Phil
"P-po?" Para akong tanga na napatingin sa mga determinadong mata ni Sir East. Pakiramdam ko ay nawalan ng hangin ang aking mga lungs ng sinabi nya ang dalawang salitang iyon. You're Fired.
He looked at me with irritation at naiinis ako kasi kahit na ugaling demonyo sya ngayon ay napaka gwapo pa rin nya. Ano ba naman 'tong mga sinasabi ko, malapit na nga akong madeport eh.
"Hindi ko alam kung bingi or tanga ka, let me repeat what I said. YOU.ARE.FIRED. FIRED! So get your ass out of here. NOW!" Para akong sinaksak ng isang libong karayom sa puso. Para akong na first blood. Hindi ko na maramdaman ang mga tuhod ko sa sinabi nya at parang may nakabukol na bagay sa aking lalamunan na hindi ko magawang lunukin. I blinked twice at him. Paano na ang pamilya ko? Ang kapatid ko?
Naalala ko bigla ang sinabi ni Astarr. Kailangan ko syang sundin. I calmed myself and tried my best na sagutin sya na hindi ako pipiyok.
"Bago ako umalis, may pinapasabi pala ang friend ko." Inayos ko ang upo ko at tinuwid ang aking tingin sakanya. "Sabi ni Astarr mananagot ka sakanya pag pinadeport mo ko. At pag tinanggal mo ako babalik sya dito para magpakasal sayo and she said you wouldn't like it." Halos mabingi ako sa mga sarili kong salita. Hindi sya kumurap ng sinabi ko ang mga bagay na iyon. Pucha. I am feeling more scared ngayon. I saw his jaw clenched. Nakakahilo. Parang bigla akong nawalan ng pakiramdam. Ang sakit sa ulo.
Ilang sandali pa nakikipagtitigan lang sya sakin. Wala akong ibang naririnig kung hindi ang ballpen nya na itinutuktok nya sa mesa nya. Naiirita ako kaya yumuko na ako. Mukha namang di ako mananalo sa laro nyang eyes to eyes na to baka matuyuan ako ng tubig sa mata at mabulag.
"Do you think you and Astarr can bluff me?" Kumabog ang dibdib ko ng marinig ko syang mag salita. Patay na. Mukhang di ako sasantuhin nito. Nagulat ako ng umalis sya sa pagkakasandal sa kanyang swivel chair. Unti unti nyang inilapit ang kanyang sarili sa mesa at sakin. Nakakailang ang ginagawa nyang to. Hayup na americano to. Kinuha nya ang remote sa kanyang tabi at saka pinindot iyon. Narinig ko na naglock ang pinto. Amazing!
"A-anong gagawin mo sakin?" Nanlalaki ang aking mga matang tanong ko sakanya. Nagbago ang expression ng kanyang mukha. Ngumiti ito pero hindi ngiting gagawa ng mabuti. I feel something is not right. Tumayo sya at saka unti uting lumapit sakin.
He grabbed the arm rest of my swivel chair and lowered his head down on me. Naaamoy ko ang kanyang pabango at pati ang kanyang hininga. Amoy honey. Nag init ang aking pakiramdam at pinilit kong isiniksik sa upuan ang aking sarili.
"What are you going to do? Call the cops my dear?" Tinawanan ako ng demonyo. "I tell you what, go and call the all the cops in New York and say I am harassing you." Kinuha nito ang telepono na nasa kanyang tabi. "Take it. If you can't, you will follow my damn orders from now on! Come on, here, take the phone." Pinipilit nyang ibigay sakin ang kanyang telepono. Hindi ako pwedeng magsumbong sa mga pulis. Ako pa ang ikukulong nila at ipapadeport kapag nagkataon. Pano na ang kapatid ko. Dyos ko, hindi po ako naging mabuting anak pero wag nyo po akong pabayaan pakiusap.
"Three seconds, Two seconds, One Second." Ibinalik na ni Easton ang telepono sa pwesto niyon. Pagkatapos ay binalik nito ang tingin sakin at umupo sya sa gilid ng kanyang mesa. "This means, susundin mo ang mga sasabihin ko. I value my freedom so much and I don't like Astarr. She's an innocent, rebellious virgin." Pumalatak ito sakin. "I bet you too." Umiling ako pero hindi nagsalita sa takot na baka bigla nya akong palayasin dahil ayaw nya sa virgin.
Tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib ng lumayo sya sa akin. Pero nairita ako ng marinig ko ulit sya.
"Come with me." Aniya at saka sya tumigil sa harapan ng isang pintuan na alam kong hindi iyon ang pintuan palabas. Kumabog ang dibdib ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Hindi ko rin maipaliwanag bakit ba parang hini hypnotize nya ako at bigla nalang akong wala sa sariling tumayo at naglakad palapit sakanya. Nakita kong umangat ang gilid ng kanyang mga labi. "Good girl."
"What are you doing?" Wala sa sariling tanong ko. Biglang dumilim ang kanyang mga mata.
"Don't play innocent Miss Mercado." He said and gorgeously opened the door for me. Biglang kumabog ang dibdib ko sa kaba ng makita kong private room nya ito. Sa totoo lang naiiyak ako, natatakot. Eto ba ang kapalit ng pagpilit kong mag stay dito? Kailangan ko to diba? "Get in." Tila nagulat pa ko ng marinig ko ang kanyang boses. Nakakapanginig iyon.
Isinara ni Sir East ang pintuan mula sa kanyang likuran at lumapit sa isang cabinet sa may bintana at kumuha ng red wine. Inalok nya ako pero umiling lang ako dahil sa totoo lang gusto kong kumain. Masakit ang ulo ko, ang katawan ko at mainit ang pakiramdam ko. Siguro sa sobrang takot. Ang lalamunan ko sobrang nanunuyo na rin.
Mukha akong tanga na nakatayo sa harapan nya habang sya nakasaldal sa kanyang glass window at umiinom ng alak. Hindi ko sya tinitignan but I know he looks at me, hinihimay ang buong katawan ko. Kung kukunin nya ngayon ang bagay na 27 years na iningatan ng mga magulang ko at ako, hahayaan ko nalang, wala naman na din akong magagawa.
Napatingin ako ng marinig ko ang tunog ng baso na inilapag nya sa counter at ang mga yabag nyang papalapit sakin. Nagulat ako ng makitang nalaglag sa baba ang kanyang polo. Involuntarily, my muscles moved at napatingin ako sakanya. Iba ang ekspresyon ng kanyang mukha ngayon. He looks at me with his longing eyes. Deep. Nangungusap. Nag init ang aking mga pisngi ng saluhin ng kanyang dalawang palad ang aking magkabilang pisngi.
Nakita kong napakunot ang kanyang noo. Parang ang gaspang ba ng mukha ko? Hindi ba nya nagustuhan? Tang ama nagfe facial cream ako ah! Wala akong tagihawat! Well noong high school chaka college meron. Inilapit nya ang kanyang noo at idinikit saakin. Naramdaman kong medyo sinabunutan pa nya ang aking buhok. Nakakapagtaka sya sobra.
I don't know why it feels so comfortable with his touch. Sobrang nakakalamlam ng damdamin. Hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko ngayon bukod sa gutom at sakit ng ulo. Nararamdaman ko ang kanyang pag hinga sa mukha ko, mabigat iyon.
"You are freaking sick Miss Mercado." Yun ang narinig kong sabi nya sakin. Inilayo ko ang aking mukha sakanya at hinayaan naman nya ako. Nakakadisappoint na binitawan nya ang aking mga pisngi. "May sakit ka. You are damn hot." Tila nagulat ako sa sinabi nya. Hot daw ako. Nagulat din ako. "Literally speaking I mean your temperature is hot." Paliwanag nya habang nakahalukipkip at nakatingin sakin. Hinawakan ko at dinama ang aking pisngi pero ung mga palad ko ang naramdaman ko na mainit. Oo nga.
"Sir, I'm fine." Tumikhim ako at pinilit na ngumiti. "Sinat lang po." Pero sana hindi ako pauwiin kasi baka pag umuwi ako di na ako makabalik. He sighed. Tumalikod sya at binuksan ang curtain na tumatakip sa siyudad sa labas ng bintana.
"Go back to work. Make sure you don't die. I'll get back to you after your s**t. And don't freaking Sir me, it's annoying." Sabi nya na may iritasyon sa boses. Nakatalikod lang sya sakin kaya wala akong magawa kung hindi pagpantasyahan ang likod nya. Pucha kahit nakatalikod sya yummy paren! Ay teka ano ba 'tong iniisip ko. Tumalikod na ako at dali daling lumabas at baka mamaya magbago pa ang isip.
"Hey lady, where's East?" Nakakagulat 'tong isang to. Alam kong ito ung kakambal nyang masungit at dobleng mas nakakatakot sakanya. Nakatingin lang ako dito kasi di ko alam sasabihin ko. Tumayo ito at umiling. Nagulat ako ng maglakad sya papalapit sakin. "You don't look well. Go to a doctor." Dry pero maayos naman ang pagkakasabi nya. Tumango lang ako at nilagpasan na nya ako para buksan ang private room ni East.
Hindi pa ako agad naka galaw sa kinatatayuan ko ng marinig kong sumigaw si East.
"What the hell do you mean Easton?!" Si Thor yun.