Napasinghap siya nang biglang niyakap ng babae ang binata pero itinulak lang ito ng huli. Napaupo ito sa lakas ng pagkakatulak ni Ryu. Nakaramdam siya ng inis para sa babae at habag. Sa puso niya, ayaw niyang makitang may ibang babaeng yayakap sa binata. Kung mayroon mang may karapatan, siya iyon. Iyon ang nasa isip at puso niya. Naaawa rin siya at the same time. Kahit ano pang mali ng isang babae, hindi pa rin nila deserve ang saktang pisikal ng lalaki. "Leave me alone! Kahit ano pang gawin mo, hindi na kita mapapatawad!" Pakiwari niya'y nagambala ang mga nilalang sa ilalim ng dagat dahil sa malakas na sigaw ni Ryu. Humakbang ito palayo sa babaeng ngayon ay nakasalampak pa rin sa sahig. Nataranta siya at hindi alam kung saan magkukubli dahil sa dereksyon niya ang tugpa ng binata.