bc

Htrae

book_age16+
266
FOLLOW
1K
READ
dark
tragedy
bxg
mystery
highschool
apocalypse
another world
betrayal
school
chubby
like
intro-logo
Blurb

WARNING: SPG | R-18 | Mature Content

In which a bullied girl suddenly got summoned into an alternate universe where the beauty standards are the opposite of it on earth. She was overwhelmed and happy for the attention. But when she comes back to the earth, everything gets messy— until she realises that the two worlds are starting to become one. And everyone started to hunt her.

She was lucky that there was this one admirer of her that promised to do everything to keep her safe. Would he keep his promise ‘til the end?

chap-preview
Free preview
kabanata 1
It has been twenty-four days and thirteen hours since that night, when everyone started killing each other. Pigil ang hininga na nagtago si Dorothea sa ilalim ng tulay, tinakpan niya ang kanyang bibig sa takot na marinig ng mga humahabol sa kanya ang mabibigat niyang paghinga. Alas-dos na ng madaling araw, kaya’t sobrang madilim sa paligid. Nanginginig na pumikit siya at sumandal sa basang bato, kinapa niya ang kanyang tagiliran at tiningnan ang kanyang palad. Hindi niya maiwasan ang paghikbi nang makita ang sarili niyang dugo. Mamamatay na ako, naisip niya. Napatakip muli siya sa kanyang bibig nang marinig ang maraming kaluskos sa paligid niya, lakas-loob na sinilip niya ang mga ito ngunit wala siyang nakita. “Dorothea!” sigaw ng mga iyon. “Tara na, hayaan na natin ‘yon,” sabi ng isa. “I already stabbed her.” “Kailangan natin masigurado na patay na siya.” Halos hindi humihinga si Dorothea, naramdaman niya ang pagbara sa kanyang lalamunan dahil sa pagpipigil niya ng iyak. Nararamdaman niya na rin ang unti-unting panghihina ng kanyang katawan, mukhang mawawalan na yata siya ng malay. Pero hindi pwede, kapag nakita siya ng mga ito habang wala siyang malay ay baka kung ano pa lalo ang gawin ng mga ito sa kanya. Nakita niya kung ano ang ginawa ng mga ito sa isa niyang kaklase. Lalo pa siya, lalo na sa kanya. Everyone wants her dead. Ilang minuto ang lumipas ay wala na siyang naririnig pa na mga kaluskos at boses, sa tingin niya ay umalis na ang mga humahabol sa kanya. Sinapo niya ang saksak sa kanyang tagiliran at tahimik na lumabas sa ilalim ng tulay. Hindi dapat siya manatili roon dahil kailangan niyang gamutin ang sarili niya, kung hindi ay mauubusan siya ng dugo. Kailangan niyang pumunta sa bahay nila, iyon ang balak niyang puntahan kanina kaya siya sa lugar na ito tumakbo. Kung tatakbuhin niya ay aabutin na lang siya ng limang minuto bago makarating doon. Umaasa rin siya na sana ay nandoon pa ang pamilya niya. Nang masigurado niya na wala nang tao ay nagsimula na siyang tumakbo, hindi siya lumilingon sa likuran niya basta’t diretso lang siya. Ramdam ang mga tumutulong luha sa pisngi. Muntik na siyang mapasigaw ng muntik na siyang madapa dahil sa isang katawan na nakaharang sa daan, ang mga dugo nito ay umaagos mula sa ulo nito. Nagmamadali siyang tumakbo palayo roon. At nang maaninag niya mula sa pwesto niya ang kanilang bahay ay hindi niya maiwasan na makaramdam ng saya, mas binilisan niya ang pagtakbo ngunit bigla na lang siyang napatigil nang maramdaman ang butil ng ulan na tumulo sa kanyang noo. Napaangat siya ng tingin. Umuulan. Sa una ay mabagal na patak lang iyon, ngunit bigla na lamang bumuhos ng malakas. Bago pa siyang tuluyan na mabasa ay tumakbo na agad siya sa loob ng bahay nila, nakabukas ang gate ngunit nakasarado ang pintuan. “Ma! Pa! Gray!” sigaw niya bago pinihit ang doorknob. Hindi rin iyon naka-locked. Pagkapasok niya sa loob ay sobra na lamang ang gulat niya nang makita ang anim na taong nakaupo sa mga upuan sa kanilang salas. Nandito ang mga humahabol sa kanya! Agad siyang napaatras nang sabay-sabay na lumingon ang mga iyon sa kanya, ang ilan ay nakuha pa na ngumiti. “Sabi ko na nga ba ay dito ka lang magpupunta,” sambit ng isa. