DAHLIA SEGOVIA : SERENITY ( YOU FIXED ME)
ISANG mumurahing babae ang bansag kay Dahlia. Bata pa lamang siya puno na siya ng pangungutya at pang-aapi lalo na sa sariling pamilya. Namulat siya sa hirap, ngunit piniling tumayo at lumaban sa lahat ng naging hamon niya sa buhay.
Bente-dos anyos siya nang nagtrabaho siya sa isang bar. Ang tanging naging paraan niya para mabuhay. Tinanggap ni Dahlia ang mapait na kapalaran, wala siyang magagawa dahil sa isip at puso niya ito ang tadhana niya. Ngunit sa lahat ng dilim mayroong liwanag, na ang lahat ng hirap mayroong ginhawa. At iyon ay nang makilala niya si Danilo ang mayaman na laging suki ng bar na pinagtratrabahuhan niya. Paborito siya nitong i-table walang gabi ang lumipas na siya ang gustong makasama nito at tulad nang napagkasunduan nila mananatili lamang siyang table nito hindi na lalagpas pa. Ngunit ang lahat ay may hangganan nang mapasubo sa isang gulo si Dahlia at ang tanging taong nandyan sa kaniya ay ang lalaking tinuring niyang kaibigan si Danilo.
Ngunit paano kung sa kabila ng pabor na ginawa nito sa kaniya may iba itong hangad? Paano kung katawan, puri at dangal niya ang gustong kabayaran ng binata?
At paano kung sa bawat halik at yakap ni Danilo may damdaming tinataya si Dahlia? Tinatayang alam niyang malabong ipanalo nito dahil si Danilo ay pamilyadong tao.
Mananalo nga ba si Dahlia? O, mananatiling talunan sa laro ng tadhanang sinusubukan siya?