Umalis Na Si Tatay

2145 Words
"Chloe, nakita ko ang tatay mo kanina. Naka alis na pala sya?" Sigaw ng kaibigan ni Chloe na si Jillien, habang papauwi ito galing sa kanyang trabaho. Kababata ni Chloe si Jillien at kaklase nya mula grade 3 palang. Magkaibigan ang kanilang mga ina kaya't lalo silang naging close nito. Si Jillien ang kasa- kasama ni Chloe sa iskwelahan, sa mga selebrasyon sa iskwela o sa kanilang lugar, panonood ng sine, pamamasyal at maging ang pagnood ng porno minsan sa internet. Isang sikreto nilang dalawa. "Umalis na si tatay? Ang alam ko ay sa isang araw pa ang alis nya." Ang sagot niya na may pagtataka sa kanyang isipan na halata sa kanyang mga mata at mukha. napatigil sya, ngunit hindi na napansin ni Jillien na nabigla si Chloe sa sinabi nya. Nagkawayan nalang ang magkaibigan, senyas na nagpapaalaman na sila sa bawat isa at agad pumasok si Chloe sa bahay at hinanap ang kanyang inay. "Inay! Inay? Umalis na po ba si itay?" Ang pasigaw nyang tawag at tanong kay nanay nya na si Aling Salud. Maganda si Aling Salud nung kanyang kabataan at halata sa kanyang balat at pigura na may lahi ang mga magulang nito. Marahil kayat maganda rin ang anak nitong si Chloe. Si Aling Salud ay kasalukuyang nagaayos ng kanilang tanghalian. Panggabi ang schedule ng trabaho ni Chloe, kaya't madalas ay tanghali na syang nakakarating sa kanilang tahanan. Habang naghihiwa ang nanay nya ng sibuyas ay sinagot nya ang kanyang dalagang anak. "Oo Chloe, pinapunta sya ni tiya Ditha mo at may paguusapan daw sila bago sya tuluyang umalis papuntang Tagaytay para sa kanyang trabaho. Nagtatrabaho si Mang Joel, ang ama ni Chloe sa isang malaking resort sa may Tagaytay. Isa syang supervisor sa pag aasikaso ng mga kasal, kaarawan at iba-iba pang selebrasyon.. maganda ang pinagtatrabahuan ni Mang Joel. Malayo sa kanyang pamilya pero maayos ang suweldo. Dahil sa layo, tuwing makalawang linggo kung umuwi ang tatay nila Chloe. Napabuntong hininga nalang ang dalaga habang papasok sa kanyang kwarto. Nagtatrabaho si Chloe sa isang Call Center sa may Pampanga at sya ay nasa gabing shift. Nangako ang kanyang itay na sasamahan sya para mamili ng gamit sa bahay bago sya umalis papuntang Manila. Pero hindi gaya ng dati na tumutupad sya, ngayon ay maaaring nakalimutan nya dahil sa pagtawag ni Tita Ditha. Si Tita Ditha ay kapatid na panganay ng tatay ni Chloe. Nakatira ito sa may Quezon City. Isang matandang dalaga at puro kasambahay lamang ang pamilya nito sa kanyang tirahan. Sa silid ni Chloe ay nahiga muna sya upang magpahinga ng mag ring ang kanyang telepono. Si Glenn pala ang tumatawag. Ang bestfriend na kapitbahay niya. Naging magkaibigan sila mula nung lumipat ito galing ng Cabanatuan, dalawampung taon na ang nakalipas. Matangkad si Glenn at matipuno ang kanyang katawan. Batu-bato kung tawagin ng mga kabataang babae sa kanila na halatang may pagpapahalaga sa kanya. Maamo ang mukha nya at tipong papasa bilang artista. Sabi ng iba ay bagay daw si Glenn at ang bestfriend nitong si Chloe. 27 ang edad ni Glenn habang si Chloe ay 26 naman. Si Chloe ay may kataasan din, may malanyebe na kutis at kung tawagin at katawang gitara ng mga pinsan at kaibigan nito. Nakuha nya ang balat at hubog nya sa kanyang ina na isa rin namang pambato sa beauty contest. Bagay man sila sa mata ng iba, ngunit sadyang magkaibigan lamang ang turingan ng dalawa. Marahil siguro ay sa tagal na nilang magkaibigan ay nagkasanayan na nila sa sarili nila ang mga biro at asaran, kayat hindi nila makuhang pansinin ang mga pagtukso ng iba. "Chloe, may basketball kami mamaya, punta ka?" Ang wika nya habang naiimagine ni Chloe ang ngiti sa kanyang pisngi ni Glenn. "Wala kang pasok sa trabaho?" Ang tugon ng dalaga. Sa City Hall nagtatrabaho ang bestfriend ni Chloe na si Glenn at medyo mataas na din ang kanyang katungkulan duon. "Hindi na muna at umalis na si itay kanina." Ang malungkot na sagot ni Chloe sa bestfriend nya. "Sige, dalhan nalang kita ng pasalubong mamaya at magpapakain daw si Kapitan Nanding mamaya pagkatapos." ang masiglang tugon sa kanya ni Glenn. Napangiti si Chloe at sinabing, "Intayin kita! Magdala ka na rin ng maiinom para kumpleto." ang pabiro pa nito. Pero kahit na pabiro iyon ay kilala nya ang bestfriend nya at magdadala nga iyon. Pagkababa nila ng telepono, ay agad nakatulog si Chloe, malamang ay sa puyat at pagod na din. Nagising si Chloe ng marinig ang boses ni Glenn. "Magandang gabi po tita Salud! Andyan po ba si Chloe?" Ang magalang na pagbati ni Glenn sa Inay ni Choe. "Kuya Glenn, anu 'yang dala mo?", ang makulit na tanong ng bunsong kapatid ni Chloe na si Fiona. Parang kapatid na din kasi ang turing ni Glenn sa kanilang bunso dahil nag-iisang anak si Glenn. Mabilis syang nakapalagayan ng loob ng kapatid ni Chloe kasi madalas siya ang nagtuturo dito ng kanyang mga takdang aralin. Mabilis din si Glenn napalagay sa kanila dahil madalas itong nakikipagkwentuhan sa bahay nila Chloe, sabik sa kapatid si Glenn, kaya marahil ay ito ang nakita nya kay Chloe at kapatid nito na si Fiona. "Tara Fiona, kain tayo ni ate mo at ni tita!" Masayang bigkas ni Glenn habang palabas ng kwarto ang best friend ni Glenn papunta sa hapag kainan. "Anu ba ang bitbit mo? Parang masarap ang amoy ha." Ang sambit ng dalaga habang kumukuha na ito ng mga plato na gagamitin nila. "Halika! May pansit, fried chicken at garlic rice! Nanalo kami kanina kaya napadami ang libre ni kapitan!" ang sabi ni Glenn habang umuupo sa isang silya. Madalas ay kinakausap sya ng mga kapitan upang tumulong sa pagte-train ng mga kabataan sa basketball. Sa tangkad ni Glenn, naging basketball player sya ng mga paaralan na napasukan nya. Madalas na nanalo siya nun at nagiging varsity player pa. Nagtatawanan sila at nagkakainan sa pasalubong na pagkain ni Glenn, ng biglang may tumawag sa telepono ni Aling Salud. Nang sagutin niya ito, "Anu, e kaninang umaga pa sya umalis dito! San kaya nagpunta si Joel?" Biglang tumahimik si Aling Salud na hudyat na nagsasalita ang tao sa kabilang linya. "Hayaan mo ate Ditha at tatawagan ko sa telepono nya." Saglit syang nakinig sa kabila at, "Tinawagan mo na ba, at out of reach na ang kanyang telepono? Abay anu kaya ang nangyari sa kanya?" Ang pagaalala ni Aling Salud na nahaluan ng luha at pagiging balisa. Napaupo si Aling Salud sa silya habang hawak nya ang telepono. Medyo nanginginig ang kamay niya na halos hindi nya malaman kung saan sya hahawak upang makontrol nya ang kanyang katawan sa pagupo. Napahinto ang lahat at inalalayan si si Aling Salud na talagang nag aalala at umiiyak. Habang pinakakalma nila ang kanilang ina at tinetext na ni Chloe ang kanyang supervisor na sya ay magaabsent sa kanyang trabaho upang hanapin ang kaniyang ama. Sa pangunawa ng kanyang supervisor sa sitwasyon ay agad naman itong pumayag, at nasabi din ni Chloe na hindi nya alam kung kailan ang kanyang balik sa trabaho. " Nay, luluwas po ako ng Maynila para hanapin si itay." Hindi pa sya natatapos sa kanyang sinasabi ay pinigil sya ng kanyang inay at sinabing "Hindi mo naman kabisado ang Maynila anak, baka maligaw o mawala ka pa duon, dumito kayo ni Fiona at ako ang hahanap sa itay mo!" Ang mariing sabi ni Aling Salud. May punto ang kanyang inay na wala itong alam masyado sa Manila. Parang dalawa o tatlong beses pa lamang si Chloe nakapunta sa Maynila, pero ito ay para umattend lamang ng kasal ng kanyang mga pinsan. "Sasamahan ko po sya, tita." Ang tugon ni Glenn. "Marami po akong pinsan sa Manila at medyo kabisado ko na rin po ito dahil sa mga iniuutos sa akin sa City hall." Ang dagdag pa niya. Nagulat si Chloe sa winika ni Glenn. Alam ni Chloe na kailangan sya sa city hall, ngunit magiging malaking tulong nga kung masasamahan nya ang dalaga sa paghahanap sa kanyang itay. Mabuti nalang at mabait ang bestfriend nito. Mabait si Glenn, malaki rin ang tiwala ng inay at itay ni Chloe sa kanya dahil na rin siguro nakita nila na mag bestfriend lamang sila talaga na nagsimula pa nung bata sila. Mahabang panahon na rin na magkaibigan sila. May mga naligawan ito nuon at naging kasintahan, pero nagaaway din sila at naghihiwalay. Madalas na tanong sa kanya, bakit