Chapter 17:

2654 Words

Nabigla si Darius sa ginawa ni Kendra ngunit gusto niya ang halik na binibigay nito. Noong una ay naumid ang labi pero kalaunan ay mabilis na tinugon ang halik nito. Napayapos pa siya rito habang pinagsasaluhan nila ang matamis na halik. Ramdam na ramdam ni Kendra ang pag-iinit ng katawan nila ng boss gawa ng palitan nila ng halik lalo na nang pumulupot ang mga kamay nito sa kaniyang katawan. Nakaliliyo ang ligayang dulot ng halik nito. Natuturete ang utak kung yayain ba itong ituloy ang plano nila para makuha na niya ang papeles na hawak nito. "L—Let's just do this," aniyang nahihiya rito. Agad na umayos ng upo matapos ang mainit nilang halikan.  Napatingin si Darius sa babae. Mukhang ayos naman ito, tutal ay nag-iinit na siya ay tatapusin na nila. Mabilis na pinausad ang sasakyan hang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD