"Cedric, tama na!" awat sa kaibigan. "Bumalik ka na muna sa loob," pakiusap rito. Bago pa sila puntahan ng baranggay dahil may mangilan-ilan na siyang kapitbahay na nakatingin sa kanila. Tumitig muna si Cedric ng masama kay Christiano baho ito sumunod sa kaniyang sinabi. At nang mawala ito ay binalingan si Christiano, anong ginagawa mo rito?" matabang na turan. Tumitig ito sa kaniya na tila ba inaarok siya. Hanggang sa magsalita ito. "Nanliligaw ba siya sa'yo?" tinig nito. Batid niyang si Cedric ang tinutukoy nito. "Alam ko namang matagal nang may gusto iyang kaibigan mo sa'yo?" matiim na wika nito na nagpataas ng kilay niya. "Christiano, matagal na tayong tapos. Kung nanliligaw man siya o hindi. Wala ka nang pakialam doon," aniya rito. She don't want to be mean or rude pero gusto niya