The Playboy's Substitute Wife

The Playboy's Substitute Wife

book_age16+
1.4K
FOLLOW
5.4K
READ
billionaire
contract marriage
love after marriage
arranged marriage
playboy
comedy
bxg
first love
wife
substitute
like
intro-logo
Blurb

Meet Yelena Rae Falcon, the substitute bride, kayang gawin lahat para sa pinakamamahal na lolo't lola niya na nag-alaga sa kanya mula noong bata pa siya. Kahit pa ang pagpapanggap bilang kanyang kakambal, na ngayon lang niya nakita, para sa kasal nito dahil ito ay nasa coma.

Meet Alexander James Hernandez, the playboy groom, hindi naniniwala sa salitang pag-ibig. Kung magpalit ng babae ay parang nagpapalit lang ng damit. Napilitan magpakasal para lang hindi bawiin ng papa niya ang kompanya.

Paano kaya mapoprotektahan ni Yelena ang kanyang sekreto at lalung-lalo na ang kanyang puso na unti-unting nahuhulog na rito? At papaano kung bumalik ang totoong nagmamayari?

Is she willing to fight her love and prove to him that she is the true one? Or she will just leave and be his unknown substitute wife?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Substitute Bride
Chapter 1 Yelena's POV Hindi ko alam kung paano ako napasok sa sitwasyong ito. Akalain niyong isang oras mula ngayon ay ikakasal na ako sa taong hindi ko kilala at ngayon pa sa mismong araw ng kasal ko unang makikita. "Yelena, handa ka na ba?" nakangising tanong ng magaling kong ama. Kung wala lang talaga akong kahit katiting na respeto rito ay kanina ko pa binasag ang pagmumukha nito. Pinagsisihan ko talagang pumayag akong sumama sa abogadong iyon para lang makilala at makita ang amang hindi nakagisnan mula na ako'y isilang. Three weeks ago: "Yelena apo, mabuti't dumating ka na. May naghahanap sayo." bungad sa akin ng lola ko nang maka-uwi ako galing trabaho. "Ho? May naghahanap po sa akin?" Sinilip ko mula sa pintuan ang di kalakihang sala namin. Nakita ko ang isang lalaki na sa tantiya ko ay nasa mid fifty. Sa suot nito ay masasabi mo na mayaman ito. Sigurado akong ito ang nagmamay-ari ng magarang kotseng nakapark sa harap ng bahay namin. Pagkakita ng lalaki sa akin ay bigla itong tumayo sa kinauupuan. "Kambal nga kayo," pabulong nitong saad na nagpakunot ng noo ko. "Ho? May sinasabi po ba kayo?" "Ah.. wala, wala hija," sagot nito. "May kailangan po kayo sa akin?" tanong ko ulit dito. "Ako pala si Attorney Mendez," pakilala nito sa sarili. "Attorney? May nagsampa po ba ng kaso sa akin?" "Ah, wala naman hija. Iba ang ipinunta ko rito. Kung pwede sana makausap kita ng sarilinan," at tumingin sa lola kong nakikinig rin sa pag-uusap namin. "Sige apo, doon muna ako sa kusina at tawagin mo na lamang ako kung may kailangan ka." "Ah sige po lola," sabi ko na lang sa aking lola habang nagtataka kung gaano kaimportante ang sasabihin nito na hindi dapat marinig ng lola ko. Pagkatapos ay binalingan ko ang bisita, "Maupo muna kayo Attorney." Umupo na rin ako sa katapat na upuan. "Ano po bang mahalagang pag-uusapan natin?" "Hija, huwag ka sanang mabibigla. Tungkol ito sa ama mo?" "Ano po? Kilala niyo po ba ang ama ko?" gulat na tanong ko dito. Paano ba naman, mula nang ipinanganak ako dito sa mundong ibabaw, ay hindi ko pa nakikita ang ama ko kahit sa larawan man lang. Ayun sa lola at lolo ko ay ayaw daw sabihin ng mama ko kung sino ang ama ko kahit anong pilit daw ng mga ito sa kanya. Nagulat na lang daw sila na sa pag-uwi ng anak nila galing Maynila ay may dala na itong sanggol. Hanggang sa bawian na nga ito ng buhay dahil sa malubhang sakit noong isang taong gulang pa lang ako ay wala silang nakuhang sagot sa mga nangyari rito sa Maynila. "Oo hija. Ang totoo nga yan, siya ang nag-utos sa akin na ipahanap ka. At sana, pumayag kang makilala ka niya at makita." Nakatulala lang akong nakatingin sa abogado at hindi alam kung ano ang isasagot. "Oh ano hija, pumapayag ka ba? Dahil bukas na bukas din ay susunduin kita patungong Maynila. Siguradong matutuwa iyon pag pumayag ka." Tumikhim muna ako bago sumagot sa abogado, "Bakit ngayon lang po naisipan ng ama ko na hanapin ako?" "Ah-ah, hindi ko rin alam hija. S-sa kanya mo na lang itanong," may halong kabang sagot nito na nagpataas ng maarting kong kilay. I smell something fishy ha? Parang may hidden agenda ang pagpapahanap kuno ng ama ko ngayon sa akin. Nalilito talaga ako kung pupunta ako o hindi. Pero dahil nanaig ang nais rin makilala ang ama ay pumayag akong sumama sa abogado. At hindi nga ako nagkamali dahil unang kita ko pa lang sa sinasabing ama ko ay parang nakaramdam ako ng pagkabahala at panganib. Magaling kaya akong kumilatis ng tao kaya nararamdaman ko ng may masamang hatid itong pagpapahanap niya sa akin. May malapad na ngiti itong sumalubong sa akin na para bang sabik na sabik ito na makita ako. "Anak, ikaw na ba yan?" sabay yakap nang mahigpit sa akin. Nakatayo lang ako habang yakap yakap nito. Hindi ko alam kung gaganti ako o hindi at ang nakakapagtaka ay hindi ako nakadama yung lukso ng dugo na sinasabi nila. Nasa late forties na ito at may pagkabilugan ang katawan. May makapal na balbas ito sa mukha kaya nagmumukha itong parang kontrabida sa isang drama. Inalok muna ako nito na umupo. Inilibot ko naman ang paningin ko sa buong kabahayanan. Kung pagbabasihan ang kagamitan, laki ng bahay at ang mga magagarang kotse sa labas ay nasisigurado akong mayaman nga itong sinasabi kong ama. "Masaya ako anak dahil sa wakas ay nakita na rin kita. Kay tagal-tagal na rin kita hinanap." Tumikhim muna ako, "Kung ganun po, bakit ngayon niyo lang po ako nahanap?" "E-ewan ko nga ba diyan sa inuupahan kong mga imbestigador at ngayon ka lang nila nahanap." Nagkibit balikat na lang ako, pero duda parin ako sa sinagot nito. "Paano niyo naman nasisiguro na anak niyo nga ako?" "Paano ko naman hindi masisiguro, eh kamukhang-kamukha ka ng kapatid mo." Halos lumuwa ang mata ko sa sinabi nito. "Ho! K-kapatid? May kapatid po ako." "Oo, anak. Hindi lang kapatid kundi kambal mo pa." Isang tikhim ang nagpabalik sa akin mula sa malalim na pag-iisip. Istorbo! Naputol tuloy ang pagta-time travel ko sa mga nangyari sa akin this past few weeks. "Kanina pa ako nagtatanong rito pero hindi mo pa ako sinasagot," sabi ni Don Agusto Diaz. Iyan yung buong pangalan ng ama kong hilaw. Hindi ko ito sinagot at tumalikod dito. Tinungo ko ang malaking salamin at tiningnan ang sarili. Siguro, sa ibang sitwasyon at pagkakataon ay matutuwa ako sa nakikita ko ngayon sa sarili ko. Bumagay kasi ang wedding gown sa akin at mas lalong tumingkad ang kagandahan ko sa hindi masyadong makapal na make-up na inilagay sa mukha ko. Napabuntong hininga na lang ako. Bigla ako napasinghap sa sakit dahil sa pagkakariin nang paghawak nito sa braso ko. "Huwag na huwag mo akong binabastos ng ganyan, Yelena. Kung tinatanong ka, sumagot ka ng maayos. Alam mo sigurong hawak ko ang buhay ng pinakamamahal mong pamilya," galit na pagbabanta nito. Isang nakakamatay na tingin ang ipinukol ko dito, "Subukan mo lang at malalaman nila kung ano ang binabalak mo." Ngumisi lang ito na parang demonyo, "Tsk, tsk! Ang tapang tapang mo talaga, Yelena. Magkatulad nga kayo ng iyong ina." Binitawan na nito ang braso ko at tumalikod para lumabas, "Maghanda ka na dahil pupunta na tayo sa simbahan. At tandaan mo, huwag na huwag kang magkakamaling gumawa ng ikakasira sa plano ko dahil alam mo na kung ano ang kabayaran." Halos nagpupuyos sa galit ang aking naramdam habang pinapanood itong umalis. Naalala ko naman nung unang masilayan ko ang aking kapatid. "Siya ang kapatid mo." Kulang na lang ay tamaan ako ng kidlat sa pagkagulat sa nakikita. Shocks, para lang akong nanalamin ha! Kamukhang-kamukha ko lang naman ang babaeng nakahiga ngayon na may mga maraming nakakabit na mga tubo sa katawan. Kung ganun, may kapareha pala ang maganda kung mukha. Akala ko pa naman na ako lang nag-iisang diyosa dito sa mundo. Joke! "Magkamukhang-magkamukha talaga kayo." Shunga lang, kambal nga eh. Ibig sabihin magkamukha. Pero meron din namang kambal na hindi magkamukha. Hay, kung anu-ano na itong naiisip ko. "Anong nangyari sa kanya?" tanong ko sa sinsabi kong ama. Hindi pa kasi ako convince nga ama ko nga itong nasa aking harapan. "Naaksidente siya, may dalawang linggo na ang nakaraan. Pero hanggang ngayon ay hindi parin siya nagigising." Tango lang ang tangi kong naisagot. Nakaramdam ako ng awa sa naging kalagayan ng aking kapatid. Kung sa sinasabi kong ama ay nag-aalangan pa ako, dito naman sa sinasabi kong kapatid ay kumbensado ako na totoong kapatid ko nga ito. Maliban kasi sa magkamukha kami, naramdaman ko yung lukso ng dugo. "A-ano daw ang sabi ng doktor?" "Stable na man daw ang lagay niya pero hindi nila alam kung bakit hindi pa ito nagigising," may lungkot na sagot nito. Pero bakit parang nafefeel kong umaarti lamang ito. Hindi ko kasi maramdaman ang lungkot nito gaya na lang na hindi ko maramdaman na nagagalak itong makita ako. "At ang ikinababahala ko pa ay ang napipintong kasal nito. Hindi pa kasi alam ng fiancee niya ang nangyari sa kanya." Bigla akong napalingon rito, "Bakit hindi niyo pa po pinapaalam?" "Nasa isang bussiness trip kasi ito sa ibang bansa at ayaw ko na rin na mag-alala pa ito." Kumunot naman ang noo ko. Diba dapat na mag-alala talaga ito dahil fiancee naman siya nito. At siguro naman na mas importante pa ang kanyang fiancee kaysa bussiness trip nito, lalung-lalo na hindi pa ito nagigising. Maliban na lang kung... "At kailan niyo na naman balak ipaalam." Matagal itong sumagot dahil parang may iniisip pa ito. "Gusto ko sana na hindi na nito malalaman pa ang nangyari kay Therese." Pangalan siguro yan ng kakambal ko. "Ho! Diba dapat kailangan niyong ipaalam ito sa fiancee niya dahil may karapatan naman ito na malaman. At papaano na po ang kanilang kasal? Diba dapat icancel niyo na ito." "Hindi pwede!" Bigla akong napapitlag sa pagsigaw nito. "Hindi pwede makansela ang kasal!" Baliw ba ito, kita naman na hindi pa nagigising ang bride tapos hindi pa ikakansela ang kasal. "Paano po yan?" "Kaya nga may hihilingin sana ako na malaking pabor sayo." Lumaki ang dalawa kong mata dahil alam ko na kung anong hihilingin