Matamang inabangan ni Yngrid sa labas ng De Luna Empire si Ryan. Oras na ng uwian nito at nag-usap sila na lalabas para i-celebrate ang kanilang first anniversary. Time flew fast and they're already dating for a year now. Naging busy 'man ito sa trabaho matapos ang graduation, bumabawi naman sa kanya ang kasintahan kapag nakakakuha ito ng work leaves. Gaya ngayon na anniversary nila, nagpaalam ito sa kapatid nito wala magbabakasyon sila sa weekend. Doon sa Imperio De Luna Spa and Resort ang tungo nila at kung saan sila mag-snorkelling gaya nung unang ginawa doon nung bago palang sila. Katatapos lang niya sa part time job at wala siyang klase dahil long weekend holiday din. Nauna siya ng ilang minuto sa oras ng usapan nila at ayos lang naman sa kanya na maghintay sa labas kaysa makaabala p