Chapter 3

802 Words
Chapter 3 "nabunggo nga po ang aming sasakyan.. tapos nawalan po ako nang malay at nung nagising po ako ay kaagad akong napa tingin sa aking mga magulang ngunit wala na po silang buhay.. at hindi na nga sila humihinga.. sinubukan ko pa pong maka alis nung mga oras na yun para sana humingi nang tulong ngunit naka ipit yung paa ko po nung mga oras na yun at napansin ko rin na tila naka inom at balisa yung lalaking nakabangga sa amin.. nagulat na lang po ako nang bigla kong naramdaman na itinutulak nya na pala ang aming sasakyan pabagsak sa bangin kayat pag katapos po nun ay nawalan na po ako nang malay at nagising na lang po ako na unti unti nang nasusunog yung sasakyan... sinubukan ko naman pong maka alis para humingi nang tulong kaso bigla na lang sumabog yung sasakyan namin... at... at wala na nga po akong nagawa dahil bigla na lang silang nawala na parang bula... patawarin nyo po ako... hindi ko po sila nailigtas... hindi ko po sila nailigtas.. " napahagulhol na lang nang iyak si Ella kayat lumapit na si Amanda at saka niyakap ito nang mahigpit "tahan na wala ka naman kasalanan wag mong sisihin ang sarili mo dahil sa kagagawan nang taong pumatay sayong mga pamilya mahuhuli rin natin sya at sisiguraduhin kong pag babayaran nya ang kanyang ginawang krimen" naiyak na lang din si Amanda habang mahigpit na nakayakap sa kanyang pamangkin Maya maya pa ay nakatulog na nga si Ella dahil sa labis na pag dadalamhati sa nangyari sa kanyang pamilya kayat lumabas na nang kwarto si Amanda para makausap ang mga pulis "Chief.. bakit po kayo nandito?" pagtatakang tanong naman ni Amanda habang isinasara ang pinto nang kwarto "gising na ba ang pasyente gusto sana namin kunan sya nang statement ukol sa nangyari sa kanyang pamilya" "ahm.. chief nagpapahinga ngayon ang bata at masama ang kanyang pakiaramdam nakiki usap po sana ako na kung maari ay huwag muna ngayon dahil alam naman natin na mahirap pa para sakanya ang ikwento ang mga nangyari.." "naiintindihan ko po kayo Mam kaya sige po pag katapos na lang nang libing nang kanyang pamilya.. at sya nga pala nakikiramay kaming lahat sa kapatid mo" ngumiti na lang si Amanda at saka muling nag salita "maraming salamat po chief at sana po ay mahuli kaagad natin ang salarin" "huwag po kayong mag alala ginagawa na po namin lahat nang aming makakaya para mahanap ang killer na yun chineck na rin po namin yung mga Cctv footages sa nasabing lugar" "maraming salamat po ulit sainyo kayo na po ang bahala chief" "sige po.. mauna na kami" ihinatid na lang ni Amanda ang mga pulis sa labas nang hospital at saka pumasok sa loob ulit "huwag kayong mag alala kuya at ako na ang bahala para bantayan at alagaan ang anak ninyo ni Ate.. huhulihin ko ang mamatay na taong yun at sisiguraduhin kong mabubulok sya sa kulungan" napa upo na lang sya sa may waiting area at napahagulhol nang iyak dahil sa sakit na kanyang nararamdaman 1 Week Later Matapos nga ang nangyaring krimen ay ito nan ang araw para mag paalam si Ella sa kanyang pamilya marahan silang naglalakad habang unti unting pumapasok sa loob nang sementeryo habang isa isa silang nag bibigay nang bulaklak ay hindi na nga napigilan pa ni Ella ang mapahagulhol sa pag iyak Naawa na rin sa kanya ang kanyang Auntie Amanda at itinayo sya mula sa kanyang pag kakaupo sa lupa "tahan na.. everything gonna be alright.. alam kong masakit pero kailangan mong magpakatatag para din naman yun sa ikakabuti mo and i'll promised that i will do my best para lang madakip yung may kagagawan nito sa family mo Ella" Matapos ang libing ay nag paiwan na muna si Ella sa puntod ng kanyang mga magulang at kapatid saka ito naupo para ilabas ang kanyang nararamdaman "Pa.. Ma.. patawarin nyo po ako dahil wala akong nagawa para iligtas kayo naging mahina ako para harapin po ang bagay na yun, nagising na lang po ako na huli na po pala ang lahat Samuel patawarin mo si ate ha.. kasi wala akong lakas nang loob para ialis kayo sa kalagayan ninyong iyon eh di sana nailigtas ko kayo wag po kayong mag alala Ma, Pa, Samuel.. hindi po ako titigil para hindi pag bayarin ang taong yun sa pagkawala ninyo" nakita na lang ni Amanda sa di kalayuan na umiiyak na naman si Ella kayat hinintay nya na lang ito sa loob ng sasakyan Pag uwi nila sa kanilang bahay ay nadatnan nilang naroroon na ang mga pulis at nag hihintay sa kanila sa loob ng Sala kaya nang makita sila nito ay kaagad naman itong nag si tayuan at saka nito ibinaba ang iniinom nilang mga kape
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD