"S-sandro, a-anong ginagawa mo rito?" Simpatikong ngumiti lang siya sa akin bago naglakad papunta sa harap ko. Kailangan ko pang tumingala para magkasalubong ang mga mata namin. "I came here to see you. Na-miss kita." Kung maganda lang sana ang naging paghihiwalay namin noong gabing iyon, sana ay masasabi ko ring ganun din ang nararamdaman ko. Kaso, hindi eh. Sobrang napahiya ako nung gabing iyon. Kailangan niyang masaksihan ang isa sa masasamang resulta sa akin ng mga bangungot ko. Nakatulog ako noon na yakap niya. At nang magising ako mula sa sampal niya ay saka ko lang nalaman na dinalaw pala ako ng masasama kong alaala sa aking panaginip. Sobrang pag-aalala ang nasa mukha niya noon. Nakumbinsi niya akong magkuwento kaya naman sinabi ko sa kanya ang lahat. Ang lahat-lahat. Lahat ng ma