HATING gabi ay pumasok ang limang kalalakihan sa mansion at pareho ang mga ito na nakasuot ng bonnet. Kasalukuyan namang nasa airport na si Orpheus at kararating lang ng eroplanong sinasakyan. Dali-dali siyang sumakay ng taxi pauwi sa kanilang bahay at wala siyang kamalay-malay na nakasunod naman si Shea at ang dalawa pang malalakas na bampira. Sumakay sila sa ibang taxi at sinundan nila si Orpheus. Sinubukan niyang tawagan ang mga magulang ngunit walang sumasagot. Siguro ay mahimbing na ang tulog ng mga ito. Ngunit iba ang nararamdaman niya nang sandaling iyon, bigla siyang kinabahan na hindi kayang ipaliwanag. =LAZARUZ MANSION= "Sino kayo?!" gulat na tanong ng dalawang katulong, ngunit hindi sila sinagot at agad itong pinagbabaril. Walang umalingawngaw na putok sapagkat nilagyan n