Nakatulala ako sa garden at inaantay na umuwi si Chrome, tatlong araw na syang hindi umuuwi. Sabi nya saakin noon bago umalis ay saglit lang sya hanggang sa inabot na ng tatlong araw
"Hija, kumain kana para mag pa hatid sa eskwela" tumingala ako kay manang bago pumikit ng sandali bago mag mulat at mag tanong, hindi ko maiwasan na mag tanong kahit na alam ko na wala akong karapatan
"Manang, nasaan po kaya si Chrome. I start to feel nervous because he's not contacting me for three days" hinaplos ang buhoko ko at inalalayan ako na tumayo bago mungiti saakin
"Hija, matanda na si Sir. Saka wag ka mag alala. Uuwi yon ng buong buo at walang galos. Ang mahalaga ay ikaw, pumasok sa eskwela okay ba yon?" tumango nalang ako ng marahan bago lumakad papasok sa bahay, umupo sa hapag at nag umpisa silang bigyan ako ng makakain
"Bakit ayaw nyo ako papasukin!"
"Ma'am pasensya na, utos po ni sir Chrome" lumingon ako at muka ng kasintahan ni Chrome, si Tara na naka dress na pula, nakataas ang shades at ng makita ako ay lumakad agad papunta saakin
"Wala si Chrome, at naiwan ka dito. Nag sawa naba agad sayo ha, baby girl?" naluluha ako, bukod sa gutom na ako, dumagdag pa si Tara sa kalbaryo ng buhay ko
Oo, maganda syany babae. Pero hindi talaga maganda ang pag uugali nya, lalo na saakin. Para bang di ako nakakabata sa kanya
"You can give what Chrome want, tandaan mo yan. Saakin at saakin lang sya babalik Charlotte" binagsak nya ang isang envelop na pera
"B-bakit ganyan ka mag salita-"
"Kasi mapag samantala ka! Ang bata bata mo pa ang dami mo nang alam, pati pang aakit kay chrome ginawa mo!" sigaw at sinampal ako ng pag kalakas lakas. Kung minamalas lang talaga
"W-wala ako sinasamantala T-tara" inismiran ako pero dinuro ako ng bumalis
"Sinungaling ka!" sinampal ako ng malakas ni Tara at nanginginig ang kamay ko na nakakapit sa pisngi ko, she's glaring at me right now
Inipit nito ang pisngi ko sa kamay nya at nanlilisik ang mata habang ang pisngi ko ay mahapdi na. Walang magawa ang mga tauhan ni chrome dahil may kasama na body guard si Tara
"Hindi ko alam bakit ka kinuha ni Chrome. Pero isa lang masasabi ko sayo bata, wala kang lugar dito sa pamamahay ni Chrome, may karapatan ako na palayasin ka dahil magiging bahay ko na din ito" hindi ako makatingin sa kay Tara. Bakit ganito nalang ang galit nya saakin
I don't know why she's acting like that, nakikita nya ba ako na treat sa relasyon nila ni Chrome
"Bakit ayaw mo sakin, wala ako ginagawang masama sayo" nag patakan na ang luha ko habang mas nang gigil sya saakin, parang mapupunitna ang pisngi ko, gusto ko nang makawala at lumaban, pero papaano ako lalaban. Ayoko na masaktan si Chrome
"Sa ngayon wala, pero sa susunod meron Charlotte! Ilugar mo ang sarili mo, wag mo isiksik ang sarili mo kay Chrome, hindi ka nya obligasyon, huwag mo na syang idamay sa gulo na meron ka!" sumalampak ako at dumampi ang kamay nya saakin
Ang kamay nya ay hiniklat ang buhok ko, palahaw at iyak ang nagagawa ko, hindi ako makalayo sa dahil sa higpit ng kapit sa buhok ko. Nag sisi ako kung ano man ang kasalanan na nagawa ko, pero ano iyon at kailangan ako pahirapan ng ganito
"Please, tama na!" pag mamakaawa ko, tinulak ako palabas at nasubsob sa damuhan at nag babadya ang ulan na malakas
"Lumayas ka dito! I am his fiance pero parang wala akong karapatan sa magiging bahay ko, alam mo kung bakit? It's because of you Charlotte!" nanginginig ang kamay ko habang pinapahid ko ang luha ko, ang bigat sa dibdib ko ay wala nang mas ikakasakit at bigat ngayon
Ito ang pinaka masakit na naranasan ko bukod sa pag samantalahan ako ni papa noon.
Hindi ko mapalagay at malaman kung bakit ganito sila. Bakit pinag mamalupitan ako ng ganito. Wala naman ako ginagawang masama sa kanila
Gusto ko lang ng masaya at masaganang pamilya. Hindi ko hinangad ang yaman at luho. Pamilya lang, na iintindihin at mamahalin ako, kagaya ng pag mamahal ko
"Ma'am Tara. Pakiusap po, wag nyo gawin sakin ito. Wala akong ibang matutuluyan" tinaasan nya ako ng kilay, kinuha nya ang folder at envelope
Binato sa muka ko at kinuha ang hose, nabasa ang mga papel na binato nya
"Lumayas ka, isama mo yang papers na pag aari ng pamilya mo, tignan natin kung makapag bayad kapa sa utang mo kung wala nang kwenta ang mga yan!" Hindi ako magkanda mayaw na takpan iyon, lumapit sya saakin, tinulak at inagaw ang mga papeles
"Wala kang karapatan na lumigaya, mag dusa ka hanggang sa sukdulan ng buhay mo!" galit na galit nyang pinunit ang papel at para akong tinakasan ng dugo ko. Basa ang papel, nahati parin sa maraming piraso
"H-hindi" kinakapos na ako sa pag hinga, nakatulala sa papeles na nasa damuhan. Hindi na mabasa ang nasa papel. I try to collect the scattered pieces ng may matigas na bagay ang tumama sa ulo ko
"Get out here, ayoko makita yang pag mumuka mo dito, wag kanang babalik!" pwersado akong tinayo at kinaladkad papunta sa gate
"Kapag bumalik kapa dito, papatayin na kita!" she threatened me and when i reach the gate na bukas ay tinulak ako at sumubsob sa kalsada
"I will wait for your deepest downfall Charlotte" sumara ang gate lumakas ang kidlat at nag umpisa ang pag ambon
My sobs are unstoppable, para akong kukulangin sa pag hinga, life is so cruel and unfair. All i did on my whole life was to be a obedient kid, all i want is a love and affection of my parents. Kaso pinag kakaisahan ako ng kamalasan at kalungkutan.
Hindi na nga ako ganong kamahal, napag sasamantalahan pa ako. At ngayon ito, bakit ba naman sila ganito
Wala na ba akong karapatan na mabuhay sa mundo kaya ganito nalang ako mag dusa. Sobrang pasakit at bigat ang mabuhay saakin
I start walking at palabas na ako sa Subdivision nila, hindi ko makita ang dinadaanan at ang labo ng paningin ko
"Pakiusap. Kung wala na kayong gagawing maganda sa buhay ko. Kunin nyo nalang ako" lumuhod ako sa gitna ng kalsada
Ang lakas ng ulan ang nag tatago sa pag hagulgol ko, walang may gusto makinig saakin. Lahat gusto akong saktan at pahirapan
Saan ko ilulugar ang sarili ko kung ayaw saakin ng lahat, hindi ako binibigyan ng lugar at pag kakataon
"Ayoko na, tama na. Sobrang hirap mabuhay at maging ako" bulong ko hanggang sa hindi ko na maramdaman ang pag buhos ng malakas na ulan
"Tumahan kana, mag kakasakit ka nyan"