Episode 3 - Blackout

1002 Words
"Okay naman po siya, sir. Basta palagi lang niyang iniinom ang gamot. Magpapaalam na po ako, sir. Salamat ulit." "Sumabay ka na sa akin pupunta rin ako doon." "Ganoon po ba? Sige po, sir. Salamat!" "No problem." "Ay! Iyong basket ko pala, muntik kong makalimutan." "Okay, hintayin natin." Bahagyang ngumiti si Orpheus, dahil sa ekspresyon ng dalaga na tinapik nito ang kaniyang noo. Nang makabalik ang sekretarya ay sabay ng tumayo ang dalawa. "Ako na ang magdadala," pahayag ng binata at akmang kukunin ang basket. Subalit maagap itong inagaw ni Yvette. "Ako na po, sir! Hindi bagay saiyo," aniya at dali-daling tinago ang basket sa kaniyang likuran. "Okay, let's go!" Tulala si Mhai, at hindi makapaniwala na isang tindera lang pala ang magpapangiti ng kaniyang boss. "O.M.G!" bulalas ni Fralyn Rose at halos lumuwa ang mata nang makita niyang makasabay na lumabas ang kanilang boss ang ang tindera ng kakanin at nakangiti pa ito. "Whaaaat?! Low level lang pala ang like ni boss!" bulalas ni Ginelyn. "Hoy! Bakit ikaw?! High profile ka ba?" turan ni Mae Ann. "Hindi! Hindi puwedeng matatalo lang ako sa isang sidewalk vendor na iyon!" piping sabi ni Jessica sa sarili. "And the winner is... Goes to KAKANIN GIRL!" sigaw ng kanilang supervisor at nakatingin ito kay Jessica. Palakpakan naman ang iba pang empleyada na against sa apat na magkaibigan at ang tingin nila ay nasa mga ito. Sa basement nagpunta ang dalawa sapagkat doon nakaparada ang sasakyan ni Orpheus. Tamang-tama na sa kanilang paglabas ng elevator at biglang nag-blackout. Napasigaw si Yvette at biglang napayakap sa lalaki. Hindi niya pansin kung sa harapan or sa likod siya nakayakap dahil sobrang dilim. Napansin naman ni Orpheus ang takot ng dalaga sapagkat nanginginig ang kaniyang buong katawan. "Yvette, are you okay?" "H-hindi, sir. Sobra kasing dilim, a-ano po ang nangyari?" "Blackout yata, but don't worry my generator naman dito. At maya-maya lang ay iilaw na ulit," baliwanag ni Orpheus. Dahil sa sobrang takot at lihim na napaiyak si Yvette, lalo na't lalaki ang kaniyang kasama at hindi pa nito kilalang lubos. Pinailaw ni Orpheus ang flashligh ng kaniyang phone at sa mukha niya nakatutok ang liwanag. Muling napasigaw si Yvette, nang makita ang mukha ng lalaki. Dahil sa balbas nakatingin ang kaniyang mga mata. "It's okay, Yvette. Halika!" Hinawakan niya ang dalaga at saka niya pinindot ang remote ng kaniyang sasakyan. Hanggang sa makasakay sila. "Huh!" Hingang malalim ni Yvette, na ang kaniyang mukha ay ipinatong sa hawak niyang basket. Thank you, Lord!" "Here, uminom ka muna," anang binata at inabot ang bote ng tubig. "Salamat po, sir." "Nerbiyosa ka pala?" "Opo, sir. Takot talaga ako sa sobrang dilim. Pasensya na po sa nagawa ko kanina," "It's okay, I understand." Papaalis na sila, nang biglang bumalik ang ilaw. At napansin ni Orpheus na pawisan ang dalaga. Daig pa nito ang tumakbo ng one thousand meters. Kaya naman naniwala siya na takot nga ang dalaga. Kinuha niya ang kaniyang panyo mula sa bulsa at pinunasan niya ang pawis sa mukha ni Yvette. "Ay! Ako na po! Salamat po. Bukas ko na ito isauli, sir. Lalabhan ko muna." "Okay!" HANGGANG sa makarating ang dalawa sa Homeless Child Charity. Nagmadaling bumaba si Orpheus, upang ipagbukas sana niya ng pito ang dalaga. Ngunit maagap namang lumabas si Yvette, sapagkat napansin niya ang lalaki. Ayaw niyang magpa-special dito, dahil ayaw niyang isipin ng lalaki na tini-take advantage nito ang kabaitan na ipinakita sa kaniya. "Ang bilis mo namang makababa." "A-e... sanay kasi ako sa pabilisan, sir." "I see. Let me help you," anang lalaki at akmang kukunin ang basket. "Naku! Ako na po, sir. Hindi talaga bagay sa iyo ang magdala ng ganito. Napailing-iling na lang ang binata at lihim na napangiti. "Hi, son!" boses ng kaniyang ina na sumasalubong sa kanila. "Hi, Mom!" tugon nito sabay halik at yakap. "Good day, madam. Kumusta po kayo?" "I'm fine!" "Son, why are you here? Hindi ka ba busy sa kompanya?" "Not so much, Mom." "Napatitig si Ginang Josephine sa kaniyang anak at napansin nitong may kinang ang mga mata ni Orpheus at masaya ito. "Hmm... Madam. Si Nanay ko po?" "Umalis na iha, ang bilin niya ay sabihin ko raw sa iyo na mauna na siya sa palengke. Doon na lang daw kayo magkita sa bilihan. I think, nahihiya siya dito." "Ay! Opo! Mahiyain talaga si Nanay, hindi nga iyon pala salita. Ah... sige po, madam, sir. Mauna na ako nag-aalala kasi ako kay Nanay." "Wait!" pigil ni Ginang Josephine." "Bakit po, madam?" "Kailan ka ba hindi busy? Gusto kitang makausap, it's about job." "Job?" Bahagyang nag-iisip si Yvette at pansamantalang tumahimik. "Baka bibigyan ako ni madam ng extra-job sayang naman kung tatanggihan ko." wika niya sa sarili. "Hmmm… mamayang alas-tres, madam. Nandito pa po ba kayo?" "Yes, I'm still here. Hihintayin kita." "Opo, madam. Darating po ako. Sige po, alis na ako." "Ihatid na kita!" Pahabol ni Orpheus. "Huwag na po, sir! Salamat!" pasigaw nitong tugon, dahil takbo at lakad ang kaniyang ginagawa. "Son," sambit ng ina niya. "Yes, Mom?" Pareho ang mag-ina na ang tingin ay nasa dalaga na papalayo sa kanilang kinatatayuan. "You like her, too? This is my first-time na makita kitang interesado sa babae." "I don't know if I like her, Mom. But I'm willing to help her." "Why?" Mrs. Lazaruz asked. "Because I saw her with a good heart and generous. "Yeah... you're right, son. That's why I want to help her too." "Anong work ang ibibigay mo sa kaniya, Mom?" "Hmmm... as my personal assistant. Not hard work for her." Hindi na nagsalita si Orpheus, ngunit tumango-tango naman ito bilang pagsang-ayon sa sinabi ng kaniyang ina. Biglang tumunog ang phone ng binata at ang kaniyang sekretarya ang tumawag. Dahil pinaalala nito ang business meeting niya sa isang foreigner investor at twelve o'clock in the afternoon. "May problema ba sa company, son?" tanong ng ina matapos makansela ni Orpheus ang tawag "Nothing, Mom. Pinapaalala lang ng aking sekretarya na may meeting ako at twelve o'clock in the afternoon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD