“I..I'm s-sorry. Hindi ko s-sinasadya na masugatan ka,” Mahina kong sambit habang nakaupo sa kama at nilalagyan ng ointment ang maliit sa sugat ni drex sa likod ng ulo. Hindi kumibo si drex at nanatiling walang imik. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano. Ni hindi niya ako pinapansin mula kanina, pero pumayag naman siya na lagyan ko ng ointment ang kanyang sugat. “Drex...galit ka ba sa'kin dahil sa pagbato ko sa’yo?” Hindi siya sumagot. “Sorry na. Hindi ko talaga sinasadya, drex. I'm sorry..” Hindi parin siya sumagot. Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil sa pagbato ko sa kanya, kung hindi ko siya binato hindi sana siya masusugatan. This is all my fault. Pagkatapos kong gamutin ang sugat niya ay agad siyang tumayo at walang sabi-sabing naglakad palabas ng kuwarto, kaya naiwan ako