Dahil sa trahedya, sinikap ni Emory Du Marais na maging isang ganap na vampire huntress. Galit na galit siya sa mga bampira. Kinamumuhian niya ang lahi nito. Sila ang dahilan kung bakit sa mura niyang edad ay namulat na siya sa karahasan.
Iisang bampira lang naman ang nais niyang mapatay. Ngunit paano kung ang nilalang na iyon ay nasa paligid lang niya at binabantayan siya simula noong bata pa? Makakayanan ka niyang saktan ang bampira na siyang dahilan ng kaniyang paghihirap?
Maaatim kaya niyang patayin si Azarius Saint Laurent? Na siyang pingkaitan niya ng pagkakataon na magmahal.
Photo used in cover is not mine. Credits to the rightful owner.