Hindi agad makapagsalita si Abbey. Inisiip niya ang usapan nila ng aasawahin nito. Pero bakit ba tila walang lumalabas sa kanyang bibig? Bakit ba pakiramdam niya ay mas importanteng makausap si Jock muna? Hindi kaya ay dahil nais niyang solohin si Jock kahit sa mga huling sandali na binata pa ito? Ganoon ba siya kasamang kaibigan?
Pero hindi naman masamang pagbigyan ang sarili hindi ba? Kahit sa ganitong huling sandali. Kahit kaunting oras man lang. Wala naman siyang gagawing masama. She just want to talk to him. Be a friend.
“Uhm… mas mabuti na bukas na tayo bumili. Para fresh ang isip mo at makapili tayo nang maayos. Tutal sa hapon pa naman ang bridal shower.”
Shit! Bakit ba feeling niya ay nagtatago siya ng sikreto sa kaibigan? Bakit ba parang isang kasalanan ang pakikipagkita niya kay Jock mamaya?
I shouldn’t feel this way! Dapat na siguro niyang sabihin sa kaibigan na nais siyang kausapin ni Jock. Before pa dumating sa buhay nila ng kaibigan ay bestfriend na niya si Monique. Ito ang dapat niyang kampihan. Dapat nandito ang loyalty niya. Sa isang iglap ay nakaramdam siya ng konsensya. She should be honest to her bestfriend. Iyon ang pinakatamang gawin.
Huminga siya nang malalim bago nagsalita.
“Ah, Monique. Mamaya kasi—”
“Babe?”
Natigilan si Abbey nang biglang may nagsalita sa kanilang likuran. It was Jock! Nakabalik na pala ito.
Nawala naman agad sa kanya ang atensyon ng kaibigan. Agad nitong nilapitan ang fiancé.
“Hi, babe!” bati ni Monique rito sabay halik sa labi.
Tumingin sa kanya si Jock bago ibinalik ang atensyon sa girlfriend. “Can I talk to you for a second? Tinatanong ng hotel staff kung may preference tayo sa wine?”
Simula noon ay naging seryoso na ang usapan ng dalawa. Pakiramdam tuloy niya ay nakakaabala na siya roon. Kaya naman naisipan na niyang magpaalam. Hindi naman siya pinigilan ng mga ito.
Nang makalabas ng pinto ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. Isa pala iyong text message mula kay Jock. Ayon rito ay hihintayin siya nito sa mamaya sa pinag-usapan nilang lugar.
Napabuntong hininga na lang siya. Maybe kakausapin na lang niya si Monique kapag tapos na siyang makinig sa gustong sabihin ni Jock.
Pero habang naglalakad pabalik hindi mapigilan ni Abbey na isipin pa rin ang mga posibleng sasabihin sa kanya ni Jock. Tungkol saan kaya iyon at kailangan pang sa bar nila pag-usapan?
Sobrang lalim ng kanyang inisiip nang hindi na niya napansin ang pagbangga niya sa isang caucasian na lalaki. Sa lakas ng pagkakabangga nila ay pareho silang natumba. Sa tingin niya ay nasa lampas singkwenta anyos na ito at grayish na ang buhok.
“I’m sorry,” anas ng lalaki na may tila Spanish or Italian na accent. Malamang ay turista ito roon sa hotel.
“I’m sorry, too. I wasn’t looking—”
Natigil siya sa kanyang pagsasalita nang makitang may umaagos na dugo mula sa balikat ng lalaki. Kahit siguro hindi nurse ay maaalarma sa nakita.
“Hey, you’re bleeding,” anas niya sabay lapit sa lalaki. Pero imbes na magpatulong ay umatras ito.
“I’m fine. D-don’t touch me!” bulalas nito sabay atras palayo sa kanya. Sumubok itong tumayo pero tila wala ito sa balanse.
“If you say so. But I will call for help. You stay right here.”
Napalinga-linga siya sa paligid nang hawakan siya ng lalaki. “I don’t want any help! Juste lave me alone.”
Alam niyang ayaw magpatulong ng lalaki pero hindi siya susuko. Kumuha siya ng panyo ay iniabot iyon sa lalaki. “Just use this to apply pressure on your wound.”
Napatingin ang lalaki sa kanyang panyo. Akmang kukunin na sana ng lalaki iyon nang may nagsalita sa ‘di kalayuan.
“I will take it from here, miss.”
Teka! Namamalikmata lang ba siya? Ang lalaking iyon kasi ay ang parehong lalaking nakaupo malapit sa kanya sa restaurant kanina. Ang gwapong lalaking tinutukoy ng kaibigan niya. Ang lalaking binayaran ang lunch niya at binigyan pa siya ng dark chocolate cake! A beautiful woman. Uminit ang kanyang pisngi nang maalala niya ang sinabi nito.
“O-okay.” Akma siyang tatayo nang lumapit sa kanya ang lalaki at hinawakan siya sa braso upang tulungan tumayo.
Pakiramdam niya ay nakuryente siya nang maramdaman ang balat nito sa kanyang braso.
“T-thank you,” utal na sagot niya habang pilit na pinapakalma ang sarili. Hindi maintindihan kung bakit siya nagkakaganoon. Dahil ba minsan nang nagpakita ito ng kabaitan sa kanya? Or just because he’s just too goodlooking?
Or maybe both?
Ngumiti lang ang lalaki at sunod na dinaluhan ang sugatan na kasama.
“Boss…” narinig niyang sabi ng sugatang lalaki.
Boss? Anong ibig sabihin niyon? Hindi kaya ay executive ang lalaki sa isang company kaya ‘boss’ ang tawag. Mukha kasi itong negosyante talaga.
Oh well. Labas na siya roon.
“Shhh… Don’t say anything, Luigi,” alo ng gwapong lalaki sa matanda.
“O-okay… Niccolo.”
Niccolo. Iyon pala ang pangalan ng lalaki. Not bad.
“Niccolo...” usal niya.
Sabay na tumingin sa kanya ang dalawang lalaki. Pero sa mga mata ni Niccolo siya tila nahipnotismo. She felt like a cat caught her tongue.
“Uhm... sorry. I heard him say your name.”
“It’s alright,” pagkasabi ay itinayo na nito ang sugatan na lalaki.
“Are you sure he’s alright? I mean, he’s bleeding,” pag-aalala niyang tanong.
“He’ll be fine,” puno ng kasiguraduhang sabi ni Niccolo. “Now, if you’ll excuse us.”
Iyon lang at naglakad na palayo sa kanya ang mga lalaki. Inihatid na lamang niya ng tingin ang dalawa hanggang sa makapasok na ito sa isang kwarto. Oh my! Hindi man lang siya nakapagpasalamat para sa ginawa nito sa kanya kanina. Naisip niya tuloy kung gaano ka coincidental ang nangyaring muling pagkikita nila ng lalaki.
Pero bakit ba pakiramdam niya ay mauulit pa muli iyon?
***********
ALAS OTSO y media na pero wala pa rin si Jock. Hindi naman ganoon ang lalaki. Kapag may lakad sila nila Monique ay maaga naman ito. Besides, he’s a businessman. He’s supposed to be always on time. Pero bakit pinaghihintay ngayon nito?
Baka naman nakalimutan ka niya, Abbey?
Umiiling na napasandal siya sa inuupuan. Something must’ve happened.
Kinuha ni Abbey mula sa clutch bag niya ang kayang cellphone. Pero wala siyang nakitang mensahe mula kay Jock. Instead, she saw another message from her mother. Pina-follow up ang hinihingi nitong pera sa kanya. Napabuntong hininga na lang siya. Ni hindi ito nangungumusta kung kumusta ang kanyang lagay. Gamit ang online banking ay nagpadala na rin siya ng pera sa ina. Naisip niyang kahit sa ganoong paraan ay kailangan pa rin siya nito. Unlike Jock na walang tsansang kailanganin siya. Gusto na lang niyang matawa sa sarili. Bakit ba kasi hindi pa niya mapalitan si Jock at laging ito ang nagiging ideal man niya?
Matapos mag-reply sa mensahe ng ina kung saan sinabi niyang nakapagpadala na siya ay ibinalik na rin niya ang cellphone sa loob ng bag. Muli niyang inikot ang mga mata upang hanapin si Jock pero bigo pa rin siya.
Where the hell is that man?
“This is will go down in a fight.”
Napalingon siya sa kanyang gilid at nakita ang isang pamilyar na lalaki.
Niccolo?