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa doorknob habang mabagal na umaatras, nang tumayo ang isa sa mga ito ay agad siyang tumalikod at nagmamadaling tumakbo palabas. “Habulin niyo!” Lumingon siya sa likuran niya at nakitang mahahabol na agad siya ng mga ito. Nanghihina na siya ng sobra, mabagal na ang pagtakbo niya at pakiramdam niya’y hihimatayin na siya. Nagdidilim na ang paningin niya at ang tuhod niya ay nanghihina, hindi na niya magawang humakbang pa. Konti na lang, hindi ko na kaya. Napapikit siya at natumba, naramdaman niya ang pagtama ng braso niya sa nakaharang na bato sa daan ngunit hindi na niya naramdaman ang sakit. Naramdaman niya ang kamay na marahas na hinila ang kaliwa niyang braso, hinila siya nito patayo. “Mukhang wala na ‘to,” sabi ng humahawak sa kanya. Hinihingal na lumapit ang mga ito kay Dorothea at pinagmasdan siya, pinanood ang umaagos na dugo mula sa sugat nito sa tagiliran. Kahit madilim at basa ng ulan ay kitang-kita ang pamumutla ng buong mukha nito. “Mukha lang? Siguraduhin natin,” sabi ng isa. Huwag, naisip niya, Please. Pinilit niyang magdilat ng mata. Isa-isang tiningnan ang mga mukha ng mga gustong pumatay sa kanya, ang mga pamilyar na mukha na ito. Ang mga mukha ng mga taong ilang taon niyang nakasama. Tumulo ang luha ni Dorothea, alam niyang hindi ito napansin ng mga nasa harapan niya dahil umuulan ng malakas. Lahat sila ay basang-basa. Naging malaki ang pagdilat ng mata niya nang mapansin ang isang pigura ng tao mula sa dilim, lumalapit ito sa kinaroroonan nila. Siya lang ang nakakakita dahil siya lang ang nakaharap sa gawi nito, ang mga nasa harapan niya ay walang kaalam-alam. Tulong, gusto niya iyon sabihin ngunit hindi na niya maibuka ang bibig niya. “Bilis na, ang lamig na oh!” reklamo ng isa. Lumingon ang lahat sa taong nakahawak kay Dorothea, hindi pa rin nila alintana ang taong nakatayo sa likuran nila. Nakasuot ito ng itim na jacket at itim na mask na humaharang sa mukha nito. Gusto niya pang makita kung ano ang gagawin nito ngunit bumabagsak na ang talukap ng mga mata niya, bago pa man siya tuluyan na mapapikit ay nakita niya ang pag-angat ng hawak nitong baseball bat. Parang nabingi siya sa katahimikan nang maramdaman niya ang pagbitaw sa kanya ng taong nakahawak sa kanya at ang pagbagsak niya sa malamig na sementadong daan. Hindi na niya namalayan ang mga sumunod na nangyari, basta ay naramdaman niya na lang ang mainit na kamay na humawak sa likod ng kanyang ulo at inangat, nagdilat siya ng mata kaya’t nakita niya ang taong nakasuot ng mask. Pinagmamasdan siya nito. Sino ka? gusto niyang magsalita ngunit hindi niya magawa. Hinawakan nito ang kanyang pisngi, pagkatapos ay tinanggal nito ang suot nitong mask. Halos tumigil sa pagtibok ang kanyang puso nang makita ang mukha ng taong matagal na niyang hinahanap. It was her. . her other self.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.7K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook