Warning: scenes are not suitable for young audiences. "Anong ibig mong sabihin na lilipat na tayo?" "Yeah. I resigned from my work. Pinilit lang kasi nila akong pumunta sa Canada pero pagkatapos pala ng training ko doon eh doon na ako magpapractice. Ayokong malayo sa’yo." Kahit gaano pa kasweet ang paliwanag ni Sandro, parang may kakaiba sa kanya ngayon. Kahapon nag-aalangan talaga siyang umalis pero wala itong sinabi na doon na ito magtratrabaho. "Pwede naman akong sumunod doon, di ba? Ilang buwan na lang matatapos na ang sem." "Pwede ba, Vin, wag ka nang makulit." Natigilan ako sa narinig kong tawag niya sa akin. Vin?! Saan na napunta ‘yung Vinny? At mukhang naaasar na siya sa akin ngayon which is something new. Dati kahit anong pangungulit at pagtatanong ko sa kanya, hindi naman siy