Chapter 16 JOHAN ZYRIL TORRES POV: Bago pa ako pumasok sa bahay, nakita ko ang paglabas nina mom and dad. They looked so serious, what happened? "What happened?" I asked dad, "Your sister got in trouble" ani niya at pumasok na sila sa kotse kung saan si mom ang nagdrive. Napailing nalang ako ng mahina, at sumakay na rin sa kotse ko at sinundan sila. Hindi pa ngayon mags-start ang class namin kaya wala ako ngayon sa ZZU. At napano naman si Zanie, hindi naman siya gagawa nang gulo kung wala naman nang-aano sakanya. Pagkarating namin sa ZZU, walang mga estudyante na pagala-gala at mukhang may klase pa sila. Napansin ko na papunta kami sa guidance office at hindi sa dean's office. Bakit sa guidance ang diretso ni Zanie? She should be in the dean's office not in the guidance office dahil n