Matamang inayos ni Ryan ang buhok niya sa harapan ng whole body mirror. It's almost six o' clock in the morning and he needed to be in front of Yngrid's gate by 6:30am. Maaga ang klase nito habang siya, alas diyes pa pero ayos na din pwede naman siya magtambay sa school habang nagpapalipas ng oras. Natigil siya sa ginagawa ng may kumatok at bumukas ang pintuan ng kwarto niya. Sumilip doon ang Mommy niya na may ngiti sa labi. His mom never gets old. Ito pa din yung itsura nito nung dalaga sa kabila ng edad ngayon. Same with his Dad who's still a head turner guy wherever he goes. "What time tapos ng klase mo? Are free during lunch break?" Sunod-sunod na tanong nito sa kanya. "I have class 'till four in the afternoon. Sa cafeteria or nearby restaurant lang po ako kakain sa lunch since I hav