Nanlulumong nakatunghay sa labas si Hugo. Parang kay bigat ng kaniyang nadarama nang makita ang kalagayan ng anak. Napaka-liit nang bata. Tila hindi yata normal ang pagtibok ng puso nito. Naikuyom ni Hugo ang dalawang kamao. Kailangan niyang makausap ang doktor. Kailangan niyang alamin ang kalagayan nito. Eksakto namang lumapit ang doktor sa kanya. Nagtanong agad siya sa kalagayan ng bata. "Doc, how's my daughter?" halos pabulong na iyon, dahil sa labis na pag-alala niya para sa anak. Parang pinipiga ang kaniyang puso sa kaniyang nakikita. "Mr. Del Fuego, the baby is premature, and this time, we are doing our best to save her. Her heatbeat is not in a normal stage. We are monitoring her 24/7," malungkot na saad ng doktor. "Pero dok, ba't nagkagano'n ang anak ko? Ano'ng dahilan? Bakit pr