PROLOGUE
Lhara's POV
"Mommy nasa airport na po ako 'wag kayong mag-alala. Huwag niyo na rin akong sunduin kaya kong umuwi mag-isa." Habang naglalakad ako ay kausap ko naman si mommy sa kabilang linya.
Madalian ang uwi ko sa Pilipinas dahil sa lintik na kasal na mangyayari ngayong linggo na ito. Madaliang kasal, sa totoo lang hindi na namin kailangan pa magpakasal sa simbahan dahil mag-asawa na kami.
Pareho na kaming pumirma at kasunduan iyon na palatandaan na kasal na kami sa isa't -isa. Hindi ko nga kilala ang lalaking pinakasalan ko. Hindi ko na tiningnan pa ang pangalan niya. Wala akong oras na tingnan yun.
Kung hindi lang kapakanan ng mga magulang ko ang iniisip ko ay hindi ako magpapakasal sa lalaking hindi ko naman kilala. Bakit kasi nauso pa ngayon ang arrange marriage.
Naisipan kong dumiretso sa company ng lalaking pinakasalan ko. Lintek na kasal 'to. Nagkaroon ako bigla ng asawa. Ano kaya ang hitsura niya? Gwapo kaya siya o baka naman matanda at ang pangit pa.
Iniisip ko pa lang iyon ay hindi ko na maatim na tumabi sa kaniya sa kama. Paano na lang ako tatabi sa kaniya? Hinding-hindi ko ibibigay ang p********e ko sa kaniya. No way! Kung sino man ang lalaking ito, magdusa siyang pumirma siya. Kasi ako dusang -dusa na.
Pagdating ko, kaagad kong tinanong ang nasa front desk. Kinakabahan pa ako habang tinititigan ang pintuan na nasa aking harapan ngayon. Ito lang naman kasi ang office ng asawa ko. Asawa na hindi kilala.
Huminga muna ako nang malalim bago kumatok sa pinto. Ilang katok pa lang ang nagawa ko nang magsalita ang asawa ko na nasa loob. Familiar ang boses pero hindi ko naman matandaan kung saan ko narinig.
Kinakabahan ako. Ngayon lang yata ako kinabahan sa tanang buhay ko. Big deal ba sa akin na makita ang lalaking pinakasalan ko? Pumirma ako kahit hindi ko pa nakikita ang kaniyang mukha. Ni-picture nga walang pinapasa sa akin sila Mommy. Ang tanging sinasabi lang sa akin ni Mommy ay Pag-uwi ko na lang daw malalaman ko rin kung sino ito.
Nang buksan ko ang pinto ay tumambad kaagad sa akin ang lalaking nakaupo sa swevil chair habang nakatalikod ito. Hindi ko makita ang kaniyang mukha.
Tumikhim ako. Unti-unti itong humarap sa akin. Kumunot ang noo ko at umawang ang labi ko nang makilala kung sino ang nasa harapan ko.
"Val?" gulat at hindi makapaniwala ang naging reaksyon ko. Paano kasi, ang laki ng atraso ng lalaking ito sa akin. Siya ang EX ko na sobrang nanakit sa akin at ngayon siya pala ang pinakasalan ko. Hindi ako makapaniwala.
"Excuse me, I'm VALDERMIR." walang kagatong-gatong nitong sabi. Habang ako umuusok na ang ilong dahil sa inis. Naisahan ako nila Mommy. Alam naman nila na ang laki ng kasalanan ng lalaking ito sa akin pero paano nila nagawang ipakasal ako sa lalaking ito?
Oo, siya si Val ang EX ko, siya ang dahilan kung bakit ako umalis sa Pilipinas. 'Yon ay para kalimutan siya. Ang laki kasi ng naging impact sa buhay ko ng ginawa niya sa akin.
High school pa lang kami noon ng lokohin niya ako. Nakita ko siyang may ibang kahalikan sa plaza. Kaya wala akong ibang ginawa kun 'di umiyak na lang ng umiyak.
Pero hindi ko akalaing magagawa pala akong linlangin nila mommy. Nagawa nila akong ipakasal sa lalaking dahilan ng pag-iyak ko at pag-alis ng Pilipinas.
Muli ko siyang hinarap na puno ng galit "Val or Valdemir pareho lang yun! Hindi mababago ng pangalan mo ang ginawa mo sa 'kin! Kung alam ko lang na ikaw pala ang lalaking pinakasalan ko. Hindi ko na sana pinirmahan ang marriage contract!" inis na sigaw ko sa kaniya.
"Well, it's too late, Miss Granada, or should I say, Miss Santiago?" parang wala lang sa kaniyang kasal na kaming dalawa. Wala man lang siyang reaksyon ng makita niyang ako pala ang pinakasalan niya. Hindi kaya alam niya pero pinagpatuloy niya pa rin na pirmahan ang kontrata.
"Alam mo ba 'to? Alam mo bang ako ang babaeng pinakasalan mo? Pumayag ka? Bakit? Para saktan ako ulit?" inis na sigaw ko sa kaniya. Ngumisi siya. Parang wala lang sa kaniya ang lahat. Nagawa pa niya akong ngisihan
"First Miss Santiago. . ."
Pinutol ko ang gusto niyang sabihin. "Miss Granada po Mr. Santiago." correction ko sa kaniya. "Hindi ako prepared na tawagin sa last name mo, Mr. Santiago." sarcastikang dagdag ko.
Sinamaan niya ako ng tingin.
"Kahit anong gawin mo Miss Santiago ka na, Lhara. Para malaman mo, wala akong pakialam na ikaw ang pinakasalan ko. Your parents need me. They came to me and the only thing I asked for in exchange was you." he said.
Nanlaki ang mga mata ko.
"T-teka, bakit ako? So, plano mo pala 'to?"
"Yes, let's say it's my plan. Is there anything else you can do? You are now my wife. Kahit anong angal mo pa diyan wala ka ng magagawa dahil pumirma ka sa marriage contract nating dalawa." mahinahon na mahinahon na sabi niya habang ako hindi ko na alam kung anong gawin ko sa kaniya. Gusto ko siyang sampalin pero hindi ko magawa.
"Bakit? Bakit ako? Bakit mo ginawa 'to? Anong gusto mo?"
"Don't ask me Miss Santiago. I don't have time to answer your useless questions. Bakit hindi ka na lang umuwi sa bahay at hintayin ako NA ASAWA MO!" mas diniinan pa niya ang words na asawa ko.
Gigil at inis ang nararamdaman ko sa kaniya. Lumabas ako ng office niya na puno ng galit. Nagpapadyak ang mga paa kong lumabas ng building.