"Kailangan mo na ring magpahinga, Rosalie. Anak lang natin ang kailangan ko sa iyo dahil wala ka nang silbi sa akin. At masyado kang maraming alam sa buhay ko, paalam Rosalie." Kinuha niya ang baril ng tauhan at hinalikan niya sa labi ang babae at sabay baril nito sa dibdib ni Ginang Rosalie. Dahan-dahang pumikit ang luhaan niyang mata.. "Naaaaay!" Napabalikwas si Yvette, dahil sa masama niyang panaginip na parang totoo. "My Queen, ano ang nangyari?" "Saan ako? Nasaan sila, Nanay?" "Nandito ka sa hospital, Sobrang taas ng lagnat mo kanina." "Orphe, kailangan nating umuwi, sila Nanay! Ang sama-sama ng panaginip ko, parang totoong-totoo!" tarantang sabi niya. "Kaya mo na ba?" "Oo! Bilisan natin, Orphe!" Nanginginig sa nerbiyos si Yvette at hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib