Nasa may balcony si Micah nakatanaw sa malawak na dagat. Ano na kayang mangyayari sa kanya ngayon? Kailangan niyang makatakas sa islang 'to. Napasandal siya sa couch na kinauupuan. Kumuha siya ng isang mansanas. At kinain iyon. Napalingon siya sa kaniyang likuran nang makarinig siya ng mga yabag. Nakita niya ang binata na may dalang attache case. Pansin niya ang pagod sa mukha nito. Saka ito naupo sa katabi niyang couch at sumandal ito doon at pumikit na tila nagre-relax. Binitawan nito ang dalang attache case sa may gilid nito. Umirap lang siya dito at saka ibinaling ang tingin sa ibang direksiyon. Naiinis talaga siya 'pag nakikita ang mukha ng walangyang ama ng anak niya. "Don't you dare nagging at me because I'm so tired," bago pa makapagsalita si Micah ay inunahan na siya ni Hugo. Pu