sa mga pang-aasar nito sa kaniya. Lalo pa at hindi talaga maikakatwang guwapo ito. Arogante nga lamang. 'Manyak pa!' aniya sa isipan. "Ew! Kadiri talaga!" bulalas na muling naalala ang eksenang nabungaran sa opisina nito. Noong una silang nagkita. "Ew! Kadiri? Ang alin girl?" panggagaya ng tinig sa kaniyang harapan. Nabigla siya ng makita si Angie. "Kanina ka pa diyan?" bulalas na tanong rito. "Yup! Grabe ang face mo girl, mukhang diring-diri ka sa iniisip mo ah?" diga pa nito sa kani