4 years Ago
KIM
GOOD morning pilipinas! Charot lang syempre! Pero good morning talaga dahil ngayon ang unang araw namin ng mga kaibigan kong pashnea sa college at guess what?! Sa Aim High College lang naman kami mag aaral! Huh?!
Isang pribadong paaralan at mayayan ang nag aaral pero may mga scholars din na katulad naming dalawa ng kaibigan kong pinaglihi kay Aphrodite! Well! Ako nakakuha ng half scholarship, sya naman dahil matalino, ay mali! Ubod ng talino! Full scholar ang bruha at bukod dun may allowance pa sya. San ka pa?! Dito ka na?! Ung isa ko naman kaibigan, she doesn't need any scholarship because they can pay her tuition. Panis! English un!
So dahil unang araw namin. Kailangan ko ng mag ayos. Dahil baka makakilala ako ng bebe boys dun! Ay gwapo! Dapat maganda tayo. After ng kaartehan ko, naligo at sinuot ung uniform namin, syempre nag light make up din tayo. Ung parang natural lang pero ang totoo may make up.
Bumaba na ko pagkatapos kong pasadahan ang itsura ko sa salamin at nakitang okay na ko. Baka kasi dumating na ang mayora ng squad namin at magtatalak na naman un. Mayaman pero matalak. Hay naku!
"Papasok ka ba o magpafashion? Halatang halata ung make up mo," sabi ng kapatid kong tikling. Char!
"Ay gurl! Inggit ka lang kasi nakapalda ako. Light make up nga lang to," sabi ko at inirapan sya.
"Light make up pero ung blush on nagsusumigaw," sabi ni baklita.
Oo ung kapatid kong tikling. Baklita! Tanggap naman sya nila Papa at Mama kaya malaya syang magtatataray pero hindi sya ang baklita na nagsusuot ng pang babae ah. Baklita lang talaga sya.
"Pake mo ba?! Baka may papabol dun na makilala ang Ate mo! Edi may jowa na ko," sabi ko at kumuha ng tubig dahil nauhaw ako bigla sa sagutan namin.
"Isusumbong kita kay Papa!" sabi nya pero dinilaan ko lang sya.
Si Papa, OFW nasa ibang bansa at dun nagtatrabaho. Si Mama naman isang teller sa bangko kaya kayang suportahan ang pag aaral ko. Dalawa lang din naman kaming magkapatid at 3rd year high school pa lang naman to si Baklita, his name is Adriene pero ang lagi nyang pakilala ay Riene para daw babaeng babae.
Hindii ko na lang pinansin ung sinabi nya at umupo para kumain. Ganun din naman sya.
"Asan si Mama, Ad?" tanong ko sa kanya.
"Mag sisimba daw sya," sabi nya at nagkibit balikat. Tinanguan ko na lang sya at kumain na lang ulit. Di naman magtagal, dumating na si Danica, ang kaibigan kong mayamang pashnea.
"Hi Riene girl! Nasaasan ang ate mong talipandas?" tanong niya kay Ad na nasa sala at naghahanda na rin sa pagpasok.
"Andun Ate Dani, naglalagay ng blush on nakulangan pa ata. Una na ako Ate. Pa hi na lang kay Ate Ganda ah," sabi nya. "Ate Kimbeng! Una na ko!" sigaw nya at ngani ngani kong iba to sa kanya ung basong hawak ko. Pero nakatakbo lang sya. Hayop talaga!
"Ingat ka, Riene," sabi na lang ni Dani at humarap sakin. "Let's go? Dadaanan pa natin si Nicole," sabi nya at tinignan ako mula ulo hanggang paa para bang kinikilatis.
"Ano? Baka kasi may pogi tayong makilala dun! Sayang naman," sabi ko habang natatawa.
"Oo na! Pero bawasan mo ng unti ung blush mo, girl! ," sabi nya at tumalikod na. Pinaningkitan ko lang naman sya ng mata tapos kinuha ko na ung bag ko tapos nilock ang bahay.
Pagpasok ko ng kotse ni Dani, tinignan ko agad ung blush on ko. At oo nga! Mukhang napakapal. Bakit kanina okay naman? Binawasan ko na lang ung pagkapula. Nakakarinig pa ko ng tawa kay Danica pero itinuloy ko na lang ung pag ayos ng blush on ko.
Nakarating kami ng bahay ni Nicole. Ung kaibigan kong pinaglihi kay Aphrodite. At nakatanggap lang naman ako ng lait! Sanay naman na ko dito kaya keri ko yan.
"Saang sagala ka pupunta, Kim?" tanong nya sakin na tinawanan nila Tita Ja at Danica.
"Bwisit ka kamu! Anong sagala?! Papasok tayo! Sira ulo ka!" balik ko sa kanya.
"Ah! Papasok pala tayo akala ko kasi kung saang prusisyon ka pupunta at nakamake up ka," sabi nya at ngumiti ng matamis. Ganda! Sana ganyan din ako kaganda! "Joke lang. Tara na. Alis na po kami, mama. Ingat ka po sa trabaho," sabi nya at humalik sa pisngi ni tita.
Ang sweet lang nila lalo na si Nicole kahit hindi sila magkadugo. May koneksyon silang dalawa na parang mag ina talaga.
Nagdrive na lang si Danica papuntang school at buti hindi trapik kaya hindi kami nalate pero dahil bago kami, hindi naman alam ang papuntang Auditorium. Kaya naghanap kami.
"Dun ata un daan!" sigaw at turo ko sa kanilang dalawa. Naglakad na kami papunta dun sa tinuturo ko at hindi naman ako nagkamali dahil dun nga ang daan. "Oh! diba? tama ako! para talaga ako sa school na to ih!" yabang ko sa kanila at tumawa pa.
Ung dalawang bruha naman walang paki alam. Pumasok na kami sa Audi at ulala! Ang daming tao at ang daming pogi! Pogi hunter talaga ako! Syempre! Alangan namang humanap ako ng pangit?! Gwapo na tayo. Andito na din naman ako.
Pero wait! Hahanapin pala namin ung block namin ni Nicole. Nagulat ako ng biglang tumuro si Danica sa dereksyon ng course nya.
"Paano mga babaeng putik! Dun na ko sa mga kablockmates ko at kayo hanapin nyo na ang mga blockmates nyo at maupo. byiiie!" Paalam nya samin. Tumango na lang ako ng sinabi nyang sabay kaming mag lunch tatlo.
Di mabuhay ng wala kami?! Char! Since elem kasi magkakasama na kami kaya ganun kami kaclose tatlo.
Hinanap na namin ung Course namin pero sakto lang dahil nandito din naman agad. Ayun nga lang ung block namin. Block D kami kaya nagtanong tanong si Nicole, ako naman! Nagtitingin ng pogi! Sorry na. Maharot lang! Atska sayang ang make up ko kung wala akong makikitang pogi.
"Hoy, babae! try mo kayang tulungan ako sa paghahanap ng block natin?! nuh?! Hindi ng hahunting ka ng gwapo!" Pagtataray ni Nicole sakin. Natawa ako ng unti dahil sa sinabi nya.
"Eh kasi naman ang daming gwapo dito.. kainis!" maarteng sabi ko. Nakita ko naman na umiling iling sya kaya mag natawa ako sa itsura nya. Stress na sakin ang Bff ko.
Habang naghahanap, nagulat naman ako ng hatakin ako ni Nicole sa kamay dahil sa pagkabigla muntikan akong matumba napapikit na lang ako at inaantay na bumagsak pero wala kaya nadilat ko ung mata ko at... G*gong yan! Hindi ko na pala kailangang maghanap dahil kusang lumalapit ang grasya. Ang gwapo ng nakasalo sakin.
"Ay! sorry.... po," nauutal na sabi ko dahil ang gwapo nya talaga. Habang sinasabi ko un. Umaayos naman ako ng tayo habang nakatingin sa kanya.
Ung kulay ng mga mata hazel brown, kissable red lips at shete! Ang puti! Pero mas maputi si Nicole.
"It's okay. Take your seat, the orientation will start in a minute," nakangiting sabi nya na para naman akong nahypnotize dahil sa ngiti nyang labas ang dimples.
Pinagpapantsyahan ko pa ung gwapong to ng hilahin ako ni Nicole! Hindi ko tuloy nakuha ung pangalan! Nakakainis!
"Nics! Ang gwapo! Ang gwapo! Bakit mo ko hinila! Pagkakataon ko ng magkalovelife!" Histerikal na sabi ko. Kasi naman! Sayang un. Baka maunahan ako!
"Tumigil ka nga Kimberly! Aral tayo today! Aral! Walang jowa! Okay?! Iiyak iyak ka naman pagsinaktan ka." Paninermon nya sakin. Pero sayang talaga un!
"Malay mo sya na ung forever ko! Waaaah! Hahanapan din kita kaso baka magalit si Kuya Daniel kaya wag na lang. " Biro ko sa kanya. Sumama naman bigla ung mukha nya.
Sus! Hindi naman manhid to kaya alam kong alam nya na may gusto sa kanya si Kuya Daniel.
Naupo na nga kami at nakinig sa orientation pero ung utak ko andun pa din sa poging lalaki kanina, sana naman kadepartment namin sya o kaya kablock namin sya.
Natapos ang orientation at dumeretso kami sa room namin. Nag attendance lang naman dahil walang pumasok na prof namin.
Pumunta kami pareho ni Nicole ng grounds at nag ikot ikot muna dahil nga ung mayora namin, nasa klase nya pa. Nagpunta din kami ng bulletin board at bruhang to! Nakarank 1 sa lahat ng Academic squad ng school! . Iba talaga!
Kumain na kami at pumunta ulit ng room. Katulad kanina. Puro lang kami attendance dahil walang prof.
Nakauwi kami agad at katulad ng inaasahan ko, andun na si baklita pero wala pa si Mama.
"Hi Ate! Kmusta? Madaming pogi? Pagnakahanap ka ng poging bebe, bigyan mo ko ah! . Chares! ," sabi nya laya inirapan ko lang sya.
"Wis Ad! Akin lang un pag may nahanap ako. Maghanap ka ng sarili mo sa school na pinapasukan mo," natatawang tanggi ko sa sinabi nya.
"Ay! Madamot si Ate! Bakit may nakita ka ba don na mga poging bebe?" tanong nya sakin pero sasagot pa lang sana ko ng may marinig akong salita.
"Kayo?! Anong pogi pogi ang sinasabi nyo? Aral muna ha. Susumbong ko kay Papa nyo," sabi ni Mama na mukhang pagod.
"Si Ate kasi ma. Naghahanap ng pogi sa school nya," sabi nya! Nilaglag ako! Sakalin ko kaya to!
"At nakikisali ka naman?" Sabi ni Mama habang nauupo sa sofa ng bahay.
"Of course naman Mother earth! Join force kami ni Ate pag pogi!" sabi nya at magpagpitik pa ng daliri! Maharot!
"Ay No! No! No! Akin lang ang poging makikita ko dun sa school! Bahala ka sa buhay mo. " Mabilis na tanggi ko.
Natawa lang si Mama samin at parang gulong gulo na din.
"LK! Mag aral muna bago lumaki ang tyan," sabi ni Mama kaya naman nagulat ako bigla.
"Ay Mother! Masyado tayong advance ah! Pogi lang ang hanap ko, hindi manlolobo ng tyan. Ekis na un pag ganun! Atska relax mother earth! Andyan si Nicole ang bantay ko. ," sabi ko
"Naku! Mabuti pala at andyan si Nicole kung hindi baka nagboyfriend na kayong dalawa ni Danica," sabi ni Mama tapos tumingin kay Adriene. "At ikaw! Suportado ko ang pagiging bakla mo pero wag muna magboyfriend. High school ka palang," sabi nito.
"So okay lang pagtapos ko ng high school? Chares! Mother earth! . Opo! Aral muna tayo bago landi," natatawang sabi ni Ad kaya natawa na lang din ako.
Lumapit ako kay Mama at kinuha ung mga dala nya. Tapos pumunta ng kusina para ilagay un dun. May dala na kasing ulam si Mama kaya itinabi ko muna.
Di naman nagtagal kumain kami ng dinner after nakin, kami na ni Ad ang naghugas dahil nagkayayaan pa kaming nanuod pa ng movie, si Mama naman nagpahinga na at maaga daw ang pasok nya. Lagi naman. After namin matapos ung pinapanuod namin. Umakyat na ko sa kwarto para makapagpahinga.
-------------------