Yngrid accepted Ryan's apology and now they're heading to his family house. Gusto daw siyang makasabay sa dinner ng parents nito na matagal-tagal ding hindi nakasalo. Tahimik lang siya buong byahe nila kaya naman ginagap nito ang kamay niya at hinawakan lang iyon. Naghiwalay lang ang kamay nila ng naihimpil nito ang sasakyan sa garahe ng bahay ng mga ito. Nauna itong bumaba para ipagbukas siya ng pintuan at bitbitin ang mga gamit niya. Masaya silang sinalubong ni Tita Cali na agad naman kumuha sa kanya palayo kay Ryan. "Ang busy mo na sa school at part time job mo," malambing nitong sabi sa kanya. "Nag-drop out po kasi ako sa review class ko para makabawas sa expenses kaya sariling sikap sa pag-a-aral," sagot niya sa ginang. "Ask Ryan's help in subjects you can't understand. Natatandaan