hindi daw silang dalawa nalang ni Chloe. Si Chloe nalang ang ligawan nya at bagay naman daw ang mga ito. Ngingiti lang ito at magbibirong pangit si Chloe kaya hindi nya ito magustuhan. Sa mga gantong biro nya kayat alam ng mga magulang ni Chloe na magkaibigan lang sila at malayong mangyari na ligawan nya ang bestfriend. Minabuti na rin yun ni Chloe, dahil mabuting kaibigan si Glenn at kuya-kuyahan ng bunsong kapatid na si Fiona. Walang kapatid si Glenn, at wala din naman syang kuya. Nagkausap-usap sila at napagkaisahan nila na si Chloe at si Glenn ang lalakad kinabukasan. Makikitulog sila sa pinsan ni Glenn na may Condo sa may Mandaluyong. Malapit lang ang Maynila sa Pampanga kayat mabilis lang sila makakarating duon. Nagusap sila ni Glenn ng gabing iyon at nakapaglista sila ng mga dapat nilang puntahan upang hanapin ang tatay ni Chloe. Ang naisip nilang unahin na silipin ay mga prisinto ng pulis, upang mag report at magtanung-tanong na din. Kasama dito ang mga hospital at mga tindahan na malamang ay pupuntahan ni Mang Joel. Alas 8 ng umaga ay narinig ni Chloe ang boses ni Glenn habang nag-aayos ang dalaga ng gamit na dadalahin. Lumabas sya ng silid at nakita nya ang kanyang inay na nagaayos ng kanilang babaunin na pagkain. Sa mukha at mata ng kanyang inay ay makikita agad na wala itong tulog sa pagaalala at pag-iyak. "Kain na muna kayo bago kayo lumuwas." Ang malungkot at mahinang anyaya ng kanilang nanay. Batid sa boses nito ang luhang nilulukom nya sa ngiting pinapakita nya sa magkapatid na Chloe at Fiona, pati na rin kay Glenn na kaibigan nila. "Gusto mo kumain Glenn?" Ang bigkas ni Chloe kay Glenn habang napatingin sya sa kaibigan nya. Naka polo ng blue si Glenn na kita ang hugis ng katawan nya at pagiging batu-bato nito. Maayos at medyo naka wax ang buhok nya. Sa unang pagkakataon, may biglang kilig na dumapo sa katawan ni Chloe. Ngunit pinalis nya ang isip nya sa kanyang dadalhin na mga gamit dahil batid nya na magkaibigan lang sila at hindi na lalalim pa dito. "Hindi na po at baka matagalan po kami." Ang pagtanggi ni Glenn kayat, "O sige, baunin ninyo itong sandwich at mag-ingat kayo." Habang iniaabot ni Aling Salud ang mga ito kay Glenn. "Sa bag ko nalang po, inay, at maluwag pa naman po ito." Ang wika ni Chloe habang nagmamano ito kay Aling Salud upang sila ay makaalis na. Sakay sila ng tricycle ay nagpunta na sila sa sakayan ng bus na patungo ng Maynila. Magkatabi sila sa pandalawahan na upuan at may aircon sa kanilang ulunan. Masarap at nalamigan sila dahil napakainit sa labas. Yakap ni Chloe ang kanyang back pack na bag at ganun din naman si Glenn. Nagbayad agad si Glenn ng pamasahe, kaya biglang sinabi ni Chloe, "pagdating sa Maynila ako ang magbabayad ng pagkain natin. Naabala na nga kita, pati sa trabaho mo." Napangiti nalang si Glenn at tumango. Sa ngiti nyang iyon, Nakita ni Chloe ang dimples nya at ganda ng mga mata nito na syang pinagpapantasyahan ng mga kababaihan sa kanilang lugar. "Gwapo nga pala talaga ang bestfriend ko", ang napag isip-isip ng dalaga. Tama ang sabi ng iba, dahil siguro sa tagal ng pagkakaibigan nila, asaran, biruan, trabaho at pamilya ay hindi nya napansin ang mga ito. Ang pagaasikaso at kabaitan ni Glenn, pati ang macho nitong katawan na kayang kaya syang yakapin at romansahin. Kahit andun ang kilig sa pagpapantasya ni Chloe sa katabi nyang kaibigan, medyo pagod ito at inaantok ng lubos dahil sa pagiisip kay Mang Joel, na tatay ni Chloe, sa buong magdamag ay madali itong nahimbing ng tulog sa loob ng bus at hindi nya namalayan na nakasandig na pala sya sa balikat ni Glenn. Ngunit sa pagsandig nya kay Glenn ay niyakap ito ng kanyang malalaking bisig upang hindi maumpog o mahirapan sa pagtulog. At ng sya ay magising. "Manila na, Chloe." Ang pabulong sa gising ni Glenn sa kanya. Umayos ito ng upo na may hiyang naramdaman sa kanyang kalooban habang napangiti ang dalaga sa bestfriend nyang si Glenn. Biglang nagwika ang kundokto nang, "Quezon City na, lahat po ng bababa, sa bus stop lang po tayo." .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD