FINALLY YOURS

2452 Words
CHAPTER 19 Pinindot na niya ang phone at huminga siya ng malalim. Kinagat niya ang kaniyang labi. Dahan-dahan niya akong nilingon. Sumandal siya sa upuan. Nilingon ko siya. Kinindatan niya muli ako. Pinisil-pisil ko ang mga palad ko. Kinikilig pa rin ako s amga narinig kong sinabi niya at sa kantang ginamit niya para ihayag niya ang nararamdaman niya para sa akin. Huminga din ako ng malalim. dahan-dahan kong kinuha ang palad niya. Umayos siya ng upo. Nagkatinginan kami. Naghihintay siya sa maari kong sasabihin. Lumunok muna ako. Pinakalma ko ang aking sarili. "Alam mo naman siguro na mahal kita noon pa man. Tama ka, tiwala lang ang kulang sa akin. Tiwala ko sa'yo at sa sarili ko. Hindi kasi ako makapaniwala na mahuhulog ang katulad mo sa katulad ko lang. Mahirap ding maniwala na mananatili sa mahabang panahon ang pagtingin mo sa akin sa dami ng tuksong nakapalibot sa'yo. Mas maraming may hitsura sa akin na umaaligid sa'yo. Ngunit ayaw ko nang pahirapan ang sarili ko. kaya,” Huminto ako. Napapikit. “Sige na nga. Okey na." "Anong sige na nga? Okey na?" naghihintay siya ng mas maliwanag na sagot. "Sige na. Tayo na." nahihiya akong tumingin sa kaniya ngunit gusto kong makita nya sa aking mga mata na pinaninindigan ko ang sinasabi ko sa kaniya. “Talaga? Seryoso ka babe ko?”  "Oo nga. Mahal kita Brad. Sobrang mahal na mahal. Sa higit dalawang Linggo na hindi tayo nagkita, walang kahit isang saglit na nawala ka sa isip ko. Lagi kitang naiisip. Mula paggising ko hanggang pagtulog. Akala ko hinahangaan lang kita ngunit higit pala roon. Mahal na pala kita. Mahal na mahal." Pinisil niya ang kamay ko. Nakita ko sa mukha niya ang sobrang saya. Ikinulong ng kaniyang dalawang palad ang palad ko at dinala niya iyon sa kaniyang labi. "Salamat Babe ko! Sobrang saya ko ngayon." Mabilis niya akong niyakap at hinalikan sa aking mga labi. Alam kong mahirap para sa kanyang gawin iyon ngunit dala ng bugso ng damdamin. Kahit nasa publikong lugar kami ay ginawa niya iyon. Huminga siya ng malalim at naramdaman ko ang panginginig ng kaniyang mga kamay. "Huhhhh! Di ko talaga alam kung paano ko i-express yung nararamdaman kong saya ngayon. Iba eh! Sobra!" Hanggang sa nakita ko na lang ang pagtulo ng kaniyang luha. Mabilis niyang pinunasan iyon. “Bakit ka umiiyak?” "Wala e. Sobrang saya ko lang. Babe ko, tapusin na natin ang dinner natin nang makaalis na tayo dito, may gusto akong gawin." Kumindat siya sa akin kasabay ng kaniyang mahinang tawa. Panay ang lingunan at ngitian namin habang kumakain. Kahit man lamang sa mga tinginan naming ay maipakita namin ang pagmamahal namin sa isa't isa. Hindi naming malayang magawa ang gusto naming gawin dahil sa natatakot kaming may maliligaw na mga matang magiging mitsa ng kaniyang pagkasira. Natatakot ako para sa kanya na baka may mga cellphone sa paligid na kumuha sa amin. Nang natapos kaming kumain ay pumunta na kami sa kaniyang kotse. "I love you." Bulong niya sa akin. "I love you too" sagot ko. Hinila niya ako palapit sa kaniya. Nagkatitigan kami. Lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Naglapat ang aming mga labi. Napakalakas ng kabog ng aking dibdib. Nagsimula iyon sa banayad na pagkalapat ng halikan hanggang sa nagiging mapusok. Halos hindi ako makahinga. Nadadarang ako sa hatid nitong kaibahan. Naglakbay ang kaniyang kamay sa aking katawan at ganoon din ako sa kaniya. Binibigyang laya namin ang pagkasabik sa isa't isa. Nang biglang tumunog ang cellphone niya. Saglit niya iyong tinignan. "Sorry I have to take this call. Si Direk." Bulong niya. "Sige lang sagot ko." "Hello direk... Yes po…Tumingin sa akin. “What? Ohhh do you mean now?” Huminga siya ng malalim. “Hindi ba puwedeng ipagpabukas na lang ho natin?” umiling-iling siyang tumingin sa akin. “Ano 'ka niyo? Nagagalit na ang producer at management?... ahh pa'no ba 'to?...” huminga siya ng malalim. Nakikita ko sa kanyang mga mata na naiipit siya sa kanyang trabaho at sa akin, “Hindi ba ninyo puwedeng mapakiusapan sila? Ay! Hindi ho? Okey...sige po... I understand.... Pasensiya na direk...bye." Tumingin siya sa akin. Malungkot ang kaniyang mga mata. Sa tingin palang niya sa akin ay alam ko na, kaya hindi ko na hinintay pang sabihin niya sa akin. "Okey lang. Trabaho iyan kaya naiintindihan ko." "Gusto kitang makasama buong gabi e." huminga siya ng malalim. Nakatingin siya sa akin. Nakita ko ang frustrations sa kaniyang mukha. "Gusto ko rin naman ‘yon pero hindi din ako nagpaalam ng maayos sa bahay kaya bago umabot sa curfew ko, kailangan ko na ring makauwi.” “Sigurado ka?” “Sigurado ako. Sige na, pumunta ka na sa work mo. Tama na yung nakasama kita ngayon at finally tayo na nga.” “Yes, unang gabing tayo, pero we can’t even have the luxury to have eah other.” “Okey lang ‘yon. Hindi na lang ikaw ang kailangan mag-adjust ngayon Babe ko. Ako din. Kailangan magkasalubong tayo. Gagawin ko ang part ko, pangako 'yan. Nandito ako to support and to to distract." Inakbayan niya ako. Hinila at niyakap. "Salamat sa pang-unawa Babe ko. Babawi muli ako sa susunod ha?" "No worries. So paano? Magkikita na lang tayo muli kung kailan ka free?” “Yes and I’ll make myself free sometime to be with you.” “Graduation ko na sa susunod na araw. Sana nandoon ka."  Nakita ko ang lungkot sa kaniyang mukha. "Ohh sorry. Nakalimutan ko. Sabi mo nga pala may shooting kayo sa Laguna." Pambawi ko. Hinalikan ko siya sa labi. Nang inilayo ko ang labi ko ay nakapikit pa rin siya. Binuksan ko ang pinto ng kotse niya para bumaba. "Anong ginagawa mo?" tanong niya. "Magta-taxi na lang ako. Baka malate ka sa sa set ninyo." "At sino ang nagsabing mag-taxi ka na lang pauwi?” “Wala pumasok lang sa isip ko kasi nga hinihintay ka na.” “No. Ma-late na ako sa lahat ng lakad ko, kahit nga hindi ko siputin ang mga 'yan huwag lang yung lumalabas na mapabayaan ko ang Babe ko ko. Isara mo nga 'yan." Nakakunot ang kaniyang noo. "Ahh, okey. Sorry. Akala ko kasi urgent ang lakad mo kaya..." "Wala nang mas importante pa sa'yo, tandaan mo 'yan." Kumindat siya sa akin. "Lakas mo kaya sa akin." Pinaandar na niya ang sasakyan niya. Nakagat ko ang labi ko sa kilig. Nang nasa tapat na kami ng bahay ay parang ayaw ko munang bumaba. Siya man din ay nakahawak lang siya sa aking kamay. Panay pa rin ang halikan namin kahit nakailang tawag na ang director nila na hindi niya sinasagot. Ako ang nabahala sa kanya. Ako ang natatakot para sa kanyang career na madiskaril dahil sa akin. Magdalawampung minuto na kami doon ngunit sa tuwing bumababa ako ay pinipigilan niya ako. "Huwag muna Babe ko. Gusto ko dito ka lang." parang bata niyang pagsusumamo. "Babe ko, 20 minutes na tayo dito. Please, baka masira ang career mo dahil sa akin. Ayaw kong mangyari iyon." pakiusap ko. "Tawagan na lang tayo o text." pakiusap ko. "Huh! Hirap naman ne'to. Ewan ko ba. Basta gusto ko sana kasama kita lagi. Sumama ka na lang kaya doon. Batanyan mo ako sa set?" "Hindi puwede may pasok pa ako bukas pero promise sa bakasyon gagawin ko." "Promise yan Babe ko ko ha? Sige, tawagan na lang din kita." Nagyakapan kami. Hinalikan muli ako sa labi saka binuksan ko na ang pintuan ng kotse. Pagbaba ko ay kumaway na ako. Kumaway din siya. Nang papunta na ako sa aming gate ay naroon sina Mama at Papa. Nakatingin sila sa akin. "Sino ang naghatid sa'yo anak? Hindi naman kotse nina Miley iyon ah?" usisa ni Mama Sheine. "Kaibigan ko ho." Maikli kong sagot. "Muntik ka nang di umabot sa curfew mo. Kanina pa kami dito, 20 minutes na din ang sasakyan diyan. Nagtataka lang kami kung anong dahilan at hindi ka agad bumaba." Seryosong puna ni Papa Zayn. "Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin. Alam kong binago lang niya ang usapan ngunit ramdam kong alam na nilang may itinatago akong mga lakad sa kanila. May matindi akong pagkagusto sa isang artista. Nagsimula iyon nang mabuking nila akong iniipon ko ang mga pictures ni Bradley. Ilang araw bago sila noon ikinasal. "Tapos na ho." Maikli kong sagot. "Tandaan mo lang anak ha? Hindi masamang magkaroon ng kaibigan o minamahal basta alam ninyo ang limitasyo ninyo at dapat naghihilaan kayo pataas at hindi pababa." Muling paalala ni Papa Zayn. Huminga ako ng malalim. Napayuko ako. Naisip ko, sana nga mas makakabuti sa amin ni Brad ang pinasok naming relasyon kaysa sa idudulot nitong hindi maganda sa aming dalawa. Lalo pa't nakakapagsinungaling na ako ngayon sa dalawang taong mahalaga sa buhay ko. Araw ng Graduation namin. Si Miley ang Valedictorian. Hindi naman ako kasingtalino niya pero 3rd honorable mention naman ako. Magkatabi kami ng upuan. Naroon na lahat ang mga mahal ko sa buhay. Si Papa Zayn na lumiban pa sa kaniyang trabaho. Si Mama Sheine na nag-cancel ng kaniyang mga meetings para lang makadalo sa graduation ko. Si Kuya Cedrick kasama ang maganda niyang girlfriend. Ang napaka-cute na si Elijah na karga ni Manang. Si Tito Rave na kumukuha ng pictures ko at si Tita Dame na tahimik lang at pangiti-ngiti na tumabi kay Mama Sheine. Kumpleto sila. Ramdam ko ang kanilang suporta sa akin. Naiwan sina Lola at Tita Claire sa bahay dahil tinulungan nila ang cook na kinuha ni Papa. Sila na lang ang nagbantay sa mga naghanda ng kaunti naming salu-salo pagkatapos ng graduation ceremony namin. Patapos na ang graduation rites ngunit hindi pa rin ako mapakali. Palingon-lingon pa rin ako. May hinahanap ako. May hinihintay. Hindi man siya nagako ngunit umaasa ako na magawan niya ng paraan. "Hopya na naman peg ng ate ko." puna sa akin ni Miley. "Anong hopya ka diyan? Alam ko namang hindi iyon makakasipot." sagot ko. "Sus totoo ba? Kunyari ka pa e. Kanina ka pa lingon ng lingon diyan. Di ba nga, may trabaho si jowa sa Laguna. Dapat tanggap mo na 'yun.” “Luh! Tanggap ko naman ah.” “Huwag mo nga akong chinacharot! Ganda mo talaga. Ikaw na ang may jowang sikat na artista. Hanggang ngayon te, ayaw ko pa ring maniwala. Sana nga di ka lang gumagawa ng kuwento sa akin na niligawan ka ng todo nang nakaraang araw at sinagot mo siya. Baka dinaan mo sa dahas, punyeta ka." Bulong niya. “Hoy, nagmumura?” “Mumurahin talaga kita kasi sobrang feeling ka na! Baka gusto mo putulin yung bangs mo. Haba ng buhok ng deputa o.” Nakatingin siya sa nagsasalitang guest speaker namin pero mas tutok siya sa pangingialam niya sa buhay ko. “Ambaho talaga ng bibig mo.” Inamoy niya ang hininga niya. “Gaga nagtoothbrush ako ‘no.” “Yung mga ginagamit mong salita, pampalengke. Mayaman ba talaga kayo?” “Oo pero half of it utang kaya huwag ka nang magtaka.” Tumawa siya. Natawa na rin ako. Kinalabit ko siya. "Ano yung