PUMASOK sila sa kuwarto ni Orpheus at tulak pa rin niya ang wheelchair. Lihim na napa-wow si Yvette, dahil sobrang ganda ang loob nito. Daig pa babae ang tumira rito dahil sobrang linis at ayos na ayos ang mga gamit at ang bango-bango pa. "Gusto mo bang humiga, sir?" "Yes, please." "Okay, halika." At inalalayan niya ang binata hanggang sa nakahiga ito sa kama. "Thank you, Yvette." "Welcome, sir." "Ummm… may kailangan pa kayo?" "Wala na sa ngayon, magpahinga ka muna." "Mamaya na po, sir. Aayusin ko lang itong kunti kong gamit." "Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ang mga katulong." "Okay lang po ako, sir. Ay! Puwedeng magamit sa phone mo, sir Orpheus? Tatawagan ko lang si Nanay, baka kasi pumunta sa ospital." "Yeah, sure. Later tatawagan ko rin ang aking secretary para bi