nitong pabor. Nababasa ko na ang ganitong mga klaseng tagpo sa mga nobelang kina-aadikan kung basahin. Napapanood ko na rin ito sa mga movies. Tingnan mo naman oh, nangyayari rin pala ito sa totoong buhay at sa mismong sariling buhay ko pa. "Ayoko ko po noh! Hindi pa ako baliw para pumayag diyan sa pabor niyo," saad ko dito. "So, alam mo na pala kung ano ang ihihingi kong pabor." "Haler, matalino kaya ito." "Kung ganun, hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Handa ka bang mangpanggap na kakambal mo?" Bingi ba toh? Sinabi ko na ngang ayaw ko eh. "Diba sinabi ko na sa inyo na ayaw ko," at dinugtungan ko agad ng magtangka itong magsalita. "At hinding-hindi niyo ako mapipilit." "Hindi mo ba kayang gawin para sa kapatid mo?" "Magdiretsahan nga po tayo. Kaya niyo lang ba ako hinanap dahil para rito?" Umiwas ito ng tingin kaya ayun, sapul na sapul. Sabi ko na nga ba na may hidden agenda itong pagpapahanap kuno nitong ama ko. "Huwag kayong mag-alala, hindi naman sumama yung loob ko. Pero pasensya na po at hinding hindi ko kayo matutulungan kahit sabihin niyo pang kapatid ko siya. Napakaimposible po yang pinagagawa niyo. Kung ako sa inyo ay ipaalam niyo na lang ito sa fiancee niya." Biglang nagbago ang aura nito. Parang mas lalo itong naging mapanganib. Ngumisi ito na parang isang demonyo at kinilabutan ako dun. "Kung hindi ka madadala sa pakiusapan, siguro naman ay papayag ka na kung sapilitan." Ang paghinto ng sasakyan ang nagpagising sa akin mula sa pag-iisip. Tumingin ako sa bintana at nakita ko ang malaking simbahan. Binuksan ni Don Agusto ang pintuan ng sasakyan. Malakas na buntong hininga ang aking ginawa bago lumabas mula sa sasakyan. "Kaya mo'to Yelena! Para ito kina lolo't lola." Mahinang saad ko sa aking sarili, pampalakas loob kumbaga. Gusto ko ng himatayin sa kaba at sana hindi na magising pa. Tama kayo, dahil hindi ako nadala nitong walang hiyang taong ito sa pakiusapan kaya sa sapilitan niya ako napapayag. Pinagbantaan lang naman niya ang lolo at lola ko na may mangyayari sa kanilang masama pag hindi ako pumayag. Doon ko nasisigurado na hindi ko nga ito ama, eh sino namang ama ang gagawa nito sa kanyang anak para lang sa pera. At kung bakit napunta rito ang aking kakambal ay sisiguraduhin kong aalamin ko ito. Isang arrange marriage lang pala itong kasal ng aking kakambal. Magkumpare kasi itong si Don Agusto at ang ama nitong fiancee ng kakambal ko kaya napagdesisyunan nilang iarrange marriage ang mga ito. Pero ang hindi nila alam ay may hidden agenda pala itong si Don Agusto, nalulugi na kasi ang kompanya nito kaya kailangan nito ng malaking pera at yun nga sa pamamagitan ng aking kakambal. Kaya pala atat na atat ito na matuloy ang kasal kahit nasa coma pa si Therese at hinanap niya pa talaga ako para magpanggap. "Ngumiti ka Yelena, parang lamay ang pupuntahan mo," bulong ni Don Agusto sa akin. "Huwag kang mag-alala, magaling akong umarte," diin na sabi ko rito. Sisiguraduhin ko talaga na aalamin ko ang koneksyon nito sa aking ina at sa tunay na pagkatao ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
91.2K
bc

His Obsession

read
98.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
159.2K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
21.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
8.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook