Matamang naghintay si Yngrid sa harap ng Tony's. Hindi muna siya pumasok at nagdesisyon na hintayin na lamang sa labas si Ryan. Malamig ang simoy ng hangin at tila nagbabadya ang pag-ulan dahil sa liwanag ng kalangitan. Nagdala naman siya ng payong pero hinihiling niya na sana h'wag umulan. Ang hassle kasi umuwi kapag naulan at sobra pa ang traffic. Madaming dumaraang tao sa kanyang harapan. Yung iba magagara ang suot, habang yung ilan, suot pa yung mga kasuotan nila sa trabaho. Lahat iisa ang tungo. Doon sa train station ilang hakbang lamang ang layo mula sa kinatatayuan niya. Lahat nagmamadali tila natatakot na mabasa ng paparating na ulan. Nasipat niya ang pambisig na orasan. Wala pa si Ryan lampas sampung minuto na ang nakalipas mula sa oras na siyang napagkasunduan nila. Pinili niyan