sinabi mo kanina?” “Ang alin?” “Tungkol sa dahas.” “Oh tapos?” “Kita mo to?" itinuro ko ang mukha ko. "Itong mukha na 'to di na kailangang gumamit ng dahas." "Ayy oo naman! Nakakabilib. Gandang ganda talaga siya sa sarili niya oh! Pero 'te, hindi unat ang hair mo sa araw na ito. Tumikwas siya at kumulot.” “Pinagsasabi ne’to. Bakit mo naman nasabi?” “Kasi wala siya. Nganga ka. So, kulang pa rin ang ganda." Tumawa siya ng parang nang-iinis. "Makikain muna ako sa inyo mamaya pero mamayang gabi iuwi kita sa bahay. Mas bongga ang celebration dapat ng valedictorian kaysa sa honorable mention lang no. Ang valedictorian, pang one week ang handa, ang honorable mention, pangkarinderya." "Ang yabang mo!" singhal ko. "O, e bakit. Ako ha, matagal na akong aminado na mas maganda ka sa akin. Pero hindi masamang tanggapin mo din 'te na mas matalino ako kaysa sa'yo at mas mayaman." "O, e di ikaw na!" singhal ko. Pagkatapos ng graduation ay sumama si Miley sa bahay. Tuwan-tuwa sina Mama Sheine at Papa Zayn sa kadaldalan ni Miley. Napapatawa niya sina papa sa walang humpay niyang mga banat ngunit nanatiling tikom ang kaniyang bibig sa kahit anong sikreto naming dalawa. Lalo na kung tungkol kay Brad. Iyon ang gusto ko sa kanya. Sobrang mapagkakatiwalaan. Nakahanda na ang mga pagkain nang dumating kami sa bahay. Hinintay lang naming dumating sina Tito Rave at Tita Dame na dumaan daw muna ng Graduation Cake ko sabi ni Mama Sheine. Nagkakasiyahan kaming lahat habang naghihintay. Nagbigay na sila ng kani-kanilang regalo para sa akin. Nagpapakuha ng mga pictures kasama ng buo kong pamilya. Si Miley ang tigakuha. Tumunog ang doorbell. Kumilos si Manang para buksan iyon. Alam naming sina Tito Rave at Tita Dame na ang dumating. "O sige anak, umupo na. Kainan na. Diyan na lang sa tapat ni Miley uupo sina Tito Rave mo at Tita mo Dame. Tabi na lang kayo 'nak ha?" "Taman-tama ang dating nila luto na ang huling inihanda ko. Tabi na kami ni Mom, dito." Si Tita Claire. Tumayo siya at pumunta sa kusina. Umupo na din ako sa halos tapat ni Miley at hinintay ang pagdating nina Tito Rave. Kanina pa ako gutum na gutom. "We're here!" boses ni Tito Rave. "Hayun, kainan na po!" sigaw ko. Hindi ako lumingon at inayos ko ang uupuan nila sa tabi ko. Biglang nabitiwan ni Miley ang hawak niyang tinidor. Nanlaki ang kaniyang mga mata. Nahulog ito sa sahig ngunit hindi niya pinupulot nanatiling nakatingin sa likod ko. Napatayo si Mama Sheine samantalang napatulala si Papa Zayn. Mabilis si Manang na umikot sa harap ko at kinakagat niya ang kaniyang hinlalaki. Ganoon na ganoon ang reaksiyon ni Manang kapag kinikilig siya sa pinapanood niyang teleserye. Dahan-dahan akong lumingon dahil naninibaguhan ako sa kanilang mga reaksiyon. Ako man ay parang nabuhusan ng malamig na tubig nang mapagsino ko ang nakahawak sa graduation cake ko. Matamis ang kaniyang pagkakangiti. Kaya pala parang nakakita ng multo ang lahat dahil nagugulat silang isang sikat na artista ang isa sa mga dumating naming bisita. Ang taong pinakamahalaga sa buhay ko ngunit siyang naging sanhi ng unti-unting pagkagulo nito. MARAMING SALAMAT AT SANA PATULOY ANG ATING PAGSUPORTA AT PAGHIKAYAT NG IBA PA NA BASAHIN ANG AKING AKDA. SALAMAT PO SA INYONG TIWALA AT PAGMAMAHAL. SANA PO MATULUNGAN NIYO AKONG MAKAPAG-PROMOTE SA MGA DREAME PAGE PO. KAPAG MAY NABABASA AKONG NAGPO-PROMOTE NAKAKAWALA NG PAGOD AT NAKAKATUWA.  NAPAKASARAP MAG UPDATE NG MARAMI KUNG MAY NAKIKITA AKONG MGA SUMUSUPORTA.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD