Nasa pasilyo ako ng isang five star hotel sa Davao City kagagaling ko lang sa airport ang sabi kasi ng secretary ng asawa ko kay dito siya naka check-in.
Nasa penthouse daw ito ng hotel kaya andito ako ngayon susurpresahin ko siya. Ang hotel na ito ay pag-aari ng pamilya ko pero hindi alam ng asawa ko dahil hindi naman niya alam na anak ako ng may ari ng kompanya na pinatratrabahuan niya.
Hindi ako kumatok dahil meron akong sariling keycard nang mabuksan ko ito nakita ko ang dalawang tao na nasa kama nagtatalik at walang pakialam sa mundo.Ang pagkagulat ko ay natabunan ng sakit at galit pero hindi ko kayang kumprontahin ang asawa ko ang nagawa ko lang ay ang isara ang pinto at umiyak ng tahimik sa labas ng pintuan at umupo sa sahig bumabaha ang luha at walang pakialam kung maraming tao na ang lumagpas at nakakita sa akin. Nang kumalma ang aking sarili tumayo ako at sumakay ng elevator pababa na wala sa sarili at sumakay ng taxi nagpahatid sa isa pa naming hotel at doon na muna nag stay at plinano ano ang gagawin , iwanan ko ba ang aking asawa at magpakalayo -layo o manatiling asawa niya at itikom na lang ang bibig at ipikit ang mga mata sa lahat ng nakita ko kanina.
Kun yun ang gagawin niya siya ay maging talunan ngunit kaya ba kaya niyang iwanan asawa niyang hindi kuntento sa kanya at kumuha pa ng kabit para mapaligaya siya, Siya na isang billionarya na kahit hindi alam ng asawa niya ngunit siya ang naging maswerte dahil nararanasan niya ngayon ang kayamanan ng hindi niya kilalang sa kanyang asawa pala.